(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINDI na napigilan ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang kanyang matinding pagkadismaya sa problema ng coco farmers o mga magniniyog sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng kanilang produkto. Sa budget hearing ng Department of Energy sa Senado, iniungkat ni Zubiri ang hindi pa rin naipatutupad na Biofuels Act of 2006 para sa promosyon ng paggamit ng biofuel sa mga sasakyan. Sinabi ni Zubiri na layon ng naturang batas na tulungan ang coco farmers na magkaroon ng panibagong market sa kanilang mga produkto subalit hanggang ngayon…
Read MoreAuthor: Jet
PAGLALA PA NG TRAFFIC SA EDSA ASAHAN, BAN SA PRIVATE CARS IGINIIT
(NI ABBY MENDOZA) PAGPASOK ng buwan ng Nobyembre ay tiyak na lalala pa ang nararanasang traffic sa kahabaan ng Edsa dala na ng holiday rush at Sea Games, kaya hiling ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na ipatupad na ng Metro Manila Development Authority (MMFA) at sa Department of Transportation (DOTr) ang iminumungkahi nitong ban ng mga private cars sa Edsa tuwing rush hours. Ayon kay Erice, kung matindi na ang nararanasang traffic ng mga commuters at mga motorista ngayon ay asahan pa ang worst traffic situation sa susunod na…
Read MoreMARIKINA ORDINANCE SA MEDICAL SCHOLARSHIP PINURI; SANA ALL – SOLON
(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN si Senador Koko Pimentel na paglaanan ng dagdag na pondo ang medical school scholarships para marami ang makinabang dito sa buong bansa. Apela ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa national government, dagdagan ang pondo ang medical school scholarships upang sa loob ng 5-taon ay mapakinabangan ang magiging doktor ng mga pampublikong ospital sa buong bansa. Ang panawagan ni Pimentel ay kasunod ng ipinasang ordinansa ng lungsod ng Marikina na “Libreng Pag-aaral sa Pagdodoktor para sa Marikenos” kung saan pagkakalooban ng medical scholarships ang mga kuwalipikadong residente…
Read More780% DAGDAG SINGIL NG MAYNILAD, MANILA WATER, NAKAAMBA
(NI BERNARD TAGUINOD) NANGYARI na ang kinatatakutan ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipapasa lang ng mga water concessionaires sa kanilang mga customers ang multang ipinataw sa kanila ng Korte Suprema dahil sa paglabag sa Philippine Clean Water Act. Ayon kina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Neri Colmenares, nagbabalak ang Manila Water at Maynilad na magpatupad ng 780% increase sa singil sa tubig dahil sa multang ipinataw sa kanila ng Korte Suprema. “They were the ones who violated the law yet they have the temerity to pass…
Read More12 OPISYAL NG NHA KAKASUHAN SA PALPAK NA YOLANDA HOUSING
(NI ABBY MENDOZA) INIREKOMENDA ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Office of the Ombudsman na kasuhan ng kriminal at administratibo ang 12 opisyal ng National Housing Authority (NHA) dahil sa mga anomalya sa Yolanda Housing. Hindi pa tinukoy ng PACC ang mga opisyal sa katwirang bahagi ito ng due process dahil hindi pa nakapagsasagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman. Gayunman, sinabi nitong ang mga opisyal ay pawang kabilang sa Bids and Awards Committee ng NHA-Eastern Visayas na nilabag ang Section 8, Rule VI ng Code of Conduct and Ethical Standards for…
Read MoreKC’S SEXY PHOTOS, NAG-VIRAL!
(NI PETER LEDESMA) MAY kumakalat na daring photos ngayon si KC Concepcion sa social media na sa pagkakaalam namin ay matagal nang tumigil sa pagpapakuha ng ganitong klaseng larawan dahil sinaway siya ng kanyang Mommy Sharon Cuneta. Kalokah! Super daring na nga ang dalaga – pero classy naman dahil maganda naman si KC at hindi mukhang chipipay. Baka she’s just reinventing herself and getting ready for more mature roles. Todo react ang netizens specially ang fans ng dalaga. May mga nagsasabi na photoshopped o niretoke ang photos. Marami na ang reactions,…
Read MoreAQUINO IDINAWIT NA SA NINJA COPS
(NI NOEL ABUEL) NAGISA ng mga senador si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino nang mabunyag na sa panunungkulan nito bilang police director ng Region 3 hindi naipatupad ang dismissal order laban sa 13 tinaguriang ninja cops. Sa ikasiyam na pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights, kinuwestiyon ni Senador Panfilo Lacson ang kawalan ng aksyon ni Aquino sa kaso ng mga nasabing ninja cop dahil sa kasong ‘agaw-bato’ at pagre-recyle ng illegal drugs sa nakumpiskang sa isang bahay sa Mexico, Pampanga noong 2013. Kinastigo ni…
Read MoreCHINESE PROSTI DAGSA NA RIN SA PINAS
(NI BERNARD TAGUINOD) LABIS na ikinakabahala ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagdagsa hindi lamang ng mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) kundi ng mga prostitute mula sa China. Ayon kay House committee on games and amusement chairman Eric Yap ng ACT-CIS party-list, mistulang naging hot spot na rin hindi lamang ng POGO ang Pilipinas kundi ng mga Chinese prostitute. “Hindi na lang yata tayo conducive sa mga foreign POGO workers, mukhang nagmimistulang hot spot na rin yata tayo sa prostitusyon,” ani Yap matapos muling makahuli ng…
Read MoreGRAND COVER-UP SA NINJA COPS
(NI NOEL ABUEL) TINAWAG ni Senador Franklin Drilon na nagkaroon ng ‘grand cover-up’ sa hanay ng Philippine National Police (PNP) para pagtakpan ang pagsibak sa tungkulin sa 13 tinaguriang ninja cops na sangkot sa pagre-recycle ng illegal drugs sa Mexico, Pampanga. Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights at Committee on public order and dangerous drugs, sinabi ni lider ng minority leader na hindi maitatanggi na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga opisyales ng PNP at ng mga ninja cop kung kaya’t hindi natanggal ang mga…
Read More