KAPAKANAN NG MGA BATA ANG UNAHIN

BREAKTHROUGH

Kamakailan ay nag­deklara ng outbreak ng tigdas sa Metro Manila ang Department of Health. Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na nasa 861 na ang maaaring kaso ng tigdas ang naitala sa Metro Manila at sa nga­yon ay maaaring tumaas pa o baka nadoble na nga. At nitong nagdaang araw ay idinagdag ng DOH ang Calabarzon, Western Visayas at Central Luzon. Hindi biro ang tigdas dahil sinisira ng virus na ito ang respiratory tract o daanan ng hininga hanggang sa kumalat sa buong katawan ng pasyente at ikamatay. Maaari itong…

Read More

IPASA NA ANG SB 1826

SALIKSIK

NAKASALANG ngayon sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill 1826 o “The Security of Tenure and End of Endo Act of 2018,” bersiyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso upang magwakas na ang kontraktuwa­lisasyon sa bansa. Ang bersiyon ng mababang kapulungan (House Bill 6908) ay ipinasa noon pang Enero 2018. Tingnan n’yo, Pebrero 2019 na ngayon, ngunit hindi pa naipapasa ang SB 1826. Ang bagal kasi ng Senate Labor Committee na pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva. Napakayaman na kasi ni Villanueva, kaya marahil balewala sa kanya na manatiling hindi regular…

Read More

SAYANG ANG PARAISO NG SULU

USAPANG KABUHAYAN

Kamakailan ay nagpunta tayo sa lalawigan ng Sulu upang personal na alamin ang sitwasyon matapos ang malagim na pambobomba sa Mt. Carmel church sa siyudad ng Jolo. Nagtungo rin tayo sa bayan ng Parang upang makisama sa inorganisang peace rally sa naturang bayan. Ito na ang pangalawang pagkakataon na napadpad tayo sa Sulu  at sa loob ng mahigit dalawang dekada ay wala tayong nakitang pagbabago. Nagkalat pa rin ang mga sundalo at matamlay pa rin ang kalakalan. Sa napakaraming mga lugar na napuntahan natin, isa marahil ang lalawigan ng Sulu…

Read More

‘HIDDEN AGENDA’ SA AWAYAN NINA CONG. ANDAYA AT SEC. DIOKNO

SIDEBAR

Mukhang walang planong tumigil si Camarines Sur Congressman Rolando Andaya Jr. sa kanyang pagbatikos kay Secretary Benjamin Diokno ng Department of Budget and Management. Sa kanyang pinakahuling banat, inakusahan ni Andaya si Diokno ng “panunuhol” sa Mababang Kapulungan sa halagang P40 billion kapalit ng pagtahimik ng mga kongresista sa isyu ng P75 billion na “insertions” sa panukalang 2019 budget. Si Andaya ang chairman ng House appropriations committee at kanyang sinabi na nangyari ang panunuhol sa kanya ni Diokno sa isang lunch-meeting na si DBM Undersecretary Mina Pangandaman ang nag-arrange. Dating…

Read More

NAIS NILANG MAMAMAYAN ANG MAGPONDO SA MGA POLITICAL PARTY

KAKAMPI MO ANG BAYAN FINAL

Nakahain ngayon sa Kamara de Representante ang Strengthening of the Political Party and Appropriating Funds Thereof Bill o House Bill 697. Ito ay inihain ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Tila maganda ang tunog ng pamagat ng panukala, hindi ba? At sa nilalaman nito ay may mga positibong probisyon, tulad ng anti-turncoatism o paglilipat-lipat sa mga partido, transparency, at ang pagpapaunlad ng party politics (politika batay sa partidong sinalihan.) Tunay naman na mahalaga ang mga bagay na ito para sa pag-unlad ng politika at demokrasya. Ngunit, kung susuriin ng masusi…

Read More

MURANG KURYENTE ACT PASADO SA HULING PAGBASA

KURYENTE-2

(Ni NOEL ABUEL) PUMASA na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magpapababa sa singil ng kuryente sa mga maliliit na pamilya sa bansa. Ayon kay Senador Win Gatchalian, may-akda ng Senate Bill No. 1950 o ang Murang Kuryente Act, pumayag na ang mga mambabatas na payagang gamitin ang P207B Malampaya Fund upang bayaran ang stranded contract costs at pagkakautang ng National Power Corporation (Napocor). “The approval of Murang Kuryente Act in the Senate is a victory for power consumers, who have long been made to share the burden of…

Read More

P23.8M GRANTS NG U.S. PARA SA DICT PROJECT

National Broadband Network Project.

IPINAGKALOOB  ng  U.S. Embassy sa Filipinas ang P23.8 million grant sa  Department of Information and Communications Technology (DICT) para suportahan ang implementasyon ng National Broadband Network Project. Mismong sina U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim at DICT Acting Secretary Eliseo M. Rio, Jr. ang lumagda sa nasabing grant na ginanap sa punong tanggapan ng DICT nitong nakalipas na araw . Ang nasabing financial aid na ipinagkalob sa pamamagitan ng U.S. Trade and Development Agency (USTDA), ay gugugulin sa  technical assistance para matulungan ang  DICT na maisulong ang mga plano…

Read More

DIOKNO NO-SHOW SA HEARING SA KAMARA

DIOKNO-2

(Ni BERNARD TAGUINOD) Sulat at hindi mismo si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang dumating sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa kanyang tanggapan. Si Diokno ay pinadalhan nina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at House committee on appropriation Chairman Rolando Andaya Jr., para humarap sa imbestigasyon. Sinabi ni Diokno sa sulat, na bagama’t nais umano nitong makipagtulungan sa Kongreso, iginiit nito ang “…the right of Department of Budget and Management officials and staff to proper notice and a…

Read More

AÑO SA JOLO TWIN BLAST: CASE CLOSED

SEC EDUARDO AÑO

Maituturing ng case solved na ang mga pagsabog sa Jolo, Sulu dahil sa pagsuko ng 5 pangunahing sus-pek, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.. Ayon kay Año, nasa kustodiya na  ng pulisya at kilala na ang mga nagpasabog at simampahan na ng kaukulang kaso. Nahaharap ngayon ang 5 suspek sa 23 counts ng murder, 95 counts ng frustrated murder at damage to property. Sinabi rin ng naturang opisyal ng DILG na patuloy ang pagtugis sa iba pang kasabwat ng 5 suspek. Kinumpirma rin ng kalihim na nasa likod din ng…

Read More