(Ni JOMAR OPERARIO) Naging positibo ang revenue performance ng Customs-Legazpi matapos na makapagtala ito ng pinakamataas na koleksyon para sa tatlong buwan ng Pebrero, Mayo at Hunyo 2019. Para sa first half ng 2019, ang Customs-Legazpi ay nagpakita ng positibong revenue performance makaraang makapagtala ito ng sobrang P142,562,130.39 o positibong pagtaas ng 58.91%. Ito na ang pinakamataas sa kasaysayan ng collection ng Customs-Legazpi para sa dalawang buwan ng Pebrero at Mayo na umabot sa P75,598,472.27 at P129,531,103.00. Sa actual collection para sa buwan ng Hunyo 2019 ay nakapagtala ng P70,797,931.00…
Read MoreAuthor: admin
MICP NANGUNA SA ‘UNITED PORTUSERS AT LOGISTICS SUMMIT’
(Ni JO CALIM) NANGUNA ang Manila International Container Port (MICP) sa nakiisa at nakibahagi sa idinaos na United Portusers at Logistics Summit noong nakaraang Hunyo 20, 2019 sa Marriot Hotel, Manila. Sa naturang pagtitipon, nanguna si MICP District Collector at Customs Spokesperson Atty. Erastus Sandino Austria na nagbahagi ng kanyang mga kaalaman ukol sa pinakabagong trade facilitation na ipinatupad ng ahensya gayundin ang mga bagong proyekto nito. Ipinagmalaki ni Atty. Austria sa summit ang inilunsad na “Computer Systems Project” ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan. Ayon pa kay Austria, ang…
Read MoreMICP DIST. COLLECTOR PINURI NI GUERRERO SA GOOD PERFORMANCE
(Ni BOY ANACTA) BINIGYAN NG pagkilala ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero si Manila International Container Port (MICP) District Collector Atty. Erastus Sandino Austria dahil sa mahusay na performance dahilan upang malagpasan ang kanilang April target collection. Personal na inabot ni Guerrero ang certificate of commendation kay Austria bilang pagkilala sa kasipagan ng mga tauhan ng MICP. Noong nakaraang Abril ay nakapagtala ng kabuuang P13.8 bilyon actual collection ang MICP kumpara sa kanilang target na P13.6 katumbas ito ng 175.7 milyon pisong lagpas. Ang mataas na koleksyon…
Read MoreP1.4-M KUSH MARIJUANA NASABAT NG BOC-NAIA
(Ni JOEL O. AMONGO) Aabot sa P1.4 milyon halaga ng kush marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula sa isang residente ng San Juan City, kamakalawa na nakasilid sa loob ng Tortilla chips. Ayon sa ulat, naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at BOC-NAIA ang hindi muna pinangalanang suspek matapos tangkain umano nitong kunin ang padala sa Central Mail Exchange Center ng nasabing paliparan. Dito nadiskubre na ang padala ay naglalaman umano ng 847.24 gramo ng marijuana o…
Read MoreWALA PA RING SUSPEK SA PAGPATAY KAY MAYOR TONY HALILI NG TANAUAN CITY
Nitong nakaraang Lunes, Hulyo 1, ang unang araw sa Tanauan City Hall ng bagong halal na alkalde ng lungsod na si Mayor Angeline “Sweet” Halili na panganay na anak ng yumaong Mayor Antonio Halili. Kung pagbabasehan ang kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya at ang kanyang inaugural speech noong Lunes, makaaasa ang mga taga-Tanauan na lalo pang uunlad ang kanilang siyudad sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sweet. Kahapon, Hulyo 2, ang unang anibersaryo ng pagkamatay ng butihing Mayor Tony at kung nabubuhay siya ngayon ay 73-anyos na sana ang pinaslang…
Read MoreDOJ AT SI PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE
Bagama’t nasa ilalim ng Malacañang ang Department of Justice at si Justice Secretary Menardo Guevarra ay alter ego ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ‘di naman sang-ayon si Sec. Guevarra sa naging pahayag ni PNP chief Oscar Albayalde na nakahanda nitong sundin si Pangulong Duterte kung ipag-uutos nito na arestuhin ang sinumang maghahain ng impeachment case laban sa kanya. Sa panayam kay Sec. Guevarra sinabi nito na kailangan pa rin aniyang umiral ang rule of law. At kung may aarestuhin man ay kailangan pa rin ang isang warrant of arrest…
Read MorePARA SA MGA LOLO AT LOLA
Bagama’t nasa kultura nating mga Filipino ang sinasabing close family ties, may pagkakataon pa rin na nagiging isyu ito kapag nag-iiba na ang panahon lalo na para sa ating mga dumaraming senior citizens. Nangyayari ito dahil naiiba na rin ang henerasyon ngayon, gayundin ang uri ng pamumuhay kaya’t parang nababalewala at nawawalan din ng tamang atensyon para sa mga senior. At habang dumarami ang ating mga senior citizen ay nag-iiba rin naman talaga ang kanilang mga pangangailangan o hamon sa buhay. Marami na silang mga pangangailangan na hindi na tulad…
Read More2 SAYAFF TIKLO SA NBI
(Ni HARVEY PEREZ) NAKAKULONG sa National Bureau of Investigation (NBI),ang dalawang miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) na sangkot sa 2001 Golden Harvest Kidnapping sa Basilan matapos na maaresto sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Taguig at Maynila. Kinilala ni NBI Asst. Director of Intelligence Service Eric Distor, ang mga suspek na sina Ibno Ismael, alyas Abu Kodano; at Totoni Hairon. Isinagawa ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa dalawang ASG matapos na makatanggap ng “tip” ang NBI na nakikita si Ismael sa Maharlika Taguig at nagtatrabaho ito bilang construction…
Read MoreDRUG RECOVERY CENTER, IBINIGAY NG GLOBE SA CEBU PROVINCIAL GOV’T
SA pakikiisa sa pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot, nagbigay ang Globe Telecom ng kauna-unahang drug rehabilitation and treatment center sa lokal na pamahalaan ng Cebu. Ang drug recovery center na tinawag na “New Life Center” ay matatagpuan sa Pinamungajan. Layunin nito na mailigtas ang mga dating biktima ng ilegal na droga, maka-recover ang mga ito at tuluyan nang malayo sa masamang bisyo at maging mga produktibong mamamayan. Ang naturang hakbang ay kasunod na rin ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking at naniniwala ang pamahalaan…
Read More