(NI BERNARD TAGUINOD) UMAANI ng suporta sa Mabababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na idaan na sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang promosyon ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ng mga mambabatas sa Kamara na walang masama kung isasalang muna sa kumpirmasyon ng CA ang promosyon ng mga pulis mula ranggong colonel pataas. Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, sa katunayan ay may kapangyarihan ang CA sa promosyon ng mga pulis subalit tanging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) lamang…
Read MoreAuthor: Jet
P20 COIN, BAGONG P5 COIN, ILALABAS NA NG BSP
(NI HARVEY PEREZ) MALAPIT nang ibahagi sa publiko ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ,ang P20 . coins na.magiging kapalit ng P20 bills, na ginagamit ngayon sa bansa. Nabatid na ipinasiya ng BSP, na gawin na lamang barya ang P20 bills dahil mas cost-effective ito. Ngayong Disyembre, ilalabas sa publiko ang P20 coins bago ito tuluyang ilabas sa sirkulasyon sa 2020. Nalaman na ipakikita kay BSP Governor Benjamin Diokno ang pinal na disenyo ng naturang bagong barya sa ceremonial launch nito. Sinabi ng BSP na pananatilihin nila ang mga pangunahing elemento…
Read MoreCOTABATO, DAVAO NILINDOL
(NI DAHLIA S. ANIN) TUMAMA ang 4.6 magnitude na lindol bandang alas 7:55 ng Martes ng umaga sa lalawigan ng Cotabato. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Tulunan, Cotabato. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 12 kilometro. Naitala naman ang Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I naman sa Tupi, South Cotabato. Wala namang naitalang pinsala sa nasabing lindol, ngunit, ang mga estudyante sa Kidapawan Citu National High School- Lanao Extension ay naglabasan sa…
Read MoreAMLC PAPASOK SA PNP VS CORRUPT POLICE OFFICERS
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG malinis sa mga corrupt ang Philippine National Police (PNP), kailangang papasukin na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa lifestyle check sa mga pulis, ano man ang ranggo ng mga ito. Ito ang rekomendasyon ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin kasunod ng napaagang pagreretiro ni PNP chief Oscar Albayalde sa gitna ng mga alegasyong prinotektahan nito ang 13 Ninja Cops noong siya pa ang provincial director ng Pampanga. Bukod sa AMLC, kailangan din umano ang tulong ng Civil Service Commission (CSC), Ombudsman, Bureau of Internal Revenue…
Read MoreSOLENN, NALITO KINA DAVID BECKHAM, NICO BOLZICO
(REY PUMALOY) BIGLANG naguluhan si Solenn Heussaff nang magkaroon siya ng photo op at ang kanyang asawang si Nico Bolzico sa English football Superstar na si David Beckham. Dumating sa ‘Pinas no’ng mga nakaraang araw si David para sa isang friendly game at para sa promo ng isang insurance company. Isa sina Solenn at Nico na pinalad na makaharap at makapag-pictorial kay David. Nakaposte sa Instagram wall ni Solenn ang larawan nilang tatlo at sa caption na sinulat nito sinabi niyang bigla siyang na-confuse sa dalawa kung sino ang kanyang…
Read MorePENSYON NG SENIORS TITRIPLEHIN
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL mas marami ang mahihirap na matatanda sa Pilipinas kumpara sa mga nakaririwasa, isinusulong ngayon ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na triplehin ang pensyon ng mga senior citizen. Sa kanyang House Bill (HB) 4057, sinabi ni Malabon City Rep. Josephine Jaye Lacson-Noel na kailangang tulungan sa kanilang pinansyal na pangangailangan ang mga mga senior citizens sa buong bansa. Noong 2018 umabot na umano sa 8,000,000 ang populasyon ng senior citizens o edad 60 anyos pataas sa bansa base sa datos ng Commission on Population (Popcom).…
Read MoreDIVORCE BILL UUSAD NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T marami ang tumututol, binigyan pa rin ng prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang magkaroon ng Divorce Law sa Pilipinas upang matulungan ang mga kababaihan na makawala sa ‘bad marriage”. Ito ang nabatid matapos ilagay ng House Committee on population and family relation sa kanilang priority agenda ang House Bill (HB) 838 o An Act Introducing Divorce in the Philippines na inakda ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Ikinatuwa ito ni Brosas dahil ito na lamang umano ang pag-asa ng mga kababaihan na tuluyan makawala…
Read MoreARA MINA MISTULANG ALALAY NA LANG NI CRISTINE
(NI REY PUMALOY) DATI ay sumusunod lang si Cristine Reyes sa mga lakad ng kanyang Ate Ara Mina, lalo na sa showbiz events at premieres. Pero ngayon, baliktad na at si Ara na ang nagsisilbing tila alalay ni Cristine. Ilang beses nang present si Ara sa premiere night ni Cristine. Ang una ay sa action film nitong Maria, at ang ikalawa ay sa katatapos pa lang na opening movie ng QCinema International Film Festival, ang Untrue na pinagbibidahan ni Cristine at ni Xian Lim. Ginanap ito sa Gateway Cinema. Komo si Cristine…
Read MorePINAS BOKYA SA BEAUTY PAGEANTS NGAYONG 2019
(NI BEN BAÑARES) KUNG humakot tayo ng mga medalya sa katatapos na 30th SEA Games, nabokya naman tayo sa beauty pageants this year. Sa katatapos lang na Miss World 2019 pageant, hanggang Top 12 lang umabot ang kandidata nating si Michelle Dee. Let’s check the Top 4 biggest pageants and our placements in them: MISS UNIVERSE (December 8 in Atlanta, Georgia): Winner si Zozibini Tunzi ng South Africa. Pangatlong Miss Universe crown nila ito. Ang kandidata ng Pilipinas na si Gazini Ganados ay hanggang Top 20 lang, the weakest placement…
Read More