UMAPELA sa National Irrigation Administration (NIA) ng agarang aksyon si Bulacan Governor Daniel Fernando para mapalitan ang lahat ng rubber gates ng Bustos Dam matapos bumigay ang isa mga ito madiskubreng depektibo ang ginamit na materyales dito. Sa isinagawang ocular inspection nitong Martes sa sa paanan kung saan nakadisenyo ang rubber gates, ipinakita ni Fernando sa mga opisyales ng NIA ang bumigay na Rubber Gate Bay 5 kung saan nabatid na ang ginamit na materyales ay ‘made in China’. “I will do everything in my power to safeguard the Bulakenyos…
Read MoreAuthor: admin
Naitala sa panahon ng lockdown LIBONG KABABAIHAN AT KABATAAN, INABUSO
LIBONG kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan ang naitala ng kapulisan simula nang magsimula ang lockdown sa bansa noong Marso. Ito ang nakasaad sa weekly report ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isinumite sa Kongreso noong Lunes. Nitong Hunyo 4, sinabi ni Pangulong Duterte na nakapagtala ang kapulisan ng 1,954 kaso ng karahasan laban sa kababaihan at 1,754 kaso ng karahasan laban sa mga kabataan. Nauna rito, tinawagan ng pansin ng Commission on Human Rights (CHR) ang administrasyong Duterte na protektahan ang kababaihan at kabataan sa panahon ng…
Read MoreTERORISMO MASUSUGPO KUNG LULUTASIN ANG KAHIRAPAN, DISKRIMINASYON – SOLON
DAPAT lutasin ng pamahalaan ang malawakang kahirapan at diskriminasyon kung gusto nitong sugpuin ang terorismo dahil ito ang sinasamantala ng grupong terorista kaya nakakalap ng miyembro, ayon kay Senador Risa Hontiveros. Sa panayam, sinabi ni Hontiveros na dapat lutasin ng pamahalaan ang ugat kung bakit nakakapangalap at nakapag- oorganisa ang grupong terorista at maiwasan silang maging attractive sa kabataan o sinoman. “By addressing the roots of poverty, alienation, discrimination, ‘yan talaga ang papatay sa banta ng terorismo at hindi mga bills na sa tingin ng dumaraming Pilipino at ibang mga…
Read MoreLOPEZ, ‘KALAHATING’ FILIPINO NA NGA HINDI PA TAPAT NA PINOY
KALAHATING Filipino na nga si Eugenio “Gabby” Lopez III, hindi pa ito tapat sa pagiging Filipino. Sa esensya, ito ang punto ni Supreme Court Justice Noel Tijam nang magbigay siya ng kanyang pananaw o obserbasyon sa pahayag ni Lopez sa mga kongresista habang binubusisi ng mga mambabatas ang kanyang pagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan sa Kamara de Representantes ilang araw na ang nakalilipas. Si Tijam ay retiradong mahistrado, ngunit kasapi ng Judicial Bar Council (JBC) bilang kinatawan ng akademya. Ang JBC ang pumipili ng mga kandidato na maging kasapi ng mataas…
Read MoreMALAKANYANG: 2ND TRANCHE NG AYUDA TULOY KAHIT MAG-EXPIRE ANG BAYANIHAN ACT
TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na maipamamahagi ang second tranche ng COVID-19 cash aid sa mahihirap na pamilyang Filipino kahit na ang batas na sumasakop dito ay mag-expire ngayong buwan. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang June 25 expiry ng Bayanihan to Heal as One Act ay hindi makaaapekto sa second round ng cash assistance para sa mahihirap na pamilyang Filipino sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan. “Hindi po apektado ng expiration ‘yan dahil ‘yung obligasyon at ‘yung pera ay naririyan naman po,” ayon kay Sec.…
Read MoreFB GLITCHES IPINAUBAYA NG MALAKANYANG SA NPC, NBI
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa National Privacy Commission (NPC) at National Bureau of Investigation ang pag- iimbestiga sa napaulat na pagsulpot ng mga peke at duplicate na Facebook account ng ilang estudyante, mamamahayag at maging mga pribadong indibidwal kasunod ng mga protesta laban sa anti-terror bill. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ipinagbabawal at pinarurusahan sa ilalim ng Cybercrimes Act ang mapatutunayang nasa likod ng usaping ito. “sapat po na ang ating Privacy Commission is investigating the matter and I think the NBI is also investigating this matter dahil…
Read More1 PANG MAMBABATAS TUMALON SA LAKAS-CMD
IKINATUWA ni House Majority Leader at Leyte Representative Martin Romualdez ang pagkakaroon ng panibagong miyembro ng Partido Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) matapos ang isang oath taking ceremony kamakalawa. Sa kasalukuyan ay nasa 35 na ang miyembro ng LAKAS-CMD sa House of Representatives kabilang na ang 18 Party-list allies. “We are in the process of beefing up our ranks by recruiting more lawmakers. We are working very hard to keep with our promise to solidify and strengthen our political influence,” ani House Majority Leader Rep. Romualdez na siyang presidente ng Lakas-CMD…
Read MoreMERALCO MAY BAWAS-SINGIL NGAYONG HUNYO
BABABA ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Hunyo. Ito ay dahil sa ipatutupad na bawas-singil ng naturang kumpanya kasunod ng naranasang ‘bill shock’ noong Mayo. Sa abiso ng Meralco, 2.16 centavos per kilowatt hour ang ibababa sa singil sa kuryente ngayong buwan. Kaya para sa mga kumokonsumo ng 200kw kada buwan, P4 ang bawas sa kanilang June billing. Anim na piso naman ang bawas sa kada 300khw, P8 sa kada 400kwh at P12 para sa mga kumokonsumo ng 500kwh kada buwan. Ang bawas-singil ay bunsod ng…
Read MoreCOVID-19 DEATH SA QC, 194
UMAKYAT na sa kabuuang 194 ang bilang ng mga nasasawi sa coronavirus disease 2019 sa lungsod ng Quezon matapos itong madagdagan ng dalawa noong isang linggo. Samantalang ang mga nakarekober sa sakit ay mayroon nang 1,134. Batay sa impormasyon ng QC Health Office, nadagdagan ng 51 ang bilang ng nakarekober sa lungsod sa nagdaang linggo. Nadagdagan naman ng 82 ang mga nagpositibo sa virus kaya mayroon nang 2,376 COVID-19 positive cases sa lungsod. Sa mga positibong kaso, 2,273 ang may kumpirmadong kumpletong address sa Quezon City habang 2,198 ang bilang…
Read More