PCG PUMASOK NA RIN SA ‘TARA’ GAMIT ANG E2M

PCG-4

(SAKSI REPORTORIAL TEAM) Pinaniniwalaang pumasok na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kontrobersyal na tara system gamit ang umano’y access sa E2M, makaraang maaresto ang isang indibidwal na nakilala sa pangalang Vincent Marinas. Nahuli umano ito sa  loob mismo ng opisina  ng PCG  sa NPO building. Ayon sa nakalap na impormasyon, si Marinas ay ginagamit umano  ng PCG upang mangolekta   ng tara sa mga tinaguriang player sa Aduana ng 2K per lata. Napag-alaman din na sa loob ng opisina ng PCG sa Customs ay may mga computer na may…

Read More

238 KILO NG KARNENG MAY ASF SINUNOG

KARNENG MAY ASF

Pinangunahan ng Bureau of Customs-Kalibo International Airport (BOC-KIA) personnel ang pagsunog at tamang pagtatapon sa 238 kilo ng  karneng pinaniniwalaang may African Swine Fever (ASF) virus. Ayon sa report, nasabat ang kontaminadong karne ng BOC-KIA at Veterinary Quarantine Service-VI, Bureau of Animal Industry (VQS-VI BAI) sa Kalibo International Airport kamakailan. Isinagawa ang pagsunog ng nasabing karne sa municipal landfill sa Old Buswang, Kalibo, Aklan nitong nakalipas na Hunyo 6, 2019. Matatandaang naghigpit ang buong bansa partikular ang mga paliparan at pantalan matapos pumutok ang isyu ng ASF na nakaaapekto sa…

Read More

2-DAY SEMINAR SA PORT OF NAIA IDINAOS

Aircraft Operations Division

Upang mapaganda pa ang serbisyo-publiko Sa layuning higit pang mapaganda ang paghahatid ng serbisyo-publiko,  nagdaos ng dalawang araw na seminar ang Aircraft Operations Division (AOD) ng Port of NAIA  para sa kanilang mga tauhan. Sa pangunguna ni Mr. Jovic Gallo ng AOD, ang 2-day seminar ay nakasentro sa usaping may kinalaman sa Customs boarding formalities; airport protocol at etiquette; AOD uniform; pre-arrival of the aircraft; entrance & clearance of aircraft in foreign commerce; flowchart for arriving & departing aircraft search; movement of cargoes; cargo classification; violations & penalties for entrance…

Read More

9 NA BAGONG BOC DISTRICT COLLECTORS NANUMPA KAY GUERRERO

9 BOC DISTRICT COLLECTORS

(Ni JOEL O. AMONGO) Pormal nang nanumpa kahapon kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang siyam na bagong itinalagang district collectors ng ahensya. Isinagawa ang panunumpa sa BOC Situation Room, Port Area, Manila. Kabilang sa mga nanumpa ay si Port of Manila (POM) Acting District Collector Arsenia Ilagan at si dating POM District Collector Atty. Ma. Rhea Gregorio, ang kasalukuyang Acting District Collector ng Port of San Fernando, La Union. Si Atty. Ruby Claudia Alameda naman ang Acting District Collector ng Port of Clark, samantalang si Atty.…

Read More

LIBU-LIBONG KASO PENDING SA DOJ

PRO HAC VICE

Anong paraan kaya ang gagawin ng Department of Justice upang ‘di man maresolba lahat ay mabawasan man lang ang aabot sa 12-14 na libong kaso na nakabinbin sa DOJ. Sa isang press briefing inamin mismo ni Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay na natatambakan sila ng mga kaso mula sa petition for review at motion for reconsideration na sinampa sa DOJ na ito umano ay mula sa iba’t ibang litigant sa iba’t ibang panig ng bansa. Nilinaw naman ni Usec. Sugay na ginagawa na nila ang pinakamabisang paraan upang maaksyunan at makatugon…

Read More

KUDETANG INISYATIBA NG US

SIDEBAR

Hindi malinaw kung saan hinugot ng founder ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison ang kanyang analisis na posibleng mag-inisyatiba ang Estados Unidos sa pagsasagawa ng isang kudeta para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Malamang na sa online edition ng mga pahayagan nakalap ni Sison ang kanyang impormasyon hinggil sa posibilidad na magkaroon ng US-backed coup sa Pilipinas na may kinalaman sa pagiging malapit ng administrasyong Duterte sa bansang China na may “trade war” ngayon sa US na nag-ugat naman sa isyu ng Chinese-owned…

Read More

HINDI NAMAN KASI TAMA ANG MAGING EPAL

SA TOTOO LANG

May mga politiko na kahit mga buhay pa naman ay naroong laging nagpapakilala at gustung-gusto na nakikita ng publiko ang kanilang mga pangalan sa kung saan-saan, maging sa mga paaralan. Talaga namang hindi na pinatawad. Ito ngayon ang nasisita ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang nasasakupan. Nagbaba ito ng kautusan na tanggalin ang mga pangalan ng mga politiko mula sa mga pribado at pampublikong paaralan. Andon ang pahayag ng alkalde na huwag politikahin ang mga paaralan. Matatanggal na ang mga ganyang paepal na aktibidad. Mabuti naman kung ganoon. Hindi…

Read More

CAREER PUSH SA MGA MILLENNIAL

CAREER PUSH

Sabi ng mga “lumang tao”, iba ang “galawan” ngayon ng millennials. Ang millennials ay ang mga taong ipinanganak simula 1981-1996, sila ang mga nasa edad 22-37-anyos. Samantala, ang post-millennials ay ipinanganak simula 1997 to present na may edad, 0-21-anyos. Sinasabing iba ang galawan o attitude at kilos ng mga taong ito dahil na rin sa iba na ang he­nerasyon nila at malayu-layo na rin ang agwat ng pamumuhay nila ngayon sa pamumuhay noon ng mga mas nauna sa kanila. Pagdating sa trabaho, maraming kompanya ang nakapapansin na marami sa mga…

Read More

CAREER AT TRABAHO: ANO ANG MGA PAGKAKAIBA?   

CAREER AT TRABAHO

Ang trabaho at career ay kalimitang ginagamit in the same context. Pero marami siguro ang hindi nakaaalam na magkaiba ang trabaho sa career. Totoong ang dalawang ito ay laging naka-focus kung paano ka kikita ng pera, pero may pagkakaiba pa rin ang mga ito sa paraan kung paano mo makukuha ang goal mo. Sa trabaho kasi ay naka-focus lang talaga ito sa pagkakaroon ng kita o ng kita. Sa career higit pa sa pera ang tinatarget dito at ito ang mga bagay na magpapalawak sa iyong experience at kaalaman dahil…

Read More