P398M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT NG PHIL. NAVY

UMABOT sa P398 milyong halaga ng hinihinalang puslit na mga sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy-Naval Forces sa baybayin ng Sulu sa tatlong magkakahiwalay na operasyon, ayon sa mga opisyal.

Pinangunahan ng Naval Forces Western Mindanao ang mga operasyon mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1, na nagresulta sa pagkakasamsam sa 2,581 master cases ng ilegal na sigarilyo, gayundin ng mga de-motor na sasakyang pandagat na ginamit sa transportasyon ng mga ito.

Tinatayang umaabot sa P397,805,257.60 ang kabuuang halaga ng nakumpiskang mga kontrabando.

Binigyang-diin naman ng mga opisyal ng Hukbong Pandagat na ang ganitong uri ng ilegal na kalakalan sa karagatan ay nakapipinsala sa kita ng pamahalaan mula sa buwis at nagdudulot ng hindi patas na kompetisyon sa mga lehitimong lokal na negosyo sa bansa.

Habang malaki rin ang epekto ng smuggling operation at ilegal na paggawa ng iba’t ibang tobacco products sa kabuhayan ng mga magsasaka partikular sa Ilocos Region na mismong bayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

(JESSE RUIZ)

21

Related posts

Leave a Comment