MAYON VOLCANO NASA ALERT LEVEL 3; 11 PAGYANIG NAITALA — PHIVOLCS

NANANATILI sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kasunod ng patuloy na pag-aalboroto nito, habang naitala ang 11 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Namataan din ng PHIVOLCS ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan at pamamaga nito, na nagpapahiwatig ng patuloy na aktibidad.

Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ).

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa panganib ng posibleng pagputok nito.

Pinaalalahanan din ng PHIVOLCS ang publiko na maaaring magkaroon ng pagguho ng bato, pagtalsik ng mga tipak ng lava at bato, pag-agos ng lava, katamtamang pagsabog ng bulkan at pag-agos ng lahar kapag nakaranas ng malakas na pag-ulan.

(PAOLO SANTOS)

14

Related posts

Leave a Comment