LIMANG ARMADONG LALAKI PATAY SA ENGKWENTRO SA BACOOR, CAVITE

PATAY ang limang armadong lalaki matapos mauwi sa engkwentro ang operasyon ng mga pulis sa Bacoor City, Cavite.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co, dalawa sa mga nasawi ay dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nag-AWOL o hindi na pumasok sa serbisyo.

Samantala, isa pa sa mga nasawi ang iniuugnay sa umano’y panghoholdap sa isang jewelry shop sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Bago ang insidente, nakatanggap ng intelligence report ang Bacoor Component City Police Station hinggil sa isang armadong grupong papasok umano sa isang subdivision sa Bacoor City.

Agad na naglatag ng mga checkpoint ang mga awtoridad sa mga posibleng daanan ng mga suspek.

Napansin din ng isang security guard ang kahina-hinalang kilos ng isang motorsiklo na sinusundan ng isang kotse. Nang mapansin ng mga suspek na sinusundan na sila, nagsimula ang habulan na nauwi sa engkwentro at ikinamatay ng lima.

Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang dalawa pang kasamahan ng grupo na nakatakas sa operasyon.

(TOTO NABAJA)

19

Related posts

Leave a Comment