200 PULIS SA NBP INALIS NI SINAS

(NI JG TUMBADO) GALIT na ipina-recall ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Brig. General Debold Sinas ang nasa 200  mga pulis na naitalaga sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa. Sa kanyang kautusan bilang bagong pinuno ng NCRPO, sinalubong agad si Sinas ng negatibong ulat kaugnay ng pagkakasangkot ng nasa 16 pulis na nahuling nagpupuslit ng kontrabando sa loob ng bilibid. Ayon kay Sinas, makikipag-usap umano siya sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) para talakayin ang insidente. Aalamin din ni Sinas kay BuCor chief Gerald Bantag…

Read More

‘DI PAG-ASIKASO SA PANGULO SA JAPAN ITINANGGI

(NI NOEL ABUEL) WALANG katotohanan ang mga intrigang  kaya napaaga ang pagbabalik sa  bansa  ng delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa hindi magandang pag-welcome sa kanya sa Japan. Ito ang pagtatanggol ni Senador Bong Go sa maagang pagbabalik ng Pangulo sa bansa na kinukuwestiyon ng ilan. Aniya, naging pantay ang pagtrato ng pamahalaan ng Japan sa mga world leaders na dumalo sa enthronement ni Emperor Naruhito. Sa kabila nito, iginiit ni Go na hindi aniya paimportante  si Pangulong Duterte  kung saan mas gusto pa nga nitong  nasa likod…

Read More

EX-SEN PIMENTEL PINARANGALAN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) BINIGYAN ng parangal at pagkilala sa Senado si dating senador Aqulino ‘Nene’ Pimentel Jr. dahil sa malaking naiambag nito sa politika sa bansa. Sa gitna ng necrological service sa dating Senate President, ipinasa ng mga senador, sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III, ang Senate Resolution No. 168 na nagsasaad ng pagkilala kay Pimentel, kinilalang ama ng Local Government Code. “Whereas, the Honorable Aquino ‘Nene’ Quilinging Pimentel Jr., a distinguished public servant, a fearless human rights lawyer, parliamentarian, and legislator, a staunch defender…

Read More

NAG-EENROL NG NURSING KAUNTI NA LANG

(NI BERNARD TAGUINOD) PAKAUNTI nang pakaunti ang nag-aaral ng kursong nursing dahil sa kaliitan ng sahod ng mga ito, hindi lamang sa private hospital kundi sa mga pampublikong pagamutan sa bansa. Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaya hindi lamang umano ang mga nurse sa mga gobyerno ang dapat tulungan kundi ang mga nasa pribadong pagamutan. “Marami hong kawawa pa sa private sector, kasi sa private sector meron pa ho diyan P9,000 ang mga salaries,” ani Defensor kaya dapat umanong tulungan ang mga ito ng Kongreso. Sa…

Read More

RICE SUBSIDY IPAMBIBILI NG PALAY NG FARMERS

(NI ABBY MENDOZA) INAPRUBAHAN ng House committee on Agriculture ang substitute House Joint Resolution (HJR) na naglalayong gamitin ang 2019 rice subsidy fund para ipambili ng palay ng mga magsasaka para tugunan ang epekto ng Rice Tariffication Law. Kasabay nito ay umapela si House Committee on Agriculture Chair Mark Enverga sa  Malacanang na masertipikahang urgent ang panukala upang agad na maipatupad. Sa ilalim ng joint resolution na inihain nina House Majority Leader Martin Romualdez, Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at  Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ay gagamitin ang PP33.9B…

Read More

GO PAPAGITNA SA GUSOT NG PHILHEALTH, PHAP 

bong go55

(NI NOEL ABUEL) NAGBANTA si Senador Bong Go na magpapatawag ng pagdinig sa Senado kaugnay ng gusot sa pagitan ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) at ng Philhealth. Ayon kay Go, hindi ito magdadalawang-isip na magsagawa ng pagdinig ang komite para masolusyunan ang sigalot na sa huli ay mga pangkaraniwan o mahihirap na pasyente ang maapektuhan. “Kakausapin ko muli si Gen. Morales kung kailangang ipatawag sa Senado, ipatatawag ko. Ako as  chairman ng Senate Committe on health, kung kailangan sila ipatawag ay ipatatawag ko sila to address this, importante walang…

Read More

HOUSING PROGRAM SA TEACHERS ISINUSULONG

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD) MAPADADALI na ang pagkakaroon ng  sariling bahay ng mga public school teachers kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol dito. Sa House Bill (HB) 3112 o Special Housing for Teachers Act na iniakda ni Manila Rep. John Marvin ‘Yul Servo’ Nieto, nais nito na mapadali ang pagkakaroon ng sariling bahay ng mga public school teacher na hindi pinahihirapan sa pagbabayad. “This bill aims to provide our teachers with accessible and affordable special housing program. It proposes to provide an easy financing scheme to…

Read More

KOKO: MAHIRAP MAGPAALAM

(NI DANG SAMSON- GARCIA) BUMUHOS ang emosyon ni Senador Koko Pimentel sa Necrological Service na ipinagkaloob ng Senado sa yumaong ama na si dating Senate President Nene Pimentel. Sa kanyang pananalita sa pagtanggap ng Senate Resolution 17 para sa pagsimpatiya ng Senado, hindi na napigilan ng kasalukuyang senador na humagulgol. Ito ay nang paputol-putol na niyang bitiwan dahil sa pag-iyak ang mga salitang “Saying goodbye permanently to a special Tatay, someone you admire and love…is a very sad event. We don’t want this to happen, but it will happen and…

Read More

WATER INTERRUPTION UMPISA NA BUKAS

TUBIG

(NI DAHLIA S. ANIN) MAGSISIMULA na ngayong Oktubre 24, alas-10 ng gabi ang rotational water interruption na maaring umabot ng hanggang 18-oras, ayon sa Maynilad at Manila Water. Sa tala ng Pagasa, muling bumaba sa 186.23 meters ang tubig sa Angat mula sa 186.46 noong Martes. Hindi pa masabi ng pamunuan ng mga water concessionaire kung hanggang kailan ang titiisin ng publiko dahil nakadepende sa antas ng dam ang sitwasyon. Ayon kay Maynilad Media Relations Assistant Manager Grace Laxa sa panayam sa radyo, mananatili pa rin sa 40 cubic meters…

Read More