RECYCLED NA KASO NG MULTIPLE MURDER

SIDEBAR

Nakatala na sa kasaysayan ng Communist Party of the Philippines ang mga serye ng kampanya para linisin ang kanilang hanay ng mga pinaghihinalaang ahente o infiltrator ng Armed Forces. “Kampanyang Ahos” ang tawag sa internal na purgahan sa hanay ng CPP at New People’s Army sa Min­danao noong maagang ba­hagi ng dekada 80 at umabot ang nasabing kampanya sa Eastern Visayas partikular sa lalawigan ng Leyte noong 1985 kung saan malakas din ang kilusang rebolusyonaryo. Noong 1989 ay nagkaroon din ng purgahan ng CPP sa Metro Manila at Southern Tagalog…

Read More

KORAPSYON SA P10-B NG RICE COMPETITIVENESS AND ENHANCEMENT FUND

SALIKSIK

HINDI dapat pagtalunan kung solusyon ba ang Rice Tariffication Act o hindi. Ito’y dahil solusyon naman talaga ito sa kakapusan ng bigas sa Pilipinas na hindi kayang tugunan ng mga lokal na magsasaka. Kapag nagsimula nang ipatupad ang naturang batas sa Marso, tiyak unti-unti nang darami ang bigas sa bansa. Pero, hindi nangangahulugang awtomatikong bababa ang presyo ng mga bigas sa P25 mula sa higit P40 at higit P50. Kahit sa susunod na mga araw, mananatiling mataas ang presyo ng bigas, sapagkat mayroong kartel ang mga negosyante ng bigas. Ang…

Read More

PAGHUSAYIN ANG KOLEKSYON BAGO MAGTAAS NG KONTRIBUSYON SA SSS

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Hindi sang-ayon ang Bayan Muna sa panukala ng pagpapataas ng kontribusyon ng mga miyembro ng SSS para matugunan ang pangangailangan nito sa pondo. Sa halip, dapat tuunan ng pansin ng SSS ang pagkokolekta nito ng mga hindi nire-remit na kontribusyon mula sa mga employer at kompanya. Umaabot na sa P437 bilyon ang hindi nakokolek-tang premium at penalties ng SSS mula 2010. Ang kalahating trilyong kontribusyon na hindi ni-re-remit ng mga employer ay masasabing systemic failure na ng SSS na kolektahin ang bayad ng kanilang mga miyembro. Kung hindi nga nila…

Read More

IBA PANG MUKHA NG PAG-IBIG

Psychtalk

(UNANG BAHAGI) HINDI pa rin ako gaano nakaka-move-on sa selebras-yon ng Araw ng mga Puso. Kung mayroon isang mensaheng pumukaw sa aking interes sa social media noong araw na iyon, ay ‘yung galing sa isang kaibigan na ilang dekada nang may malalim na pakikisangkot sa kilusang pagbabago. Simple lang ang post niya: “Be madly in love for motherland.” Magandang paalala lalo na para sa karamihan sa atin na minsan napakalimitado lamang ang pakahulugan sa salitang pag-ibig at limitado rin ang nakikitang sakop nito. Gaya ng nabanggit ko na sa mga…

Read More

PANAWAGAN SA GLOBAL ASIA ALLIANCE AT JOBSMANILA iNT’L INC.

BANTAY OFW

ISANG sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng ating Bantay OFW Monitoring Center ang aking natanggap mula kay Julius Reales na nasa Al Khobar Saudi Arabia. Ayon sa sumbong ni Julius Reales “wala sa tamang oras ang sweldo ko at tatlong buwan nang delayed ang aking sweldo”. Si Julius ay may pamilyang umaasa sa kanya na may regular na pangangailangan. Ang pagpalya o delayed na sweldo ay mangangahulugan ng pagkukulang sa araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya. Kaya siya ay nanawagan sa kanyang ahensya na Global Asia Alliance Consultants, Inc. na…

Read More

P506.1-M UTANG NG ‘PERYAHAN’ SA PCSO

BAGO TO

MAHIGIT kalahating milyong piso o eksaktong P506,193,974.26 ang naipon nang halaga na dapat bayaran ng Globaltech Online Gaming Corp., ito ay batay sa estimasyon ng Branch Operations Sector ng Philippine Cha-rity Sweepstakes Office (PCSO). Ang halaga ay kasama na ang “penalty charges”. Ang halagang ‘yan ay marami sana ang matutulu-ngan na mga kababayan nating maysakit at kapuspalad na maaayudahan ng PCSO. Ang Globaltech ang pasimuno sa kontrobersyal na “peryahan ng bayan” kahit na ito ay mahigpit na pinagbabawalan ng PCSO dahil pumaso na ang Deed of Authority (DOA) ng natu-rang kompanya…

Read More

MASAHISTA GINAWANG PROSTI SA KUWAIT

BANTAY OFW

Lubhang nakakabahala ang ating natanggap na sumbong sa ating Bantay OFW Monitoring Center. Ito ay nagmula sa itatago nating pangalan na  Randy. Ayon sa impormasyon na ating natanggap na ipinadala ni Randy. Siya ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng Trans Overseas Manpower Services Inc. Ayon sa maikling salaysay ni Randy ay “Isa po akong masahista rito sa Kuwait. Pero hindi po ‘yan ang trabaho na inaplayan ko sa Pilipinas. Pagdating ko po rito ay ginawa po akong masahista. Sir, hindi ko po kaya ang trabaho ng isang masahista rito,…

Read More

UNLI RICE IMPORTATION OKAY DIN PARA SA MGA FARMER

USAPANG KABUHAYAN

REKLAMO ng mga grupo ng mga magsasaka at ilang politiko ang kakapirma lang na Rice Tariffication Law na papayagan na ang unlimited rice importation kapalit ng 35 porsyentong taripa o buwis para sa mga bigas na galing sa mga miyembro ng ASEAN at 50 posyento para sa mga ibang bansa. Sa mga grupo ng mga magsasaka at mga politiko na karamihan ay galing sa kaliwang hanay ng politika, masama para sa 2.5 milyong pamilya o mga 20 milyong Filipino na umaasa sa pagsasaka ng bigas ang unlimited rice importation dahil…

Read More

DELUBYO SA CABIAO

BAGWIS

NITONG nakaraang linggo ay mukhang nasobrahan sa ganda ng gising itong si Cabiao Mayor Ramil Bustamante Rivera ng Nueva Ecija kaya’t naisipan niyang magpasiklab sa kanyang mga nasasakupan sa pamamagitan ng isang parada. Tiyempo namang napadaan tayo sa kanyang lugar pabalik ng Maynila at dito tayo inabutan ng delubyo. Nang dahil sa parada ni Mayor Rivera, daan-daang motorista ang naburo sa daan sa sobrang traffic. Ang mga bus na dumadaan doon ay napilitang tumambay na lang ng ilang oras dahil wala silang madaanan. Wala namang masama sa mga ganitong parada…

Read More