Ang pahabain pa ang termino ng mga kongresista bilang pagnanais ng isa ring kongresista ay hindi naman na kailangan at isang malaking “huwag na”. Naroon kasi ang pagnanais na mula sa dating 3 taon ay ninanais itong gawing apat na taon with no term limits, o limang taon na may term limits. Sa ilalim kasi ng 1987 Konstitusyon, ang mga miyembro ng House of Representatives ay pinapayagan na maglingkod sa isang termino na tatlong taon at hindi hihigit sa tatlong magkakasunod na termino. Ang tanong kasi ng publiko diyan ay…
Read MoreAuthor: admin
EXCITED SA KANYANG PAGBABALIK
Excited ang mga residente ng Lungsod ng Malabon sa pagbabalik ni Congresswoman Jaye Lacson-Noel bilang kanilang kinatawan sa Kongreso dahil batid nila na sobrang malapit ang huli sa kanila, very accessible ika nga, well kaya naman siya’y kanilang muling iniluklok sa puwesto. Bukod sa marami s’yang naisabatas na may interes-nasyunal noong s’ya pa ang nasa Mababang Kapulungan, ‘di maikakatwa na halos ganun din ang dami ng kanyang mga naging akda kung saan mismong mga tagalungsod ang direktang nakinabang. “Maraming salamat sa muling pagsuporta upang ako’y maibalik sa Kongreso. Sa inyong…
Read MorePRES. DUTERTE DADALO SA ARAW NG PASASALAMAT SA OFW NGAYON
Tuloy na tuloy na ang pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat sa OFW ngayong araw ng Biyernes, July 12, na gaganapin sa Grandstand sa loob mismo ng Camp Aguinaldo sa EDSA, Quezon City. Ang pagdiriwang na ito ay para sa lahat ng OFW, dati at mga bago pa lamang na magiging OFW at pati ang mga kapamilya nito. Ito ay dadaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung kaya ang lahat ay inaanyayahan na dumalo upang personal na makasalamuha ng pangulo ang ating mga Bagong Bayani. Nagsama-sama ang iba’t ibang departamento…
Read MoreOTOP.PH PROGRAMANG DAPAT SUPORTAHAN
Malamang pamilyar na ang marami sa atin sa One Town, One Product (OTOP) Philippines. Ito ay isang priority stimulus program para sa micro, small at medium-scale enterprises (MSMEs) bilang pakikibahagi ng pamahalaan para mapagana at lumago ang lokal na ekonomiya. Ang programa ay nagtutulak sa mga lokalidad at komunidad upang madetermina, mapaganda, masu-portahan, at ma-promote ang mga produkto at mga serbisyo na nasa local culture. Ito ay para mag-bigay din ng community resource, creativity, connection, at competitive advantage. Sa kani-kanilang “pride-of-place”, ito ang mga offering kung saan sila ay mas…
Read MorePAGHAHABI: TRADISYON AT SINING NG MGA FILIPINO
Ang paghahabi ay proseso kung saan sinasala ang mga grupo ng mga sinulid mula sa mga kulay na nakapahalang at pababa nito upang makabuo ng tela. Ang paghahabi ay isa sa pinakapopular na pagbuo ng tela na may iba’t ibang uri ng disenyo kung kaya’t sining ng mga Filipino talaga ang ipinapakita nito. Ang paghahabi ay isang sinauna o daan-taon nang tradisyon at bahagi ng ikinabubuhay ng mas sinaunang mga tao sa bansa at kadalasan itong ginagawa ng mga kababaihan. Ang mga habiang ating nakikita ay patindig at pahiga. Ito…
Read More1st MANILA INTERNATIONAL PERFORMING ARTS SUMMIT GAGANAPIN SA CCP
Inaasahan na ang gaganaping first Manila International Performing Arts Summit (MIPAS) sa Setyembre 19 hanggang 22, 2019 at ito ay iho-host ng Cultural Center of the Philippines. Sa pagsasama-sama ng arts at business sectors mula sa Asia Pacific at iba pang bahagi ng mundo, ang multi-platform summit na ito ay naglalayon na impluwensyahan pa ang excellent performing arts pro-ductions at talents sa bansa at sa Asia Pacific Region, gayundin na maiangat ang kaalaman at lawakan ang market nito sa labas ng bansa. Sa summit na ito, magkakaroon ng tatlong flagship…
Read MoreIMPEACHMENT KAY PRRD SAYANG LANG
Halatang parte lamang ng propaganda ang mga patutsada ni Gng. Leni Robredo at ng mga grupong makakaliwa na pag-file ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Una ay walang ground. Ang nangyaring banggaan ng barko o bangka riyan sa Recto Bank ay isang maritime incident na walang kontrol ang pangulo ng Pilipinas, katulad na walang kontrol ang pangulo sa mga disgrasya sa mga lansangan. Ibig sabihin ba kung magkabanggaan ang isang kotseng may diplomatic plate at isang motor sa EDSA ay impeachable offense na rin. Nananaginip ba ang…
Read More“SOLOMONIC” DECISION NI PRRD SA SPEAKERSHIP
Maituturing na “Solomonic” ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpili ng speaker sa Mababang Kapulungan sa gitna ng pagtatapos ng termino ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Term-sharing ang naging formula ni Pangulong Duterte kung saan si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang unang uupong speaker sa loob ng 18 buwan samantalang si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay magiging speaker sa susunod na 22 buwan o hanggang Hunyo 30, 2022. Habang naghihintay pa ng kanyang term-share si Velasco, siya ang magiging chairman ng makapangyarihang Committee on Appropriations kung…
Read MoreWATAK-WATAK NA ANG KOALISYON NI DUTERTE SA KAMARA
Kahit nauna nang sinabi ni Duterte na hindi s’ya makikialam sa paghalal ng speaker sa Kongreso, wala siyang nagawa kundi manghimasok sa nagbabanggaang mga bato na nais makuha ang pinakamataas na posisyon sa House of Representatives. Ito ay patunay na watak-watak ang koalisyon ni Duterte, na may kanya-kanyang ambisyon at manok para sa speakership. Ang pagpili ng speaker ay dapat na independiente na desisyon ng lehislatibo bilang hiwalay na sangay ng ating pamahalaan. Ngunit, nais talagang panghawakan ng gobyernong Duterte ang buong pamahalaan sa paglalagay ng kanilang mga kaalyado sa…
Read More