Ang unang ulo ng demonyo ay ang kahirapan at kagutuman, nagpapahirap sa mamamayan, nang-aalipin sa kanilang mga katawan at kaluluwa. Mailap ang saya, malapit masyado ang suliranin, hinahamak ang dignidad, tinatawanan ang katuwiran. Ang bansa ay parang isang ibon na inilagay sa isang hawla, isang sistema na inimbento ng mga nangolonisa at ipinagpatuloy ng oligarkiya upang magpatuloy ang paghahari at masiguradong mapapalamon nito ang sariling pagkaganid magpa-walang-hanggan. Sinisigurado ng sistema na gutom ang tao, na mananatiling sadsad at nahihintakutang nagpupugay sa oligarkiya. Ang ikalawang ulo ng demonyo ay ang pambansang…
Read MoreAuthor: admin
MAY PAGKAKAIBA BA ANG COLORED PLASTIC BAG AT PLASTIC LABO?
Ano ang pagkakaiba ng mga colored plastic bag at supot kaysa plastik labo na karaniwang ginagamit natin bilang pambalot ng pagkain, paninda at iba pang paggagamitan nito. Ang katanungang ito ay nabuo sa isip natin dala na rin sa nakikita nating mga nagkalat at naglilipanang gamit ng mga plastik labo sa mga basurahan, lansangan, sa daluyan ng mga tubig at sa kung saan-saan na nadadaanan natin na dati ang nakikita natin ay may iba’t ibang kulay na plastik. Kung matatandaan na taong 2012 kauna-unahang nagpasa ng ordinansa ang Muntinlupa City…
Read MoreHUWAG NA SANANG BUMALIK ANG M/V EMERALD
Mabuti naman kung hindi na matutuloy ang dredging project sa Lobo, Batangas at hinarang na ito ng lokal na pamahalaan doon. Ito kasi ang pinakahuling ulat sa ngayon na alam natin, na kahit paano ay lulusaw sa pangamba ng mga residente ng Lobo. Kahit papaano ay makakahinga na ang mamamayan ng Lobo at may kapanatagan na rin ang bansa. Gayunman, dapat alerto at nakahanda pa rin tayo sa anumang puwedeng mangyari dahil maaaring bumalik ang foreign dredging vessel na M/V Emerald at magpatuloy ito sa kanilang layunin. Nilisan ng dredging vessel ang naturang lugar…
Read MoreITULOY ANG CENTRALIZED TERMINAL SYSTEM SA MGA PROVINCIAL BUS
Pabor tayo sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na maglagay na lang ng common terminal sa bawat dulo ng Kamaynilaan para sa ating mga provincial bus. Ito naman kasi ang nararapat na sistema dahil talaga namang perwisyo ang dulot ng mga ito lalo na kapag humihimpil sa kanilang sariling terminal. Halos araw-araw ay umiinit ang aking bumbunan dahil sa mga provincial bus na may mga terminal sa bandang Taft Avenue malapit sa Buendia dahil pati kalsada ay inaangkin na nila at tinatambayan. Ang resulta ay napakatinding traffic samantalang…
Read MoreBILYONG TUBO SA TUBIG MULA SA TUYONG GRIPO
Nagulat ang marami nang mag-anunsyo kamakailan ang magkapatid na bilyonaryo na sina Jaime Augusto at Fernando Zobel de Ayala na inaako nila ang kasalanan sa naging pahirap na water shortage sa milyun-milyong residente ng Metro Manila nitong nakaraang buwan at bilang parusa ay inililibre nila ang bayad sa tubig doon sa mga lugar na tinamaan ng total cut-off. Isa ako sa mga hindi magbabayad ng water bill sa buwan ng Marso dahil isang oras kada araw sa loob ng dalawang linggo lang ang aming water supply sa Mandaluyong. Pero sa…
Read MoreLUPA NA IPINAMANA NAGLAHONG PARANG BULA!
Misyon Aksyon, nais ko pong idulog sa inyo ang problema ng aming pamilya sa lupa mula sa aking mga ninuno. Nang mabili po ng lola ko ang property ay hindi nagawang mailipat sa pangalan niya. Sa halip ay ipinagkatiwala namin sa aming abogado ngunit wala pong nagawa. Ngayon ay ayaw na pong ibalik sa amin ang titulo sa pinagtiwalaan namin. Ang mga katanungan ko po ay kung mayroon po bang prescribed period ang pagpaparehistro ng lupa mula nang ito ay nabili at pagsasampa ng kaso? Ang masakit po nito, nang…
Read MoreTERORISMO
Ang karahasan ay natural sa tao. Ngunit sa libu-libong taon na pananatili ng sibilisasyon sa sanglibutan ay nalinang ang mas mga makataong sistema at kultura na sagana sa pang-unawa sa kondisyon ng sangkatauhan, na binibigkis ng katwiran at ng mas mataas na katotohanan. Hanggang naging “obsolete” ang karahasan sa lohika ng sibilisasyon. Ngunit pumupuslit-pulist pa rin ang nakakasulasok na wangis ng karahasan sa ating gitna. Terorismo ang bagong ngalan nito. Walang pinipili, babae man o bata, matanda man o may sakit. Ito nga ang bagong “virus” ng sanglibutan. Bago ang…
Read MoreRULES OF ENGAGEMENT
Pinaninindigan ng liderato ng Philippine National Police na isang lehitimong operasyon ng Negros Oriental police provincial office ang 30 magkakahiwalay na raid noong Marso 30 na naresulta sa pagkamatay ng 14 na magsasaka at pagkakadakip ng 12 iba pa. Subject ng arrest warrant ang 26 na katao na saying target ng police operation na isinagawa sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Canlaon at mga munisipalidad ng Manjuyod at Santa Catalina sa Negros Oriental. Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, armado ang 14 na subject ng search warrant na …
Read MorePAGSISANTE SA MGA PULIS NA SANGKOT SA 14 MAGSASAKA, HINDI SAPAT!
Tila mula lamang sa isang iskrip ng telenovela ang pagtatanggal umano sa mga pulis na sangkot sa masaker ng 14 na magsasaka sa Negros Oriental. Para sa Bayan Muna, ito ay pag-ampat lamang ng Philippine National Police sa galit ng mamamayan sa animo’y tokhang sa mga magsasaka sa probinsya. Nito lamang ika-30 ng Marso, pasado hatinggabi, naganap ang masaker ng magsasaka sa magkakanugnog na baryo. Ayon sa pahayag ng PNP, nanlaban daw ang magsasaka at namatay sa isang shootout. Pero ayon sa mga saksi, pinasok ng 10 unipormadong personel ng…
Read More