MABAGAL NA KATARUNGAN PARA SA ‘MORONG 43’

SIDEBAR

MAHIGIT siyam na taon na rin ang nakakalipas mula nang arestuhin ng mga elemento ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang isang grupo ng mga doktor at health workers sa isang resort sa Morong, Rizal sa hinalang mga miyembro ito ng New People’s Army. Pebrero 6, 2010 nang arestuhin ng 2nd ID ang tinawag na “Morong 43” na pinaratangan ng militar na mga rebeldeng komunista na dumadalo sa isang seminar kung paano gumawa ng bomba at iba pang uri ng pampasabog. Sumailalim sa matinding interogasyon at pananakot ang 43…

Read More

DEKADANG BASURA MAY SOLUSYON PA BA?

EDITORYAL

(EDITORYAL) Hindi na yata mawawala ang mga basurang nakakalat sa kung saan-saan. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources nasa 20 tonelada kada araw ang nahahakot na basura sa bansa o ang katumbas nito ay mahigit 2,000 trak ng mga basura at ang 450 rito ay mula sa Metro Manila. Dahil wala o kulang tayo sa maayos na material recovery facility nauuwi tuloy sa mali ang pagma-manage sa mga basura. Ang mga ito ay napupunta sa mga estero, kanal, ilog at ang kinasasadlakan ngayong catch basin na tulad ng…

Read More

LANDBANK SABLAY SA HANJIN, ETC.

FOR THE FLAG

Ang Landbank of the Philippines, isa sa mga bangko sa bansa na “nanenokan” ng Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines (HHIC) ng may P21 bilyon na loan ay matagal nang pumapalpak sa paghawak ng pera at pagbibigay ng prayoridad sa sektor na kanilang pinopondohan. Taong 2016 pa lamang ay pumupugak-pugak na ang mother company ng HHIC na nakabase sa Singapore, ang Hanjin Shipping Co., Ltd.  In fact, Abril 2016 pa lamang ay nag-apply na ito ng debt structuring sa mga creditors nito sa nasabing bansa at Pebrero 2017 ay idinekalara…

Read More

PAGDAMI NG ILLEGAL FOREIGN WORKERS NAKAKAALARMA NA

POINT OF VIEW

Hindi magandang balita  para sa mga Filipino na nahihirapang makakuha ng trabaho sa bansa ang napapabalita na dumarami ang mga dayuhang illegal workers sa bansa, na karamihan mga Chinese nationals. Mas masakit ito para sa mga overseas Filipino workers na nagtitiis sa lungkot na malayo sa kani-kanilang pamilya  sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa para lamang suportahan ang pangangailangan ng  pamilya dahil wala silang makuhang trabaho dito, gayung marami naman pala at ang nakikinabang ay ang mga illegal foreign workers. Okey lang sana kung ang mga trabahong inookopa ay…

Read More

PANALO ANG MGA KORAP AT MANDARAMBONG

SALIKSIK

UNAHAN ko na kayo mga ginigiliw na mambabasa ng Saliksik at Saksi Ngayon, upang hindi ninyo ako akusahang kalaban ng administrasyong Duterte, kaya nasabi kong “panalo ang mga korap at mandarambong.” Idinidiin ko rin na lalong hindi ako bahagi ng dilawan o kanang kamay nina Noynoy Aquino at Leni Robredo. Hahayaan kong magsalita ang Office of the Ombudsman hinggil sa itinatakbo ng trabaho nito laban sa mga tiwali, korap at mandarambong sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.Ayon sa Statistical and Monitoring Division (SMD) ng Office of the Ombudsman, nabawasan ng…

Read More

ELECTION ‘HOT SPOTS’ AT HOPE

SIDEBAR

ELECTION “hot spot” ang tawag ng Commission on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na may kasaysayan ng karahasang politikal at puwedeng maging madugo sa panahon ng kampanya kung kaya inilalagay sa Comelec control ang mga nasabing lugar. Sa kasalukuyang kampanya para sa halalan sa Mayo 13, hindi na simpleng election “hot spots” lang ang tawag ng PNP at sa halip ay gumagamit na sila ng color-coding scheme para sa klasipikasyon sa mga natu-rang lugar mula panahon ng kampanya hanggang araw ng eleksyon sa Mayo 13.…

Read More

LUZON RAIL PROJECTS ANG SUSI SA PAG-UNLAD

USAPANG KABUHAYAN

MAHIGIT kalahating milyong pasahero araw-araw ang kayang dalhin ng binabalak na commuter train mula Clark sa Pampanga patungong Malolos, Bulacan kung saan kinukumpleto ang bagong MRT-7 na didiretso sa Ayala sa Makati City, pati na ng bagong commuter train na itatayo mula Calamba, Laguna papuntang Manila ‘pag makumpleto na ang mga ito sa taong 2023. Mahalaga ang commuter train service para maging mas mabilis at maalwan ang biyahe ng taumbayan mula sa tinatawag na “overnight capital” ng Metro Manila na mga bayang kalapit sa probinsiya ng Bulacan at Pampanga sa…

Read More

6-BUWAN WALANG SWELDO, EASTWEST PLACEMENT TINATAWAGAN NG PANSIN

BANTAY OFW

SA pamamagitan ng Bantay OFW monitoring apps ay natanggap natin ang reklamo ni Emmanuel Laurente na nasa Riyadh, Saudi Arabia. Siya ay nakapunta sa Saudi Arabia sa tulong ng Eastwest Placement Agency. Ayon sa kanyang sumbong sa akin ay anim (6) na buwan na s’yang hindi pinapasweldo ng kanyang employer kung kaya siya ay nakikiusap na siya ay matulungan na maiparating sa kanyang agency ang kanyang pinagdaraanan. May pamilya siyang umaasa kaya importante para sa kanya na regular na matanggap ang kanyang pinagpaguran na sweldo. Samantala, humihingi rin ng tulong…

Read More

Opisyal na pahayag ng SAKSI Ngayon sa mapanirang pahayag ng bise alkalde ng Lungsod Quezon:

BELMONTE copy.jpg

SA BUTIHING BISE ALKALDE JOY BELMONTE Nakalulungkot pong basahin ang iyong reaksiyon sa lehitimong isyu na inilabas ng aming pahayagan… pero pilit naming inuunawa kung bakit kayo nagkaganyan…normal lang po kasing tugon ‘yan ng lingkod bayan na hindi muna nag-uugnay ang isip at ang mga daliri bago itipa sa facebook ang hinanakit o galit. Mas makatutulong pong i-post din po nyo ang inilabas naming ulat, pati na ang mga dokumentong pinagbatayan ng aming istorya PARA TAUMBAYAN PO ANG MAGPASIYA KUNG FAKE NEWS ANG AMING INILATHALA… O FAKE NEWS ANG INYO…

Read More