INIHAYAG ngayong Miyerkoles ng gabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon na mapagkumbaba siyang tatalima sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin ang kanyang posisyon. “My commander-in-chief/appointing authority has spoken. I am a marine and a marine does as he is told,” sabi ni Faeldon sa inilabas na statement. “I most humbly bow to my commander-in-chief’s order without any hard feelings,” dagdag pa nito. Nauna rito, sa isang press briefing, sinabi ni Duterte na kailangan nang magresign ni Faeldon dahil nilabag nito ang pangako sa Pangulo…
Read MoreAuthor: Jet
EJ OBIENA, SWAK SA OLYMPICS
(NI JOSEPH BONIFACIO) ITINANGHAL si pole vaulter EJ Obiena bilang kauna-unahang Pinoy athlete na nakakuha ng slot para sa 2020 Tokyo Olympic Games, matapos ang kanyang golden performance sa Salto Con L’Asta 2019 sa Chiari, Italy noong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas). Sinira ni Obiena ang sariling Philippine record nang magawang malundag ang 5.81 metro para lampasan ang Olympic entry standard na 5.80 metro. Nagpasalamat naman si Obiena sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanya para matupad ang pangarap na makapasok sa Olympics. Sinubukan ng 23-anyos na si Obiena ang…
Read MoreGCTA FOR SALE SA BILIBID, KUMPIRMADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) BINEBERIPIKA na ng Senado ang hawak nilang impormasyon hinggil sa sinasabing katiwalian kaugnay sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, nakatanggap sila ng intelligence report hinggil sa milyong bayaran kapalit ng kalayaan ng isang convict. “We have intelligence reports already that I already shared with Senator Lacson, so in the hearings tomorrow (Huwebes), we will see if we have to uncover them or not,” saad ni Sotto. “According to intel reports that we gathered from inside, they…
Read MoreDU30 KAY FAELDON: MAG-RESIGN KA NA!
MATAPOS ang kaliwa’t kanang panawagan ng publiko at politiko na umalis na sa posisyon si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na ito, agad. “Nakapagdesisyon na ako nitong nakaraang gabi. Iniuutos ko ang agarang pagsibak sa tungkulin kay Faeldon,” sabi ng Pangulo. Naging kontrobersiyal ang BuCor chief matapos ang naunsiyaming paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Naibalita na may bayarang nagaganap sa loob ng bilibid kapalit ng paglaya ng high profile convicts kasama na ang suspect sa pagpaslang at panghahalay sa…
Read MoreMAHABANG GABI SIMULA SA SEPT. 23 — PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) MAS magiging visible ang mga bituin sa langit simula Setyembre 23 dahil sa mararanasang Equinox o mas mahabang gabi, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa, ang equinox na nanggaling sa Latin word na Equi na ang ibig sabihin ay equal at nox na ang ibig sabihin ay gabi ay nangangahulugan na magkakaroon ng equal na 12 oras ang araw at gabi. Ang ganitong astronomical event ay indikasyon na malapit na ang winter sa northern hemisphere at summer naman sa southern hemisphere. Ang…
Read MoreOSANG, PANTASYA NOON NINA TOM, JOSEPH MARCO
(NI PETER LEDESMA) NOONG kasagsagan ng sexy movies ni Rosanna Roces, dalawa sa mga nagpantasya sa kaakit-akit na katawan nito ay sina Tom Rodriguez at Joseph Marco na pareho niyang nakasama sa magkaibang proyekto. Pero compared daw to Tom ay mas matagal nakasama ni Osang si Joseph sa “Los Bastardos.” Bulong kay Osang ng tropa nina Tom at Joseph, kaya nahihiyang lumapit sa kanya sa set ang dalawa ay dahil noong high school days pala ng mga ito ay mahilig silang manood ng mga pelikula ni Rosanna sa VHS na sinasabayan…
Read MoreILANG PINOY, SA SINGAPORE NAGPAPA-DENGVAXIA SHOT
(NI BERNARD TAGUINOD) KASUNOD ng pagdedeklara ng Department of Health (DOH) ng epidemya sa bansa sa dengue, dumarami ang mga Filipino na nagpapabakuna ng nasabing vaccine sa Singapore. Ito ang nabatid kay Iloilo Rep. Janette Garin lalo na’t tuluyang tinanggalan na ng Bureau of Foods and Drugs (BFD) ng lisensya ang dengvaxia kaya hindi na ito maaaring gamitin sa Pilipinas. “Parents who have been to Singapore to access the dengue vaccine have shared this information and we feel it is our duty to share this as well for those who…
Read MoreCURFEW SA KABATAAN ‘DI EPEKTIBO – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI mawawala ang krimen sa mga lansangan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng curfew sa mga bataan maliban lamang kung ipatupad ito sa mga matatanda. Ito ang opinyon ni Albay Rep. Joey Salceda sa gitna ng pagpapatupad ng Manila City government ng kanilang ordinansa sa curvey sa mga kabataan mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw. “Youth curfew doesn’t work, adult curfew is needed to lessen crimes,” pahayag Salceda kasabay ng paglalatag ng mga pag-aaral bilang ebidensya na hindi epektibo ang curfew sa mga kabataan para mabawasan…
Read MoreONLINE COURIER SERVICE KOKONTROLIN NA
(NI BERNARD TAGUINOD) KOKONTROLIN na ng gobyerno ang mga negosyong idinaraan sa internet o social media tulad ng mga courier, freight forwarding services upang maproteksyunan ang mga Filipino consumers. Sa pagdinig ng House committee on appropriations, sinabi ni Information and Communication Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan, na kailangan nang iregulate ang nasabing mga negosyo. “Naunahan n’yo lang po kami mag-reveal sa public, but we already noticed this complicated situation. Hindi lang courier and forwarding ang tinitignan natin dito, nandiyan pa ang Angkas at iba pang nauuso,” ani Honasan. Ginawa ng…
Read More