Malabong masibak kahit ipilit pa ng Senado PDU30 KUMPIYANSA PA RIN KAY DUQUE

PINANINDIGAN ng Malakanyang na nananatili ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III. Ito’y sa kabila ng ulat na naghahanap na si Pangulong Duterte ng magiging kapalit ng Kalihim. “We all serve at the pleasure of the President. Kung nawalan po ng tiwala ang Presidente, anytime, any Cabinet member can be removed,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa kabilang dako, ayaw namang kumpirmahin ni Sec. Roque na naghahanap na si Pangulong Duterte ng kapalit ni Sec. Duque. Sa ngayon, apela ni Sec. Roque ay…

Read More

Para bumiyahe sa ‘new normal’ kahit lugi ang pasada KRUDO NG PUVs ILIBRE NG GOBYERNO

HINDI lang 50% kundi 100% na subsidy sa krudo ang nais ng isang mambabatas sa Kamara na ibigay ng gobyerno sa lahat ng public utility vehicles (PUVs) upang mahikayat ang mga itong mamasada. Ginawa ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang nasabing panukala dahil papayagan ang mga PUV na mamasada subalit kailangang tiyakin na 50% lamang ang kanilang sakay upang masunod ang social distancing. “Upang makasunod sila sa alintunin ng pamahalaan, kalahati na lang ang maaari nilang kitain, subalit pareho ang kanilang gagastusin sa krudo. Baka kulang pa ang kanilang…

Read More

Pagdinig sa prangkisa, aarangkada na CALIDA ISASALANG AGAD VS ABS-CBN

SISIMULAN na ngayong araw ng House committee on legislative franchise ang kanilang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation kung saan isasalang agad si Solicitor General Jose Calida sa animo’y witness stand. Ito ang nabatid kay Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado kaugnay ng aniya’y isasagawang ‘fair, impartial at komprehensibong pagdinig sa franchise application ng ABS-CBN bago desisyunan kung aaprubahan ito ng mga kongresista o hindi. “In relation to this, other than those who have a material stand for or against the franchise application, the Committee on Legislative Franchises shall also call several…

Read More

Tiyaking napunta sa tamang benepisyaryo KUMUBRA NG SAP PANGALANAN

NANAWAGAN si Senador Cynthia Villar sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Economic and Development Authority (NEDA) na ilantad at tukuyin ang lahat ng beneficiaries ng cash aid ng pamahalaan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP). Sa pahayag, sinabi ni Villar na kailangan pangalanan ng dalawang ahensiya ang nakakuha ng cash aid dahil sa kalituhan sa uri ng income classes na sanhi ng hindi pagkakatugma-tugma ng bilang na iprinisinta sa Senate Committee of the Whole noong May 19. “Even if I have issued an apology about…

Read More

2 ARESTADO SA PAGBEBENTA NG FAKE Q PASS

BULACAN – Kalaboso ang dalawa katao na nagbebenta ng pekeng quarantine pass makaraang madakip sa entrapment operation ng mga awtoridad sa Sitio Kabyawan, Barangay Mojon, Malolos City sa lalawigang ito, noong Linggo ng tanghali. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga arestadong sina Roberto Sacdalan Jr., 41, negosyante, ng Virgo St., Barangay Mojon, at Virgilio Escano, 40, contruction worker, ng Barangay Mojon, kapwa sa Malolos City. Base sa report ni P/Lt. Col. Jacqueline Puapo, chief of police ng Malolos City Police, nakatanggap sila ng impormasyon…

Read More

HINDI NAGBAYAD NG UTANG, SINAKSAK

CEBU CITY – Patay ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay nang hindi mabayaran ang utang sa huli nitong Lunes ng umaga sa Lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Randy Aguilar, nasa hustong gulang, habang nadakip naman ang suspek na si Jecery Moneno, kapwa residente ng B. Rodriguez Extension, Barangay Guadalupe, Cebu City. Napag-alaman, nakita sa CCTV camera na sinisingil ng suspek ang biktima sa matagal na nitong utang na P1,200 ngunit tumanggi umanong magbayad ang huli. Bunsod nito, bumunot ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak…

Read More

BRITON PATAY SA AKSIDENTE SA LAGUNA

LAGUNA – Binawian ng buhay ang isang British national makaraang sumalpok ang minamanehong kotse sa isang poste sa Sta. Rosa City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Stephen John Worland, 68, residente ng Avida Settings Nuvali, Canlubang, Calamba City. Batay sa report ng Sta. Rosa City police, tinatahak ng biktima ang Balibago-Tagaytay Road ngunit pagsapit sa isang intersection at sumalpok ito sa kongkretong poste. Isinugod ang biktima sa The Medical City Hospital ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN) 285

Read More

2 MAGSASAKA PINAGTATAGA, PATAY

DAVAO de Oro City – Dalawang magsasaka ang natagpuang patay sa bukiring bahagi ng Brgy. Mainit, sa bayan ng Maco sa lalawigang ito, noong Linggo. Ayon sa ulat ng Maco Municipal Police Station, kinilala ang mga biktimang sina Eddie Andayo, 44, binata, at Boyet Poler Dagsangan, kapwa residente ng Purok Pagbabahayan, Barangay Mainit. Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, isinalaysay ng isang Ramil Dagsangan na alas-dos ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng kanyang kaanak na si Boyet na may mga taga sa katawan. Agad humingi ng tulong si Ramil…

Read More

EX-JOURNALIST NILIKIDA SA COTABATO

COTABATO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang dating journalist at kasalukuyang executive secretary ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, matapos itong pagbabarilin habang nag-aalmusal sa isang karinderya sa Notre Dame ng nasabing siyudad. Kinilala ng Cotabato City Police Office ang biktimang na si Aniceto “Boy” Rasalan, 58, na binaril nasa loob ng Sehua Eatery sa Notre Dame Avenue, Brgy. Rosary Heights 2, Cotabato City. Ayon kay Rolen Balquin, pinuno ng Cotabato City Public Safety Office, ang biktima ay binaril ng riding in tandem suspects. Noong Hulyo 25, 2015,…

Read More