AFGHAN REFUGEES PWEDENG MANATILI NG 2-WEEK SA PINAS

NILINAW ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez na pansamantala lang o hanggang dalawang linggo lamang ang hiling ng Estados Unidos sa Pilipinas na manatili sa bansa ang libong Afghan refugees. Gagamitin ang pananatili ng refugees sa pagproseso ng kanilang visa. Ani Romualdez, hiniling ng Washington sa Maynila na magbigay ng special immigrant status sa refugees para tulungan ang mga ito na iproseso ang kanilang visas bago ang pagpasok ng mga ito sa Amerika. Sa ilalim ng panukala, ang mga refugees na darating sa bansa, ‘in batches’…

Read More

WANTED SA BAGUIO NASILO SA MAYNILA

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District ang isang 47- anyos na driver makaraang magtago dahil sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property sa Baguio City, nang matunton ito sa Zobel Roxas Street, Sta. Ana, Manila. Kinilala ang suspek na si Melquiadez Briones, may asawa, ng Barangay Cupang, Peñafrancia, Antipolo City. Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Section 2, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), bandang alas-5:10 ng madaling araw nang maispatan si Briones sa nasabing lugar. Inaresto ang suspek…

Read More

PNP MAGDARAGDAG NG PWERSA SA ALBAY

NAKAANTABAY ang support force ng Philippine National Police (PNP) sakaling kailanganin kapag lumala ang sitwasyon sa Albay kaugnay na rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, agad idedeploy ang Reactionary Standby Support Force sakaling magkaroon ng emergency. Sa ngayon ani Fajardo, nakakalat na ang 800 police personnel ng PNP sa Albay. Nakapwesto aniya ang mga ito sa mga itinalagang public school buildings, evacuation centers, at mga estratehikong lugar sa Albay. Pinalawig na ng Albay government sa 7km ang danger zone sa Mayon dahil…

Read More

QUEZON PROVINCE IDINEKLARA BILANG ‘SIPS’

“HINDI ito isang resolusyong pampapel lang, kailangan isabuhay natin, bigyan ng buhay ang mga titik na nakalagay sa resolusyon, kailangan maramdaman ng ating mamamayan na matahimik, mapayapa, at ligtas ang ating lalawigan.” Bahagi ito ng pahayag ni Gov. Doktora Helen Tan sa kanyang talumpati para mahikayat ang lahat na mapanatili ang probinsya ng Quezon sa pagiging malaya sa karahasan dulot ng mga makakaliwang grupo na CPP-NDF-NPA sa ginanap na Memorandum of Understanding (MOU) at Memorandum of Agreement (MOA) kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Quezon…

Read More

2 BLOKE NG MARIJUANA NAKUMPISKA SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P116,000 halaga ng marijuana ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Jovany Bael y Maglangit, alyas “Bani”, nasa hustong edad, ng Brgy. Paradahan, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Corporal Ehdcel Manalo ng Tanza Police Station, dakong alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit…

Read More

PAGTUTULUNGAN NG BOC-SUBIC AT SBMA PINALAKAS

TINALAKAY ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic at ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa kanilang pulong noong Hunyo 8, 2023 ang mga inisyatiba at pagpapabuti ng kanilang pagtutulungan. Kasama sa nasabing pulong sina District Collector Carmelita Talusan ng BOC – Port of Subic, at Chairman and Administrator Jonathan D. Tan ng SBMA. Ipinakita sa kanilang pulong ang kani-kanilang pangako, ang pagsusulong ng ‘conducive business environment, enhancing trade facilitation, and ensuring efficient customs processes’ sa loob ng Port of Subic. Sila ay naakit sa pagbuo ng dayalogo, sa…

Read More

P2.4-M KUSH MARIJUANA NADISKUBRE NG BOC-CLARK

TINATAYANG mahigit sa P2.4 milyong halaga ng high grade marijuana o kush ma­rijuana na may katumbas na 1,514 gramo, na idineklara bilang “denim jeans”, ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs Port of Clark, sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Atty. Elvira Cruz. Sa initial tagging ay may nakitang kahina-hinala ang X-ray Inspection Project (XIP) personnel kaya ang shipment ay idinaan sa K9 sniffing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 Unit na naglabas ng positibong indikasyon sa presensya ng dangerous drugs. Kasunod nito, isang phy­sical examination…

Read More

BINATA PINATAY SA KANYANG BAHAY

patay

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite police hinggil sa pagkamatay ng isang 31-anyos na lalaki na pinagbabaril sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Mark Anthony Santina y Reopino, binata, ng Brgy. Maduya, Carmona, Cavite, habang blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspek. Ayon sa ulat ni Police Corporal Rommel Samorin ng Carmona Municipal Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap hinggil sa umano’y biktima ng pamamaril sa kanilang bahay sa Brgy. Maduya, Carmona,…

Read More