MIYEMBRO NG AL-QAEDA, TIMBOG SA RAID SA ZAMBALES

ALBAYALDE-11

(Larawan at Istorya ni  JG Tumbado) Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Regional Office 3 (PNP-CIDG-RO3) at Philippine Army ang isang hotel kung saan pansamantalang nagtatago ang Kenyan national na miyembro ng International Terrorist na Al-Qaeda sa bayan ng Iba, Zambales. Nakorner ng raiding team sa kanyang inuupahang silid ang teroristang si Cholo Abdi Abdullah dakong alas 3:30 ng hapon ng Lunes sa 24 Rasaca Hotel sa Barangay Amungan. Ang naturang operasyon ay isinagawa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Emmanuel Silva ng…

Read More

KALIGTASAN NG PINOY FISHERMEN PINAGAGARANTIYA NI DUTERTE SA CHINA

DUTERTE-38

(Ni BETH JULIAN) Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makuha ang garantiya mula sa China para sa karapatan at kaligtasan ng mga mangingisdang Filipino. Ito ang inhayag ni Pagulong Duterte nang talakayin kamakalawa ng gabi, sa ika-39 na cabinet meeting, ang insidente ng Recto Bank na banggaan ng Chinese vessel at bangkang pangisda ng mga Pinoy noong June 9. Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, nais ni Pangulong Duterte na matalakay ang usapin ng Recto Bank sa bilateral meeting sa China. “The cabinet discussed the Recto Bank incident where…

Read More

DAGDAG NA NGIPIN VS TERORISMO 

TERORISMO

(Ni NOEL ABUEL) Muling isinulong ni Senador Panfilo Lacson ang panukalang naglalayong pigilin ang pagkalat ng terorismo sa bansa sa pamamagitan ng dagdag na ngipin. Sa inihain nitong Senate Bill 22, ninanais nitong amiyendahan ang Republic Act 9372 o ang Human Security Act of 2007 upang mas mabigyan ng lakas ang mga mahihinang probisyon na maaring gamitin ng mga teroristang nagbabalak maghasik ng karahasan sa bansa. “This bill aims to give the government an effective legal framework that would enable it to have a criminal justice response to terrorism.  This…

Read More

NAT’L COMMISSION OF SENIOR CITIZENS ACT, MALAPIT NANG MAISABATAS

Senior Citizens-4

(Ni BETH JULIAN) Asahan na anumang araw ngayon ay maisasabatas na ang National Commission of Senior Citizens. Ito ay matapos kumpirmahin na naisumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala. Sa ilalim ng nasabing komisyon na lagda na lamang ng Pangulo ang kailangan, ito ang mangungunang government agency na inaatasang tumutok sa pagbuo at paggawa ng mga polisiya, plano, at programa para sa kapakanan ng mga senior citizen sa bansa. Tumatayong may akda ng nasabing panukala ay si Senior Citizen partylist Rep. Francisco Datol Jr. 346

Read More

PAGGAWA NG BATAS

BATAS-1

Kung mangako ang mga kandidato akala mo madali… (Ni BERNARD TAGUINOD) Tuwing panahon ng kampanya, pinapangakuan tayo ng mga senatorial at congressional candidates na gagawa sila ng batas para magkaroon ng trabaho ang mga tao, tataas ang sahod, bababa ang presyo ng mga bilihin at kung anu-ano pa para lang makuha ang boto ng mga tao sa araw ng halalan. Pero paano ba ang paggawa ng batas na tila napakadali sa mga kandidato na ipangako ito at napapaniwala nila ang mga tao na magagawa nila agad kapag sila’y nanalo? Una,…

Read More

HUSTISYA MAILAP PA RIN SA PAMILYA NG MAHIGIT 830 BIKTIMA NG ‘MV PRINCESS’ TRAGEDY

EARLY WARNING

May 11 taon na rin ang nagdaan matapos ang malagim na trahedya sa dagat sa Romblon pro­vince na kinasangkutan ng M/V Princess of the Stars na pag-aari ng malapit-sa-sakunang Sulpicio Lines (kung kaya’t pinalitan na ito ng pangalan) pero lahat ng pamilya ng mahigit na 830 na mga nasawi ay patuloy pa ring nananag­hoy at naghihintay ng hustisya. Kahit si Public Attorneys’ Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta na matinding nakaalalay sa mga naghihirap na kamag-anak simula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi rin maitago ang pagkadismaya sa sobrang bagal ng…

Read More

MGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON

Psychtalk

(Ikaapat na bahagi) Bakit may bully sa mga paaralan? Walang bully sa mga paaralan, kung walang pumapayag na sila ay i-bully. Madaling sabihin, kung hindi ikaw mismo ang nakaranas ng sitwasyon. Bagama’t sa ilang pagkakataon, tama naman ang punto ng pangungusap sa itaas. Pero, bago natin intindihin kung bakit may pumapayag (kung mayroon nga talaga) na i-bully, subukan nating u­nawain, bakit may bully? O bakit ilan sa ating mga mag-aaral ay nauuwi minsan sa pambibiktima ng mga kaklase o kaibigan nila. Batay sa aking naobserbahan, at sa mga pag-aaral na…

Read More

JUNE TARGET COLLECTION NG PORT OF SUBIC NALAGPASAN

Port of Subic-1

Nalagpasan ng Bureau of Customs Port of Subic ang kanilang collection target para sa buwan ng Hunyo. Base sa report,  ang Port of Subic ay nakapagtala ng positibong pagtaas na 17.98% laban sa target para sa buong buwan ng Hunyo. Ang target ng Port of Subic para sa natu­rang buwan  ay P1,828,950,000.00 habang ang kanilang actual collection ay umabot sa  P2,157,827,739.32. Dahil dito, nagresulta ng P328,877,739.32 o katumbas ng 17.78% positibong lagpas. Ang Port of Subic ay anim na buwan nang sunud-sunod na nakakalagpas sa kanilang monthly collection targets. Kaugnay…

Read More

5 TSINO,1 PINOY INARESTO NG BOC, CIIS AT PCG

ARRESTED-17

Limang Chinese  na sangkot sa pagpuslit ng mga pekeng sigarilyo ang nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Enforcement & Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Bureau’s Action Team Against Smugglers, Philippine Coast Guard- Special Operation Group at Customs Examiners sa Valenzuela City noong Hun­yo 25, 2019. Nakilala ang mga suspek na sina Kevin Tan, Alex Chan, James Sy, Tin Fu, isang alyas Tonyo at kasamang Pinoy na nakilalang si Michael Jamora. Nauna rito, nakatanggap ang mga awtoridad ng derogatory information na isang warehouse sa Valenzuela City ang…

Read More