MATAGAL nang gawain ng mga mambabatas, hindi lamang sa Kamara kundi sa Senado na bumoboto sila sa isang panukalang batas na hindi nila lubos na nauunawaan o kaya pinag-aaralan. Sa kalakaran sa kongreso, maraming mambabatas ang hindi talaga naghahain ng panukalang batas na kapaki-pakinabang sa sambayanang Filipino dahil karamihan sa kanila ay local bills o ang kanilang distrito lang ang makikinabang. Karaniwan sa local bills na ihinahain ng mambabatas ay palitan ang pangalan ng highway sa kanilang distrito, palitan ang pangalan ng mga eskuwelahan sa kanilang distrito, magtatayo ng national…
Read MoreAuthor: admin
NAGMAMALASAKIT BA TALAGA SI SENADOR VILLANUEVA SA MGA MANGGAGAWA?
NAPAKARAMING kumpanya ang tumigil ang operasyon nang magkaroon ng samu’t saring uri ng lockdown sa bansa dahil sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19). Dahil dito, nakaraming kapitalista ang nagpatupad ng patakarang “no work, no pay” Ang resulta, libu-libo ang mga manggagawang nawalan ng kita. Umakyat pa sa 7.3 milyon ang nawala ng trabaho. Namahagi ng P5,000 ayudang – pinansiyal ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa bawat manggagawang nawalan ng sahod sa panahong mayroong enhanced community quarantine (ECQ) at community quarantine (CQ) mula Marso 17 hanggang Mayo 15.…
Read MoreKASO NG COVID-19 SA PINAS, 23K NA
PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Naitala kahapon ang 740 cases na dumagdag kaya naman pumalo na sa 23,732 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit. 452 sa mga nadagdag ay fresh o new cases habang 288 naman ang late. 159 naman ang nadagdag sa bilang ng gumaling at ngayon ay 4,895 na ang kabuuang bilang. Sampu naman ang nadagdag sa mga pumanaw dahil sa COVID-19 at umakyat na sa 1,027 ang bilang ng mga ito.…
Read MorePRRD PIPILI NG BAGONG MAHISTRADO NG KORTE SUPREMA
NAGSUMITE ang makapangyarihang Judicial and Bar Council (JBC) sa Malakanyang ng listahan o mga pangalan ng mga napiling maaring ipuno sa nabakanteng posisyon sa Korte Suprema dahil na rin sa pagreretiro ni Associate Justice Andres Reyes Jr. makaraang abutin nito ang mandatory retirement na 70 years old. Sa ipinadalang listahan ng JBC sa Malacañang, nabatid ng inyong ka-SAKSI na nangunguna sa listahan ang isang Minority Muslim Justice na si Court of Appeals (CA) Associate Justice Japar Dimaampao, na sinundan nina CA Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla, Joseph Lopez, CA Associate Justice…
Read MoreHUWAG GAMITIN, GALITIN MGA OFW
NAKATUTUWANG mabasa sa mga pahayagan ang tila pagmamalasakit ng ilang senador sa a ting overseas Filipino workers (OFWs). Kamakailan ay nagpalabas pa ng pahayag si Senador Ralph Recto na dapat daw na bigyan ng “red carpet” na pagtrato at pagsalubong ang mga OFW. Ito ay matapos na maipakita sa ilang pahayagan at tele bisyon na may ilang mga Filipino ang stranded sa airport para makauwi sa kanilang probinsiya. Kalaunan, nadiskubre na ang mga nasabing locally stranded individuals (LSI) ay hindi mga OFW kundi mga mamamayan na nagbabakasakali na makauwi sa…
Read MoreSSS MEMBERS NA NAWALAN NG TRABAHO, TATANGGAP NG CASH BENEFITS
PWEDENG makatanggap ng hanggang P20,000 cash ang mga aktibong miyembro ng Social Security System (SSS) na nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Nabatid mula kay SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas, ang halaga na ibibigay sa mga miyembro ay nakadepende sa tinatanggap nitong sweldo bago nawalan ng trabaho. Kinakailangan lamang aniya na magpakita ng sertipikasyon mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at mayruong savings account. “Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa,…
Read MoreGOBYERNO, BAGSAK PA RIN SA MASS TESTING
AMINADO si Senador Richard Gordon na hindi pa rin maganda ang takbo ng mga hakbangin ng gobyerno kaugnay sa mass testing sa gitna ng pakikipaglaban sa COVID-19. Sinabi ni Gordon na simula noong April 14, nasa 90,000 pa lamang ang naisasalang sa test ng Philippine Red Cross kung saan 25% lamang ang mula sa Metro Manila. “This is not good for our country. The government should make up its mind on this matter and the DOH and PhilHealth must get their act together on testing everybody,” saad ni Gordon. Nakalulungkot…
Read MoreDEPED, PINABABALANGKAS NG ABOT KAYANG TUITION PAYMENT SCHEME
HINIKAYAT ni Senate President Tito Sotto ang Department of Education (DepEd) na bumalangkas ng tuition payment scheme upang matulungan ang mga magulang sa kanilang pinansyal na pangangailangan. Sinabi ni Sotto na sa gitna ng pinaiiral na community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic, maraming magulang ang labis na naapektuhan ang mga trabaho o negosyo. Iginiit ng senador na dapat magkaroon ng flexible payment terms sa mga paaralan upang maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral. Dapat anyang magkaroon ng iba’t ibang scheme sa mga pribadong paaralan na kakayanin din ng mga…
Read MoreSENADO PINAKIKILOS VS FACEBOOK DUMMY ACCOUNTS
NAIS mapanagot ng ilang senaador ang mga nasa likod ng kumakalat na mga pekeng Facebook account. Giit ni Senador Francis Pangilinan, dapat kumilos ang Senado at mag-imbestiga upang hindi magamit sa illegal ang social media account ng isang indibidwal. Inihain nito ang Senate Resolution 444, na humihiling sa kinauukulang Senate committee na magsagawa ng pagsisiyasat kung dapat nang amiyendahan ang Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 at iba pang batas. “It is the declared policy of the State to protect and safeguard the integrity of communications…
Read More