Batay sa mga pinakahuling datos, 10% sa mga kabataang Filipina na nagkakaedad 15-19 ay nabubuntis o nagiging dalaga o batang ina. Sabi nga ng UNFPA (United Nations Population Fund), kaisa-isang bansa ang Pilipinas sa Asia-Pacific na nagpakita ng mabilis na pagtaas sa bahagdan o bilang ng teenage pregnancy sa nakaraang huling dekada. Maraming maaaring iturong salik sa likod ng usaping ito bagama’t madaling ituro ang hindi agad pagkapasa ng Reproductive Health Law o ang ‘di naman epektibong implementasyon nito dahil sa maraming humahadlang dito sa umpisa pa lang. Madali ring…
Read MoreAuthor: admin
KABUHAYAN MAS GAGANDA KUNG BAWAS ANG POLITIKA
Ngayong araw na ito ay boboto ang halos 60 milyong Filipino, o mga 80 porsyento ng mga rehistradong botante sa ating bansa, para sa 12 senador, mga mahigit 200 miyembro ng kongreso at mga 18,000 lokal na opisyal. Sa aking kwenta, gumastos ang lahat ng mga kandidato para sa halalang ito ng mga P18 bilyon. Siguro ay mga P100 milyon hanggang P500 milyon para sa indibidwal na kandidato para senador, P10 milyon hanggang P500 milyon para sa mga kandidato para kongresista, gobernador ng probinsya o mayor ng malalaking siyudad, at…
Read MoreLRT-1 CAVITE EXTENSION PROJECT, SAGOT SA TRAPIKO
Limang taon na ang nakararaan nang maaprubahan at maigawad ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang proyekto ukol sa pagtatayo ng karagdagang walong istasyon sa linya ng LRT-1 na tatakbo mula Baclaran patungong Cavite. Ngunit sa kasamaang palad, naantala ang pag-andar ng nasabing proyekto. Inabutan na ito ng pagpapalit ng administrasyon. Panahon pa kasi ng administrasyong Aquino nang makuha ito ng LRMC. Ngayong 2019 ay uumpisahan na ang paggawa nito. Ang karagdagang walong istasyon ay matatagpuan sa Redemptorist, NAIA Avenue, Asia World, Ninoy…
Read MoreSA MGA WAGI, MANGUNA SA PAGLILINIS NG KALAT BAGO ANG ‘PARTY-PARTY’
Sa mga ganador sa nakaraang halalan, pakonsuwelo n’yo na sa mga talunan ang manguna sa pagtatanggal ng sandamakmak at nagkalat na election paraphernalia at paglilinis ng kapaligiran kesa sa unahin n’yo ang pagpa-party! Ilan lang sa mga talunan ang makikita natin na maaga pa lang ay tinanggap ang kanilang ‘mapait na karanasan’ at agad nanguna sa pagtatanggal ng kanilang mga ginawang kalat kung kaya tama lang na itong mga nanalo ang dapat gumawa nito bago ang magarbong selebrasyon. Tiyak may mga nag-iiyakang kandidato na naman habang sumisigaw na sila ay…
Read MoreKAPALPAKAN MO, HUWAG IBATO SA IBA
Dapat bang sisihin ang iba dahil napulaan ka ng dahil sa iyong pagkakamali at pagiging iresponsable? Ang katanungang ito ay ipinepresenta lang natin, dahil naging karaniwan nang ginagawang paninisi ng ilang opisyal ng gobyerno sa mga mamamahayag, tuwing pumalpak o sumablay sila sa kanilang trabaho. Tulad ng ginawang paninisi at pambabatikos ng Malacañang partikular ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ilang media outfits sa umano’y naglabas ng maling pahayag na sina Olympian Hidilyn Diaz at television host Gretchen Ho ay kasama sa mga newly-released matrix na nagpapakita ng mga personalidad na umano’y nagsasabwatan para…
Read MoreANG HAMON NG PAGIGING FILIPINONG INA
Masarap maging ina, karaniwang sasabihin ‘yan ng mga nanay. Pero sa katotohanan, hindi lahat ay magsasabi niyan. Depende sa konteksto o kadalasan, sa estado ng buhay. Maraming salik ang nagbabanggaan na siyang magtatakda kung magiging madali o mapanghamon ang pagiging ina lalo na sa bansang Pilipinas. Sa kultural na antas, mabigat ang iniatang sa balikat ng mga ina ng mga tradisyonal na pamantayan. Bilang tinaguriang “ilaw ng tahanan” pinapalagay na ang katatagan ng pamilya ay nasa kakayahan ng mga inang balansehin o kaya’y pagtiisan ang minsan ay nagbabanggaang pwersang humahamon…
Read MoreBANGKAY NG OFW NA INATAKE SA PUSO, HILING NA MAPAUWI AGAD SA PILIPINAS
Naalala n’yo pa ba ang nag-trending nitong nakalipas na mga buwan na kung saan ang isa nating Kabayani na nasa shelter ay inatake sa puso dahil diumano ay sa sama ng loob dahil sinigawan ng isang opisyales sa Philippine Embassy-POLO (Philippine Overseas Labor Office) sa Jeddah? Ang aking tinutukoy ay ang nasawing OFW na si Emelita Pacada Gonzales noong Enero 24, 2019. Ayon sa sumbong na ating natanggap ay nagtungo si Gonzales sa OWWA Shelter upang magkanlong at magpasaklolo noong Setyembre 2018. Makalipas ng ilang buwan na pamamalagi sa shelter…
Read MoreGACULA SURE WIN NA SA TAYTAY; BONOY UMATRAS NA?
Nakasisiguro na ng tagumpay sa halalan bukas, Mayo 13, si Joric Gacula makaraang iwanan nito ng milya-milya ang mga katunggali base sa resulta ng survey ng kapitolyo at congressional district 1 office. Nakikitang nakatulong sa pangungunang ito ni Gacula ang endorsement ng mga religious groups lalo na ng Iglesia Ni Cristo (INC) at El Shaddai maging ng mga private institutions. Bukod pa rito ang kumalat na balitang pag-atras umano ni Vice Mayor Bonoy Gonzaga sa pagtakbo bilang mayor, makaraang makita umano na malabo ang kanyang tsansa na manalo. Isa sa…
Read MoreCHEL DIOKNO, SENADOR NI VICE GANDA
PARA kay top celebrity endorser Vice Ganda, si Chel Diokno ay karapat-dapat na mabigyan ng pagkakataon sa Senado. “Matalino, magaling at Matino si Chel Diokno. Iboboto ko sya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya,” pahayah ni Vice sa kanyang mensahe sa Twitter. “Sana maisama nyo rin sya sa iboboto nyong 12,” sambit ng Showtime host. Sa kasalukuyan, ilang celebrities at grupo ng kabataan ang nageendroso kay Diokno, na palagian nasa Top 12 sa mga isinasagawang mock election sa mga unibersidad sa bansa. Ilang sa…
Read More