ILEGAL NA OPERASYON NG RESORT SA LAGUNA, BUKING SA NALUNOD NA GUEST

CALAMBA CITY – Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng siyudad na ito ang isang resort na natuklasang patagong nag-operate matapos malunod ang isa sa mga guest nito noong Martes. Ayon sa ulat, nalunod ang limang taong gulang na batang babae sa 4ft. na lalim ng swimming pool sa hindi pinangalanang resort sa Brgy. Pansol, Calamba City. Agad dinala ang bata sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot nang buhay. Dahil sa pangyayari, natuklasan ng lokal na pamahalaan na nagbukas ang resort sa kabila na ipinagbabawal pa ito sa ilalim ng…

Read More

CAINTA LGU MAGTATAKDA NA RIN NG BIKE LANE

NGAYONG parami nang parami ang gumagamit ng bisikleta sa gitna ng pinaiiral na community quarantine, nagpasya ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Cainta sa Rizal na maglagay na rin ng bicycle lane upang masiguro ang kaligtasan ng mga biker. Sa naturang bayan ay marami na ring manggagawa ang nagbibisikleta sa pagtungo sa trabaho at pag-uwi dulot ng kahirapang sumakay dahil hindi pa rin pinahihintulutang bumiyahe ang mga jeepney kahit nasa GCQ na ang Rizal. Ayon kay Mayor Kit Nieto, maglalagay ng bicycle lane sa mga pangunahing kalsada tulad sa…

Read More

JANE DE LEON, NAAAWA SA MGA BAGUHANG ARTISTA NG ABS-CBN

LABIS na ikinalungkot ni Jane de Leon ang nangyari sa maraming baguhang artists ng ABS-CBN sa pansamantalang pagkakasara ng TV network noong May 5, 2020 dahil sa bisa ng cease and desist order na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC). Si Jane ay ilan lamang sa mga baguhang artista na nagsisikap makagawa ng pangalan sa tulong ng ABS-CBN, pero dahil nagsara ang istasyon, wala pang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa kanila. “Sobrang nalungkot po ako nung nag-sign-off na ang ABS-CBN dahil hindi pa po ako makapaniwala na wala na,…

Read More

MALILIIT NA NEGOSYANTE KUMAKAPIT NA SA UTANG

LIBONG maliliit na negosyante na ang kumakapit sa utang o loan upang maipagpatuloy ang pagnenegosyo matapos maapektuhan nang husto sa pinairal na enhanced community quarantine. Ito ang lumabas sa virtual hearing ng House committee on micro, small and medium enterprises (MSMEs) kaugnay ng kalagayan ng maliliit na negosyante sa bansa sa gitna ng pandemya. Ayon kay Frank Gonzaga, head ng Small Business (SB) Corporation, mula Abril, umaabot na sa 110,137 MSMEs operators ang nagtanong kung papaano makautang ang mga ito upang maipatuloy ang kanilang pagnenegosyo. Sa nasabing bilang, 287 loan…

Read More

IMPORTASYON NG MANOK TINUTULAN

TUTOL si Senate President Pro Tempore Ralph G. Recto sa plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng manok para matulungan ang mga local chicken grower. Sinabi ni Recto na nagtataka ito na sa kabila ng pagmamalaki ng DA na aabot sa 160 days ang supply ng manok ay uunahin pa ang mag-import. “Ipinagmalaki mismo ng DA sa kanilang State of the Food Report noong Mayo 21 na aabot sa minimum na 160 days ang supply ng manok, at sa best case scenario ay 314 days. Sa average scenario…

Read More

Ikakasa laban sa China INDEPENDENCE DAY PROTEST ONLINE

MAGSASAGAWA ng online protest sa Facebook si Senador Risa Hontiveros laban sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea at ang nakatakdang lagdaan na Anti-Terror Bill sa Araw ng Kalayaan, Hunyo 12. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kasama nito ang ilang personalidad at tinagurian niyang “Ipaglaban ang Pinas,” na magkakaroon ng livestream sa Facebook sa Biyernes. “Filipinos will not cower before China,” ayon kay Hontiveros. Sinabi ni Hontiveros na kanyang titipunin ang ilang grupo at stakeholders para sa Independence Day online rally bilang protesta sa patuloy na panghihimasok ng…

Read More

DA NAGBIGAY NG MAKINARYA SA 6K MAGSASAKA SA NUEVA ECIJA

INIHAYAG ni Senador Cynthia Villar na mahigit anim na libong magsasaka sa Nueva Ecija ang nabigyan ng farm machinery at kagamitan sa pagbubukid na bahagi ng P1 bilyong pondo ng Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) ng Department of Agriculture. Sa pahayag, binati ni Villar ang unang batch ng mga farmer-beneficiary na nakatanggap ng machinery at equipment sa ilalim ng P10 bilyong pondo ng RCEF. Sinabi ni Villar na sa turn-over ceremony na isinagawa sa Philippine Center for Post Harvest Development and Modernization (PhilMech) sa Science City of Munoz, Nueva Ecija,…

Read More

Tulad ng ABS-CBN, expired na rin ang lisensya LEGALIDAD NG SKY CABLE MAUUNGKAT

MAY tulog ang Sky Cable kapag nakuwestiyon ito sa Korte Suprema dahil tulad ng kanilang mother company na ABS-CBN ay napaso na ang prangkisa ng mga ito noong Marso 2020. Tinangka umano ng Lopez group na ipa-renew ang kanilang prangkisa sa pamamagitan ni North Cotabato Rep. Jose “Pingping” Tejada noong July 30, 2019 subalit hindi ito pinansin ng House committee on legislative franchise na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz Alvarez. Subalit bago ang House Bill (BH) 3121 na inakda ni Tejada ay naghain ng kahalintulad na panukala si dating Quirino…

Read More

Hamon ng solon, kung totoong Pinoy GABBY LOPEZ ISAKRIPISYO ANG PAGIGING AMERIKANO

HINAMON ng isang mambabatas sa Kamara si ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III na patunayan sa sambayanang Filipino ang kanyang pagka-Filipino at pagmamahal sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasakripisyo sa kanyang American citizenship. “Mahal mo kamo ang Pilipinas, pero bakit yung pagiging Amerikano mo ay hindi ko kayang isakripisyo?,” tanong ni ACT- CIS party-list Rep. Eric Yap sa kanyang manifestation sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability. Ginawa ni Yap ang pahayag matapos lumitaw sa nakaraang apat na pagdinig…

Read More