PATULOY na nababawasan ang tubig sa Laguna de Bay sa gitna ng epekto ng El Niño, at nasa mahigit isang metro na lamang ang layo nito sa itinakdang critical low level na maaaring magpalala sa pangamba sa suplay ng tubig at epekto ng tagtuyot sa mga komunidad na nakapaligid sa lawa.
Batay sa monitoring ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), bumaba sa 11.60 meters ang water level ng lawa dakong alas-2 ng hapon noong Lunes, Nobyembre 23.
Mas mababa ito kumpara sa 11.73 meters na naitala noong Nobyembre 11; 11.74 meters noong Nobyembre 10 at 11.76 meters noong Nobyembre 9.
Nakatakda sa 10.50 meters ang critical-low level ng Laguna de Bay, habang 12.50 meters naman ang critical-high level nito.
Huling lumampas sa critical-high level ang tubig sa lawa noong Oktubre 2, nang umabot sa 12.52 meters, bago nagsimulang patuloy na bumaba ang lebel nito.
Ang Laguna de Bay ay nagsisilbing natural catch basin ng tubig mula sa mga watershed sa Laguna, Rizal at ilang bahagi ng Metro Manila.
(NILOU DEL CARMEN)
23 