SC IBINASURA PETISYON NI ROMUALDEZ LABAN SA IMBESTIGASYON NG OMBUDSMAN

IBINASURA ng Korte Suprema (SC) ang petisyon ni Leyte Representative Martin Romualdez na kumukuwestiyon sa isinagawang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.

Ayon sa SC, moot na o wala nang saysay pang resolbahin ang petisyon dahil naisampa na sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Romualdez.

Nakapag-arraignment na rin ang kongresista at naghain na ng not guilty plea sa naturang kaso.

Nauna rito, naghain ng petisyon si Romualdez sa SC upang kuwestiyunin ang preliminary investigation ng Ombudsman, kabilang ang aplikasyon nito para sa preliminary hold departure order at freeze order laban sa kanya.

Hiniling din niya ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injunction upang pigilan ang pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Ibinasura rin ng SC ang mga kahilingang ito.

(JULIET PACOT)

12

Related posts

Leave a Comment