IBA PANG MUKHA NG PAG-IBIG: IKALAWANG BAHAGI

Psychtalk

Sa unang bahagi ng artikulong ito, nabanggit ko ang tungkol sa porma ng pag-ibig na nagpapakita ng pagmamahal sa inang-bayan. Isang larangan na tiyak na magkakaiba-iba tayo dahil sa kaniya-kaniyang pinaniniwalaang pamamaraan na dulot na rin ng iba’t ibang lente ng pagsusuri sa mga isyu ng bayan. Ganunpaman, ang ha­mon ay kung paano makakita ng “common ground” dahil hindi naman pwedeng magpatayan na lang tayo nang magpatayan para maipakita natin na mas tama ang pa­raan ng pagmamahal natin. Ilang taon na nang may isang abogadong naglathala ng maliit na libro…

Read More

KASO LABAN SA DOE, PINAG-IISIPAN NG BAYAN MUNA

SIDEBAR

Pinag-iisipan ng Bayan Muna na kasuhan ang Department of Energy o DOE sa pagpapabaya nito sa kanilang tungkulin na panagutin ang mga oil company sa kanilang mga dagdag-presyo. Imbes na protektahan ang interes ng mga Filipino ay tila sila ay nagiging tagapagtanggol na lamang ng mga pagtaas ng presyo ng petrolyo. Isang matibay na halimbawa nito ay ang hindi nila paglalabas ng memo ukol sa Unbundling of Oil Prices. Matagal nang may memo ang DOE na Unbundling of Oil Prices, na hanggang ngayon ay hindi nila inilalabas. Ang “unbundling” o…

Read More

P305-B PORK BARREL PARA SA 2019

SALIKSIK

ISA sa mga ipinasa ng Kongreso bago magsara ngayong Marso ay ang P3.757 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa taong kasaluku­yan. Naantala ang pagpasa nito matapos ilantad ni Senador Panfilo Lacson ang pagsingit ng multibilyong pork barrel ng mga kasapi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa P3.757 bilyong badyet. Nailantad ang P2.4 bilyon sa distrito ni Speaker Gloria Macapagal – Arroyo sa Pampanga at P1.9 bilyon naman sa distrito ni Rep. Rolando Andaya Jr. sa Camarines Sur. Sabi ni Andaya, 99 na mga miyembro ng Kongreso ang higit na…

Read More

TIYAKING MAAYOS ANG PAGPAPATUPAD NG RICE TARIFFICATION ACT

POINT OF VIEW

Sa inaasahang pagbaha ng imported rice sa merkado matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang Rice Tariffication Act  (RTA) noong Pebrero 14, 2019, sinasabi ng gobyerno na walang talo ang magsasaka rito. Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) na hindi malulugi ang mga magsasaka sa  RTA dahil tutulungan silang makipagsabayan sa mga importer ng bigas. Sa ilalim ng RTA, un­­li­­­­­­­­­­­mi­­ted ang pagdagsa ng bigas dahil kahit sino ay maaaring mag-angkat ng bigas basta’t magbabayad lang ng 35% porsiyentong taripa. Ang batas ay naglaan ng P10 bilyon para sa …

Read More

TUNGO SA MAPAYAPANG MINDANAO

FOR THE FLAG

Namulat na ang mga mata kong likas na may kaguluhan sa Mindanao.  Talaga namang matatapang ang mga tao diyan, banaag natin iyan sa kanilang mga epiko, na noon pa man ay mataas ang pag-value ng mga taga-Mindanao sa katapangan. Sa epikong Darangen halimbawa, ang bayani nito na si Bantugen ay sikat sa iba’t ibang kaharian dahil sa mga giyerang pinasok nito at pinanalunan. Hindi lamang mga lalaki, kundi may mga bayani din tayong kababaihan sa Mindanao na kung makipaglaban sa digmaan ay inaabot ng tatlong araw.  Bawat bundok ay iba’t…

Read More

PAGKAING TRIPLE ANG PRESYO SA TERMINAL; NAGNAKAW ISINUMBONG NG MANGHUHULA

Misyon Aksyon

MISYON Aksyon, pakiimbestigahan naman po ang mga kainan sa mga terminal ng bus na biyaheng Bicol at Bisaya sa Quezon. Napakalaki at grabe ang patong sa mga panindang pagkain na halos triple ang kanilang ipinapatong. Akalain mong ang isang order ng kanin ay P50 at ang ulam ay P50 rin na nakalagay sa maliit na platito na isandaan kung susumahin na ‘di makatao ang presyo. Ang masakit po, mahal na nga kakarampot pa ang takal nila sa mga pasahero ngunit ang mga driver ay mga bundat dahil sa lahat ng…

Read More

WALANG SILBI ANG GUN BAN

BAGWIS

Sa kabila ng umiiral na election gun ban,  tila lalong dumarami ang mga nagaganap na patayan. Lalo pa nga yatang nagiging mas mapangahas at mas brutal ang mga kriminal at mas lalong wala na silang kinakatakutan. Kailan lang  ay dalawang katao ang patay matapos silang pagbabarilin habang nakasakay sa van sa kahabaan ng EDSA. Sunud-sunod din ang mga pagpatay ng mga opisyal ng barangay sa Lungsod ng Maynila at sa iba pang mga lugar. Mukhang nagkakaroon na nga ng pattern ang mga patayang nagaganap sa Tondo dahil halos lahat ng…

Read More

CLIMATE CHANGE PREPARATIONS PARA SA MAS MAGANDANG BUHAY

USAPANG KABUHAYAN

Ini-report ng World Bank nitong nakaraang araw na kailangan na lakihan ng mga bansa tungo sa 4.5 por­syento ng kabuuang produksyon ng ekonomiya nila o ang gross domestic product (GDP) ang gastusin para sa mas matibay na mga imprastraktura at sistema para maging handa at mas kayanin ng taumbayan ang mga mas matitinding bagyo, init, baha, at iba pang kalamidad sanhi ng climate change. Pero sa Pilipinas, mas malaki pa sa sinabing antas ng World Bank ang gastos sa Build, Build, Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil 5.4 porsyento…

Read More

PCOO KOREK SA EU CARAVAN

FOR THE FLAG

Wala namang masama sa press freedom caravan na isinasagawa ng mga delegado ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Europe, normal na public relations move ito. Kaya ipinagtataka ko kung bakit ngumangakngak itong ilang senador at pinalalaki ang isang non-issue. Tama iyong caravan na naisip nila, dahil ganyan kaimportante ang imahe ng bansa sa buong mundo, hindi katulad ng ginagawa nina Gng. Leni Robredo, Sen. Antonio Trillanes at iba pang mga elemento ng dilaw na sa tuwinang mag-a-abroad ay puro paninira ang sinasabi ukol sa bansa. ‘Yan ang mga taksil…

Read More