DALIAN TRAIN BIBIYAHE NA SA UNANG LINGGO NG ABRIL

DALIAN TRAIN

(Ni KEVIN COLLANTES) TARGET ng Department of Transportation (DOTr) na maisama na sa regular na biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang unang Dalian train set, na natapos na nilang isailalim sa pagsusuri, ngayong unang linggo ng Abril. Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Communications Goddess Hope Oliveros Libiran, dahil tapos na ang commissioning at validation tests sa naturang train set, ay kinakailangan na lamang nilang tapusin ang ilang documentation requirements nito, bago ito tuluyang maisabak sa biyahe. Siniguro naman ng opisyal na sa oras na matapos na ito ay…

Read More

PRESYO NG SIBUYAS SUMADSAD

SIBUYAS

(Ni FRANCIS SORIANO) SUMADSAD sa pinakamababang presyo ang sibuyas na ibinibenta mula P12 hanggang P16 kada kilo kaya umaaray na ang mga local producer. Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, minamanipula di umano ng ilang traders ang presyo ng sibuyas upang mapilitan ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang ani sa mas murang presyo mabawi lang ang kanilang puhunan. Batay sa datos ng mga provincial agriculturist, 1,055 ektarya sa 11 lungsod at munisipalidad sa Nueva Ecija ay tinataniman ng sibuyas. Matatandang na kamakailan lang ay naglabas din ang DA ng…

Read More

MALAKAS NA EKONOMIYA PERO MAHINA ANG BULSA

USAPANG KABUHAYAN

Bumabagal daw ang paglaki ng ekonomiya ng buong mundo dahil sa epekto ng mas mabagal na ekonomiya ng malalaking bansa at ang trade war ng Amerika at Tsina. Pero kahit na bumagal man ang akyat ng ekonomiya ng buong mundo ay matibay naman daw ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa nakatayo ito sa matibay na pundasyon ng malinaw na patakaran tungkol sa kalakalan, supply ng pera at katatagan laban sa anumang problema ng mga ekonomiya ng ibang bansa. Ito ang naging resulta ng pag-aaral ng think tank na Oxford Economics…

Read More

DRUG WAR

BAGWIS

Sa kabila ng tinatawag na drug war ng pamahalaan, tila ‘di naman nababawasan ang dami ng mga adik at mga tulak ng ilegal na droga. Maging si Pangulong Digong ay umamin na nahihirapan ang kanyang pamahalaan na tuluyan nang wakasan ang paglipana ng mga ipinagbabawal na gamot sa ating mga pamayanan. Sa totoo lang, madaling sabihin ngunit napakalabong mangyari na magiging drug-free ang Pinas sa ilalim ni Pa­ngulong Digong o nang kung kanino mang administrasyon. Kahit araw-araw na pagpapatayin ang mga piyait na tulak ay hindi mauubos ang suplay ng…

Read More

PRINCIPAL NG NNHS CAMSUR, IRITABLE SA RESPETADONG RELIHIYON?

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, isa ako sa tagasubaybay ng inyong kolum. Nais ko sa-nang magtanong ukol sa isang pangyayari rito sa aming bayan sa Nabua, CamSur, isa po akong kaanib ng isang respetadong relihiyon. Nagsagawa po kami ng selebrasyon na i-welcome ang aming mga bagong mi­yembro at humingi ng pahin­tulot ang aming mga kinatawan hinggil sa naturang selebrasyon. Ginanap ang selebras­yon sa isang covered gym na ipinagawa ng aming Congressman na si Salvio Furtuno, kung kaya’t pinahiram kami ng mga upuan at hinakot ng kanilang maintenance sa lugar. Habang inaayos po ang…

Read More

OFWs

FOR THE FLAG

Tinatayang nasa 10 milyon ang overseas Filipino workers (OFWs) sa buong daigdig, kasama na riyan ang mga undocumented, ibig sabihin 10% ng populasyon ng Pilipinas na pawang mga nangakalat at nalayo sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Hindi kukulangin sa P20 bilyon kada buwan ang remittance ng mga OFWs na malaki ang kontribusyon sa paggalaw ng ating pambansang ekonomiya, kapalit ang mga nangangawasak na mga pamilya, mga anak na nalululong sa barkada at droga, bumabagsak na moralidad at naliligaw na kaisipan ng mga bagong henerasyon. Ganyan kalupit ang kasaysayan ng…

Read More

MATAGALANG DIGMANG BAYAN AT MAILAP NA KAPAYAPAAN

SIDEBAR

Ngayong araw na ito, Marso 29, ang ika-50 ani­bersaryo ng New People’s Army (NPA) na itinatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong 1969 mula sa mga labi ng mga armado ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) na pinamumunuan ni Bernabe Buscayno na mas kilala bilang Kumander Dante. Ang pagkakatatag ng NPA ang nagsilbing hudyat ng paglulunsad ng armadong pakikibaka bilang pangunahing anyo sa ilalim ng pambansa-demokratikong rebolusyon na isinusulong ng CPP mula nang maitatag ito noong Disyembre 26, 1968. Hanggang ngayon ay pinanghahawakan pa rin ng CPP ang…

Read More

TULONG SA MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG EL NIÑO, MADALIIN, HUWAG POLITIKAHIN

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Kamakailan ay idinek­lara ang buong probinsya ng Cebu at ang Occidental Mindoro na under a state of calamity dahil sa tagtuyot na dala ng El Niño. Sa kabuuan, nasa pitong probinsya na ang nasa state of calamity sa buong kapuluan kabilang ang North Cotabato, Zamboanga Sibugay, Davao del Sur, at ang mga siyudad ng Zamboanga at Pagadian. Para sa Bayan Muna, dapat pabilisin ang paghahatid ng tulong sa ating mga magsasaka sa lalong madaling panahon, dahil malaki at malawak na ang epekto nito sa buhay at kabuhayan ng maraming magsasaka.…

Read More

PAUTANG NA ABONO IBIBIGAY SA SUSUNOD NA PLANTING SEASON

ABONO

(Ni FRANCIS SORIANO) Inanunsiyo na ni Secretary Emmanuel Piñol ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaroon at maipatutupad sa susunod na planting season ang National Fertilizer Support Program sa mga magsasaka. Ayon sa kalihim, may go signal na ‘di umano kay Pangulong Rodrigo Duterte at ibibigay ang naturang abono sa mga kwalipikadong magsasaka, miyembro ng irrigators association, Small Water Irrigation System Association at individual farmers sa buong bansa. Dagdag pa rito,  babayaran ang pautang na fertilizer pagkatapos ng anihan na walang interes. Bunsod nito ay magkakaroon din ng sariling data…

Read More