RESHUFFLE SA PNP SUPORTADO SA SENADO

gordon12

(NI NOEL ABUEL) PINURI ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginawa nitong pagbalasa sa Philippine National Police (PNP). Aniya,  tama lang na magkaroon ng pagpapalit sa hanay ng PNP matapos na rin ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon, at ang mga pagsisiyasat sa Justice and Human Rights Committee na nakalantad ang ‘agaw-bato’ scheme na kinasasangkutan ng 13 mga opisyal ng pulisya na tinaguriang mga ‘ninja cops’. “I would like to commend the President, nagalit siya, nagkaroon ngayon ng overhaul, naglilipatan lahat,” ani Gordon. Una nito, kinumpirma…

Read More

TEST EVENTS SA NCC, HANDA NA

seagames6

(NI JEAN MALANUM) HANDANG-HANDA na ang Athletics Stadium at Acquatics Center sa loob ng New Clark City (NCC) sa Capas, Tarlac para mag-host ng tatlong test events ng 30th Southeast Asian Games (SEAG). Nakatakdang gawin mula Oktubre 26-27 ang athletics at diving kasunod ng waterpolo sa Oktubre 28. May 183 atleta ang kalahok sa test events kung saan masusukat ang kakayahan nila at bilang paghahanda na rin sa Games proper na idaraos sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Nag-withdraw ang Cambodia, Myanmar at Laos, kaya’t 120 atleta na lang mula…

Read More

NBA GAMES SA SOCIAL MEDIA

DAHIL ‘under negotiation’ pa rin ang broadcast rights ng NBA games sa Pilipinas, napilitan ang liga na ihayag na ang ilang laro sa unang linggo ng pagbubukas ng 2019-2020 regular season ay ipalalabas muna sa social media. Inihayag ng NBA Philippines na ang ipalalabas ng liga ang mga laro sa Facebool at Twitter, simula sa inaabangang laro sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers sa alas-10:30 ng umaga ng Miyerkoles (Manila time). Habang ang laro ng Boston Celtics at Philadelphia 76ers ay mapapanood naman sa Huwebes ng…

Read More

MRT3, WALANG EXTENDED OPERATING HOURS SA KAPASKUHAN

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) WALANG aasahang extended operating hours mula sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang publiko ngayong Christmas season. Ito ay dahil nagpasya na ang Department of Transportation (DOTr-MRT3) na huwag na munang palawigin ang oras ng kanilang operasyon ngayong panahon ng Kapaskuhan, upang bigyang-daan ang full blast rail replacement activities na isasagawa ngayong ‘ber months.’ Sa isang kalatas, sinabi ng DOTr-MRT3 na kailangan nila ng sapat na oras at panahon para maisaayos ang mga sira-sira at baku-bako nilang linya kaya’t sa halip na palawigin ang kanilang biyahe tulad…

Read More

KOREAN TEACHER SA FRAUD, ARESTADO NG BI

(NI FRANCIS SORIANO) HIMAS- rehas ngayon ang isang Korean national na wanted sa kanilang bansa  matapos itong maaresto ng Bureau of Immigration(BI) sa Malvar Street, Malate, Manila, nitong Martes. Ayon sa ulat ni BI intelligence officer Bobby Raquepo, hepe ng fugitive search unit (FSU), kay BI Commissioner Jaime Morente, kinilala ang suspek na si Kim Sang Wook, 49, sangkot sa kasong swindling na 100 million won. Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek matapos mag-isyu ng mission order si Morente sa mga operatiba ng FSU at makipag-ugnayan sa Korean embassy na nakabase sa Manila matapos maglabas ng arrest…

Read More

PRIVATE HOSPITAL NA SASABOTAHE SA UHC LAW, BINALAAN

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGBABALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga pribadong ospital na parurusahan ang mga ito sakaling isabotahe ang Universal Health Care (UHC) law. Ito, ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, ay kasunod ng banta ng mga pribadong ospital na puputulin na nila ang kanilang accreditation sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) dahil hindi sila nababayaran. Kapag  itinuloy ng mga private hospital ang kanilang banta, malaki umano ang magiging epekto nito sa UHC law na sinisimulang ipatupad na ngayon dahil pirmado na ang Implementing Rules…

Read More

KAMARA HINILING NA AFP NA ANG MAGBANTAY SA BILIBID

bucor55

(NI BERNARD TAGUINOD) INIREKOMENDA na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na military na ang magbantay sa National Bilibid Prison (NBP) matapos masira ang imahe ng Special Action Forces (SAF) dahil sa pagpupuslit ng ilang tauhan nito ng kontrabando upang ibenta sa mga mayayamang preso. Sa press briefing nitong Martes, sinabi nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na hindi nila tututulan kung magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim na sa kontrol ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang security sa bilibid. “Temporary para…

Read More

DU30 PUPUNTA SA NEUROLOGIST SA MATINDING SAKIT NG LIKOD

DU30

INAASAHANG makikipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang neurologist matapos makaranas ng matinding pananakit ng likod habang nasa dalawang araw na official visit sa Japan para enthronement ni Japanese Emperor Naruhito. Hindi na tinapos ng Pangulo ang okasyon at agad nang bumalik ng bansa bandang alas-10:41 ng gabi sa Villamor Air Base, ayon kay Senador Bong Go. Gayunman, pagkadating nito ay dumeretso ang Pangulo sa burol ni dating Senate president Aquilino “Nene” Pimentel Jr., partymate at isa sa mga founder ng partido, sa The Heritage Park sa Taguig City. Sinabi…

Read More