Naaresto ng pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), BOC-Enforcement and Security Service (ESS) at ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang lalaki dahil sa ilegal na pagbebenta ng items na nasabat ng BOC kamakailan. Nakilala ang mga naaresto na sina Primo Baldon at Richard Lagrolia. Ayon sa report, noong Hulyo 12, 2019, ang mga elemento ng CIIS at ESS ay nakipag-ugnayan kina PLtCol Cesar G. Paday-os, chief ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) kaugnay sa ulat ukol sa iregularidad ng …
Read MoreAuthor: admin
BOC PINANGUNAHAN ANG ASW 48TH MEETING
Pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC) ang 48th meeting ng ASEAN Single Window (ASW) na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa sa Asya na isinagawa sa Rizal Park Hotel, kamakailan. Ang ASW ay isang regional initiative, na ang layunin ay magkaroon ng maayos na cross-border electronic exchange ng Customs documents sa pagitan ng ASEAN’s 10 member-states. Pangunahing lumahok sa four-day meeting ay ang Technical Working Group (TWG) mula sa mga delegado ng ASEAN member-states, miyembro ng Philippine delegation mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at kinatawan…
Read MoreMGA PANGAKO SA IKAAPAT NA SONA NI PANGULONG DUTERTE, INAABANGAN
Ngayong araw nakatakdang ganapin ang ikaapat na SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tiyak na nakaabang ang buong bansa dahil ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang ikaapat na SONA raw ng pangulo ay tungkol sa mga bagong pangako nito at sa kanyang mga nagawa sa loob ng kanyang unang tatlong taon ng panunungkulan. Aasahan ding ipahahayag niya kung ano pa ang mga maaari nating asahan mula sa kanyang administrasyon sa natitirang tatlong taon ng kanyang pamumuno. Naitala ang pinakamataas na rating ng pangulo mula…
Read MoreOROPHIL SHIPPING ITINUTURONG UTAK SA PAGKAWALA NG 641 CONTAINERS – BOC
Sinampahan ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang mga opisyal ng Orophil Shipping International Corporation, Inc., isang officer ng forwarder at dalawang empleyado ng BOC kaugnay sa pagkawala ng 641 containers sa loob ng Manila Container Port (POM) kamakailan. Ang sinampahan ng kaso ay ang mga opisyal na sina Juan Orola Jr., Chairman of the Board, Tomas Orola, President & CEO, Elizabeth Orola-Salabas, Vice President at Gilray Romeo Torres, Operations Manager. Ang mga ito ay inakusahan ng mga opisyal ng…
Read MoreDEPENISYON NG ENGKANTO
Sa orihinal na pagkakaunawa ang salitang “engkanto” ay nangangahulugan na mga lamang-lupa o mga nilalang na ispiritwal ang pinagkakaugatan. Ngunit may iba akong pakahulugan diyan. Maraming engkanto sa ating lipunan. Mga engkantong anyong tao. Ang iba’y mababasa ang mga pangalan sa mga pahayagan, nasa likod ng mga dambuhalang TV network, mga multong may mga kamay na pumapatag sa mga bundok, mga kaluluwang lumalason sa hangin, mga kaisipan na pinantatakip sa kamulatan, mga engkantong nasa likod ng kapangyarihan at tumatabas sa kasaysayan ng bansa. Mga engkanto ngang nananahan sa mga matatandang…
Read MorePACQUIAO NANAIG KONTRA THURMAN!
Nanaig ang lakas at experience ni 8-division champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao kontra Keith Thurman sa 12-round World Boxing Association welterweight championship na ginanap sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada sa sagupaan noong Sabado, Hulyo 20, (Linggo ng umaga sa Pilipinas, Hulyo 21). Pumabor kay Pacquiao ang split decision ng dalawang hurado sa score na 115-112 samantalang pabor kay Thurman ang score na 114-113 . Sa kasalukuyan, hawak ni Pacquiao ang rekord na 62-7-2, 39 KOs. Samantala, si Thurman na lumasap ng kanyang unang talo kontra kay Pacquaio ay…
Read MoreFASHION TIPS FOR MEN
Marami sa mga lalaki ngayon ang ‘basta na lamang’ sa kanilang pagbibihis o pagporma. Ito ay dahil sa iniisip nila na sila ay mga lalaki at hindi naman kailangang maging “maarte”, magbihis pa o maging presentable. Pero ang totoo ay kailangan din nilang maging maayos sa pananamit dahil presentasyon din ito ng kanilang mga sarili habang humaharap sa iba. Tulad ng mga babae, may fashion tips din silang dapat sundin. 1. For sure may mga damit at accessories kang hindi mo naman talaga ginagamit pero nasa drawer, locker, o closet…
Read MoreINTERSEKSIYON
Sa pansamantalang paglalakbay ang pag-alis ko na ito sa Pilipinas, may isang salitang naipaalala ulit sa akin ng aking mga bagong karanasan at mga nakilalang tao: ang interseksiyon. Maraming pakahulugan ito. Pwede nating sabihing isang sangang-daan. Salubungan. Overlap. Sa mga naunang babaeng aktibista, o mga feminist, nakuha natin ang teyorya ng intersectionality, na sa payak na pananalita ay tumutukoy sa pagsasalubong o banggaan ng mga kategorya gaya ng gender, lahi, uri na nagdudulot ng patung-patong na opresyon lalo na kung galing ka sa mga panlipunang kategorya na madalas ang naapi,…
Read MoreSA PAGPUTOL NG DIPLOMATIC TIES, ISIPIN ANG KAPAKANAN NG OFWs
Hindi maganda ang pagtanggap ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) resolution na naglalayon na imbestigahan ang madugong illegal drug war ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi ito nagustuhan ni Pangulong Duterte at ng kanyang ilang opisyal at tagasuporta, na itinuturing na ito’y pangingialam ng ibang bansa sa mga panloob na kapakanan ng ating bansa na sa tingin nito ay nakakabuti para sa kanyang mga mamamayan partikular sa pakikipaglaban sa illegal drugs at iba pang kriminalidad. Tama naman sila rito. Kaya agarang kinondena at binatikos ni Duterte,…
Read More