BI, BoC, PNP PINAIIKOT NG CHINESE DRUG LORDS – GORDON

gordon12

(NI NOEL ABUEL) NAKIKIPAGSABWATAN sa ilang tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BoC) at Philippine National Police (PNP) ang mga Chinese drug lord kung kaya’t bumaha ang illegal na droga sa bansa. Ito ang sinabi ni Senador Richard Gordon, pinuno ng Senate Committee on Justice and Human Rights at Blue Ribbon Committee, sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ng mga ninja cop at sa pagre-recycle ng illegal drugs sa bansa. ‘’We are besieged from the outside,’’ ani Gordon. Sinabi ng senador na ang mga Chinese drug…

Read More

LRTA AMINADO; WALANG RECOVERY PLAN SA NASUNOG NA LRT LINE 2

lrt2a

(NI ABBY MENDOZA) AMINADO ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority na hindi sila handa sa mga kaganapan tulad ng nasunog na LRT line 2 dahilan para maputol ang operasyon ng tatlong istasyon nito. Wala rin umanong nakahandang disaster recovery plan sa ganitong mga insidente. Sa ginanap na emergency meeting ng House Transportation Committee, inusisa ang mga opisyal ng Department of Transportation (DoTR) Light Rail Transit Authority(LRTA) kaugnay sa naganap na sunog sa LRT Line 2 na dahilan ngayon ng kawalang operasyon ng mass transit at nararanasang matinding pagsisikip ng…

Read More

KOBE PARAS: GRATEFUL AS FIGHTING MAROON

(NI JOSEPH BONIFACIO) THERE’S  no place like home. Ito ang pinapatunayan ni Kobe Paras ngayon sa University of the Philippines (UP) na itinuturing na niyang tahanan matapos bigong maabot ang hindi lamang mga personaly niyang pangarap, gayundin ng buong Pilipinas. Para kay Paras, susulitin na lamang niya ang panibagong pagkakataon ngayon para sa Fighting Maroons na nagbigay ng panibagong pag-asa na maipagpatuloy ang basketball love, life at career niya – hindi na sa ibayong lugar – kundi sa bayang kanyang sinilangan. “Win or lose, the UP community is always there…

Read More

GRAFT NAKAAMBA KAY ALBAYALDE

albayalde

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KUMBINSIDO ang ilang senador na malinaw ang pananagutan ni PNP chief Oscar Albayalde sa pagtatangka na pagtakpan ang pananagutan ng kanyang mga dating tauhan hinggil sa drug raid sa Pampanga. Ito ay kasunod ng pagharap ni dating Police Regional Office 3 Director, Retired General Rudy Lacadin sa pagdinig ng Senado at sinabing tinawagan siya ni Albayalde upang harangin ang imbestigasyon laban sa grupo nina Major Rodney Raymundo Louie Baloyo IV. Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, malinaw na ang mga circumstantial evidence laban kay Albayalde. “To…

Read More

63K POSISYON SA DEPED, BAKANTE

deped

(NI BERNARD TAGUINOD) TAMBAK na ang posisyon sa Department of Education (DepEd) na ayaw lagyan ng tao ng ahensya kaya lalong nahihirapan ang public school teachers dahil gumagawa ang mga ito ng ibang trabaho bukod sa pagtuturo. Ito ang reklamo ni ACT party-list Rep. France Castro matapos matuklasan na umaabot na sa 63,035 ang plantilla position sa DepEd ang hindi nilalagyan ng mga tao. Sa nasabing bilang, 12,206 dito ay para sa  non-teaching positions, 41,510 para sa teaching positions at 9,319 ay para naman sa teaching related positions, subalit hindi kumukuha…

Read More

PAGPAPASARA SA 55 SCHOOL SA DAVAO, PINAGTIBAY NG DEPED

deped44

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY–Pinagtibay ngayon ng Department of Education (DepEd)-11 na may sapat na basehan ang pagpapasara sa 55 mga paaralan sa Salugpungan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. (STTICLCI), na nag-operate sa mga malalayong lugar sa lungsod at sa ibang rehiyon ng Mindanao. Unang sinabi ni Jenielito Dodong Atillo, tagapagsalita ng DepEd-11, na kasali sa mga naging rason ang imbestigasyon kung saan napag-alaman na nagsumbong ang ilan sa mga mag-aaral na naging guro nila ang isang full time member ng New People’s Army (NPA). Ayon kay Atillo, ilan sa…

Read More

REGINE, NAKARANAS NG DISCRIMINATION SA SHOE STORES SA NEW YORK

SA kanyang recent vlog, ikinuwento ni Regine Velasquez ang discrimination na naranasan niya sa habang namimili sa isang Louis Vuitton store sa New York City. “When I got there, nakita ko na (yung shoes), nandun sa display. Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin wala akong size… Sinabi talaga. Sabi ko, ‘Can I at least try them on?’ Sabi ng guy, ‘Uh, no.’ Na-discriminate agad ang lola niyo, so na-depress ako ng very, very light.” Lumipat siya sa Neiman Marcus store, at ganun din ang trato sa kanya. Kaya…

Read More

7 PMA CADET KINASUHAN NG MURDER SA DORMITORIO HAZING

PITONG kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang kinasuhan ng murder, hazing sa pagkamatay ni cadet Darwin Dormitorio. Isinampa ng pamilya Dormitorio ang kaso kay Baguio City Prosecutor Erwin Sagsago, nitong Martes. Kabilang sa kinasuhan sina PMA Cadets 3rd Class Shalimar Imperial, Felix Lumbag Jr., John Vincent Manalo, Julius Carlo Tadena and Rey David John Volante, Cadet 2nd Class Christian Zacarias, at Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao. Kasama ring kinasuhan sina tactical officers Maj. Rex Bolo and Capt. Jeffrey Batistiana, at mga doctor na sina Col. Cesar Candelaria, Capt.…

Read More

NATIONAL BUDGET TINATAPOS NA SA BICAM COMMITTEE

(NI BERNARD TAGUINOD) HALOS tapos na sa Bicameral conference committee ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion. Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kaugnay ng sitwasyon ng national budget sa bicam kung saan pinaplantsa ng mga kinatawan ng Kamara at Senado ang magkaibang bersyon ng dalawang Kapulungan. “Sabi ni Senator (Sonny) Angara, 90 o 95 percent reconciled ng House at Senate,” ani Cayetano kung saan umaasa ito na ang natitirang 5 hanggang 10 porysento ay mairereconcile sa muling paghaharap ng mga ito sa Miyerkoles. Unang…

Read More