PROCESSED PORK MEAT ‘WAG IPAKAIN SA ALAGANG BABOY – DTI

(NI ROSE PULGAR) NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na huwag ipakain sa mga alagang baboy ang mga tira-tirang karne ng baboy lalo na ang mga sumailalim sa proseso upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) virus. Sinabi ng DTI na posible na kontaminado ng ASF ang mga ‘processed pork meats’ tulad ng longganisa, tocino at hotdog na maipapasa sa mga buhay na baboy kung ipapakain ang mga ito. Ito ay makaraang lumabas ang isang dokumento buhat sa Bureau of Animal Industry na nagpositibo…

Read More

TIGIL-RECRUITMENT SA PMA KINONTRA NG AFP

(NI AMIHAN SABILLO) HINDI makatutulong sa Armed Forces ang panawagan ni AKO BICOL Rep. Alfredo Garbin na ipahinto ang recruitment sa mga bagong kadete ng Philippine Military Academy (PMA). Ayon kay AFP Chief of Staff (COS) Lt. Gen. Noel Clement, kapag itinigil ang recruitment, maapektuhan nito ang kinubukasan ng AFP. Sa PMA umano kumukuha ng bagong sundalo at opisyal na kapalit ng mga magreretiro at mga nasasawi sa digmaan. Ayon kay Clement “PMA produces the biggest bulk of the junior officers that we have. If we stop the recruitment at…

Read More

92% PINOY MAY PROBLEMA SA NGIPIN; DENTAL HEALTH UNIT SA BRGY, IGINIIT

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Sonny Angara ang panukala para sa pagtatatag ng dental unit sa bawat rural health units ng Department of Health (DOH). Layon nito na mabigyan ng maayos na dental care ang lahat ng mga Pinoy at hindi maging sagabal sa pag-aalaga sa mga ngipin ang kawalan ng budget. “Marami sa ating kababayan na ayaw magpatingin sa dentista dahil lang sa takot nila na kailangan magbayad ng napakamahal na halaga. Dahil dito, malaking bahagi ng ating populasyon ay may mga sirang ngipin na hindi napaaayos,” saad…

Read More

THE BARRETTO FAMILY FEUD: LALONG LUMALALA

barretto12

(NI ASTER A. AMOYO) MUKHANG matatagalan pa bago humupa ang gulo sa pagitan ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine – kung saan dawit din ang pamangkin na si Nicole Barretto at anak ni Marjorie na si Julia Barretto. Sa halip na mahinto ang bangayan ng pamilya Barretto ay lalo lamang itong lumalala at may iba pang characters ang lumalantad at nadadamay. Kahit kasalukuyang nasa San Francisco ngayon si Gretchen to be with Dominique Barretto Cojuangco, her only child sa kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco, updated…

Read More

HIGIT 5,000 BAHAY MASASAGASAAN NG KALIWA DAM

(NI BERNARD TAGUINOD) MAHIGIT 5,000 kabahayan sa 11 barangay sa Rizal at Quezon province ang masasagasaan kapag tuluyang itayo ang Kaliwa Dam sa nasabing mga lalawigan na popondohan ng gobyerno ng China. Ito ang nabatid kay Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat matapos bigyan ng Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) ng  Environmental Compliance Certificate (ECC) ang nasabing proyekto. Dahil dito, umapela si Cullamat sa National Commission on Indigenous People (NCIP) na huwag bigyan ng Free Prior and Informed Consent (FPIC) ang nasabing proyekto. “Nasaan ang NCIP ngayon sa usapin…

Read More

888-M LITRO TUBIG NASASAYANG ARAW-ARAW — SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI magkakaroon ng shortage sa tubig sa Metro Manila kung aayusin lamang ng dalawang water concessionaires ang kanilang mga linya dahil 888 million litro umano ng tubig kada araw ang nasasayang. Ito ang nabatid kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaya kailangan umanong ayusin ang linya ng tubig ng Manila Water at Maynilad upang hindi magdusa ang kanilang mga customers. Ayon sa mambabatas, lumalabas sa pag-aaral ng Water for the Peoples Network (WPN) na noong 2018, umaabot sa 888 MLD (million liters a day) ang nasasayang dahil…

Read More

UAAP JUNIORS BASEBALL TITLE: ABOT-KAMAY NG BLUE EAGLETS

(NI JJ TORRES) HALOS abot-kamay na ng defending champion Ateneo ang back-to-back crowns. Ito’y matapos paglaruan ang University of Santo Tomas sa five innings, 15-3 nitong Huwebes sa Game One ng best-of-three UAAP Season 82 Juniors Baseball Finals sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Kailangan na lang ng Blue Eaglets na manalo sa Sabado para tuluyang angkinin ang ikalawang sunod nitong kampeonato. Agad ipinaramdam ng Ateneo ang husay nang magpakawala ng six-run second inning tampok ang four walks, three errors at three hits nang sina Emilio Perez, Kean Agcaoili, Gabby Mendoza,…

Read More

TUTULONG SA 250-K BATANG LANSANGAN BIBIGYAN NG INSENTIBO 

(NI BERNARD TAGUINOD) UMAABOT na sa 250,000 ang bilang umano ng mga batang lansangan sa buong bansa na pakalat kalat sa mga kalsada. Ito ang nagtulak kay Batangas Rep. Vilma Santos-Recto  para ihain ang House Bill (HB) 4363 o ‘Street Children Act’ upang matulungan umano ng gobyerno ang mga batang ito. Ayon sa mambabatas, kung ang Council for the Welfare of Children (CWC) ang pagbabasehan, umaabot sa 250,000 ang streetchildren sa Pilipinas ngayon subalit may kutob ito na posibleng mas marami  pa sila sa kasalukuyan. Tungkulin ng gobyerno na proteksyunan ang mga…

Read More

CJ PERALTA SA SC APRUB SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA) MASAYA ang House of Representatives sa pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema, kay Associate Justice Diosdado Peralta. Para kay House Majority Leader Martin Romualdez deserving sa pwesto si Peralta na tiyak na magiging champion ng good governance at magsisilbing tagapagdala ng liwanag upang palaging mangibabaw ang Saligang Batas. Naniniwala ito na lalong magkakaroon  ng intellectual leadership sa SC sa liderato ni Peralta. Sinabi naman ni Deputy Speaker Mikee Romero, tulad ng nagretirong si Chief Justice Lucas Bersamin isa ring bihasa sa…

Read More