NINJA COPS PINANGALANAN NA SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANNY BACOLOD) PINANGALANAN na ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pampublikong pagdinig ang mga tinutukoy nitong ‘ninja cops’ o mga pulis na nagrecycle ng nakumpiskang droga sa operasyon noong 2013 sa lalawigan ng Pampanga. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado hinggil sa mga iregularidad sa Bureau of Corrections na napunta sa isyu ng ninja cops, tinukoy ni Magalong sina Supt. Rodney Raymundo Louie Baloyo; Sr. Insp. Joven De Guzman Jr.; SPO1 Jules Lacap Maniago; SPO1 Donald Castro Roque; SPO1 Ronald Bayas Santos; SPO1 Rommel Munoz…

Read More

PHYSICAL EXAM RESULTS NG PMA CADETS:  ILAN MAY BAKAS NG HAZING

(NI AMIHAN SABILLO) ILAN pang mga kadete ng PMA ang natagpuang may indikasyon ng ‘maltreatment’. Ito ang ibinunyag ni PMA Commandant of Cadets Bgen Romeo Brawner, matapos makumpleto ang physical examination ng mga kadete. Pero, hindi naman ibinunyag ni Brawner ang bilang ng mga kadeteng nakitaan ng mga pasa sa katawan, pero tiniyak ng opisyal na nasa ligtas na kalagayan ang lahat ng mga kadete. Matatandaan na ipinag-utos ni  Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagsasailalim sa medical exam ng lahat ng mga plebo kasunod ng pagkammatay ni Cdt 4cl Darwin…

Read More

$1K CORPORATE INCOME TAX BAWAT POGO MACHINE IHAHAIN SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA) NAKATAKDANG maghain sa susunod na Linggo si House Ways and Means Chair Joey Salceda ng panukala na magpapataw ng  $1,000 presumptive corporate income tax bawat upuan o machine na ginagamit sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ayon kay Salceda maituturing na ‘circuit breaker’ang nasabing panukala kung saan P25B ang malilikom na dagdag pondo. Nabatid na 1.5 porsiyento ang ambag sa gross domestic product ng operasyon ng POG0 sa bansa. Nakapaloob din sa panukala na isasama na ng Banko Sentral ng Pilipinas ang POGO bilang hiwalay na item…

Read More

FOREIGN PLAYERS, TOP 3 SA UAAP MVP RACE

PAWANG foreign players ang umaakupa sa top 3 spot para sa Most Valuable Player race ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament. Si University of Santo Tomas (UST) Tigers center Soulemane Chabi-Yo ay bahagyang nakaaangat sa pumapangalawang si Ange Kouame ng Ateneo Blue Eagles. Si Chabi-Yo ay nakatipon ng 82.71 statistical points (SPs), habang si Kouame ay may 81.43 SPs matapos ang first round ng eliminasyon. Ang Benin national na si Chabi-Yo ay nag-average ng 19.86 points at 15.29 rebounds sa halos 32 minuto ng kada laro, para tulungan ang…

Read More

PERASOL, NAGWALA, SUSPENDIDO

(NI JOSEPH BONIFACIO) NAKATAKDANG tumanggap ng awtomatikong one-game suspension si UP coach Bo Perasol bunsod ng kanyang ejection sa emosyonal na laban ng UP at Ateneo sa pagtatapos ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament kamakalawa sa Smart Araneta Coliseum. Ito ay ayon mismo kay UAAP Commissioner Jensen Ilagan, base na rin sa house rules ng liga na nagpapataw ng agarang suspensyon sa manlalaro o head coach na napaalis sa isang laro. “Obviously, there’s our house rule na one-game suspension na sanction. We’ll try to serve the memo of suspension…

Read More

CAYETANO DEDMA KAY PING

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI pinag-aksayahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang alegasyon ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na puno ng pork barrel ang 2020 national budget na ipinasa ng Kamara. Sa press conference nitong Lunes, kung saan inilatag ang P9.52 Billion na ‘institutional amendments’ na ipinasok ng Kamara, mariing itinanggi ni Cayetano na may pork barrel ang pambansang pondo na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion. “I’m addressing the Filipino people. There are 105 million Filipinos so anyone can critize. But  I don’t want to respond  to tsismis,” ani Cayetano matapos akusahan ni…

Read More

SARAH G., NAGIGING MALUNGKUTIN SA SET NG PELIKULA

(PETER LEDESMA) ANO  kaya ang marrying age ni Matteo Guidicelli at hanggang ngayon ay tila wala itong balak na mag-propose sa kanyang longtime girlfriend na si Sarah Geronimo? Hayan, ayon sa aming insider ay lungkut-lungkutan daw sa set ng bago niyang movie itong si Sarah. Wala rin daw maisagot ang singer-actress kapag tinatanong kung kailan sila magpapakasal ni Matteo. Ano ba naman kasi ang sasabihin ni Sarah kung ‘di pa siya niyaya ng hunky actor bf na lumagay na sa tahimik? Ang nagpapasaya na lang daw ngayon sa actress ay…

Read More

PRIVATE CAR BAN SA EDSA AYAW ISUKO

edsabus12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinusuko ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang kanyang panukala na i-ban ang mga pribadong sasakyan sa kahabaan ng Edsa sa rush hour upang hindi mahirapan ang mga ordinaryong commuters. Sa pagdinig ng House committee on metro manila development nitong Lunes sa Kamara, naipilit ni Erice sa  Metro Manila Development Authority (MMDA) at inter-agency committee ng  Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan ang kanyang panukala dahil lahat na ay ginawa aniya ng MMDA para mapaluwag ang Edsa subalit lahat ay pumalpak. “Gusto ko lang mag-comment, yung mga volume-reduction niyo, yung…

Read More

PASAPORTE NG DRUG QUEEN PINAKAKANSELA

(NI NOEL ABUEL) IPINAKAKANSELA ni Senador Franklin Drilon ang pasaporte ng tinaguriang  ‘drug queen’ na si Guia Gomez Castro, na kasalukuyang magtatago sa batas. Sinabi ni Senate Minority Leader Drilon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dapat ay agad na kumilos ito bago pa mahuli ang lahat. Nabatid na kinumpirma na nakaalis na ng bansa si Castro, chairwoman ng Barangay 484 Zone 48 sa lungsod ng Maynila noong Setyembre 21 sakay ng Cebu Pacific flight patungo sa Bangkok, Thailand. “It appears that Mrs. Castro does not intend to return to the…

Read More