PAGLAYA NG DRUG LORDS SA BILIBID, MAY PRESYO?

bucor55

(NI NOEL ABUEL) IBINULGAR ni Senador Panfilo Lacson na tatlo pang Chinese drug lords na hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang pinayagang makalaya sa Bureau of Corrections (Bucor). Sinabi ito ng senador sa isang panayam sa GMA News, kung saan maliban aniya sa limang Chinese drug lords na sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, Wu Hing Sum at Ho Wai Pang na napalaya sa Bucor ay nasundan pa ito ng tatlong Chinese nationals. “Bukod sa lima, may tatlo pa. Isa na-release sa Davao Penal Colony, Taiwan drug…

Read More

PIA SA ALCOHOL INDUSTRY: ‘WAG LINLANGIN ANG PUBLIKO!

pia33

(NI NOEL ABUELA) UMAPELA si Senador Pia S. Cayetano sa mga alcohol industry na huwag lokohin ang taumbayan na magkakaroon ng dagdag sa presyo ng mga alak at marami ang mawawalan ng trabaho sa implementasyon ng sin tax. Ayon sa senador, hindi dapat gawing sangkalan ng local alcohol industry ang dagdag sa buwis ng mga alak para takutin ang taumbayan partikular ang mahihirap. “When we’re talking about taxing sin products, please do not scare the people into thinking that what [the government is] trying to do is harmful to the…

Read More

RAVENA KUMPIYANSA SA KANYANG IHI

(NI JOSEPH BONIFACIO) SUMAILALIM si Kiefer Ravena sa random drug testing ngayong Biyernes, bago ang pagsisimula ng kanilang kampanya sa 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China. Ayon sa mga ulat,  isa si Ravena sa dalawang Gilas Pilipinas players kasama si June Mar Fajardo na sumailalim sa mandatory random drug testing ng International Basketball Federation (FIBA). Kinumpirma ni Ravena ang balita at sinabing inaasahan na niyang mangyayari ito. Gayunpaman, kumpiyansa si Ravena na walang makikitang anumang bahid ng PEDs sa kanyang ihi. “I somewhat expected it. Of course you know,…

Read More

PAGBABAWAL NG VAPE SA PAMPUBLIKONG LUGAR, OK SA MMDA

(NI LYSSA VILLAROMAN) SUPORTADO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa paggamit ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at vapes sa mga pampublikong lugar na iminumungkahi ng Department of Health (DoH). Ayon kay MMDA Chair Danilo Lim, suportado ng kanyang ahensya ang hakbang ng DOH-Food and Drug Administration na naaayon para sa epektibong regulasyon ng mga Electronic Nicotine and Non-nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS) products dahil nakakasama ito sa kalusugan ng tao. “Umaasa akong mahigpit na maipatutupad ang utos bilang suporta na rin sa ating ‘smoke-free environment’ campaign,” ani Lim. Dagdag…

Read More

EX-SENATOR TRILLANES KINASUHAN NG KIDNAPPING

trillanes

(NI HARVEY PEREZ) SINAMPAHAN ng kasong kidnapping with serious illegal detention  sa Department of Justice (DOJ)  si dating  senator Antonio Trillanes IV, kasama ang tatlo pang indibidwal . Nabatid na ang  reklamo ay isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kay Trillanes,  Fr. Albert Alejo, Atty. Jude Sabio, at isang ‘Sister Ling’, ng Convent of Cannussian Sisters, sa Makati City, at ilang iba pa matapos ireklamo ng isang  Guillermina Lalic Barrido. Walang piyansa sa naturang kaso. Sa affidavit ni  Barrido, sinabi nito na nakatanggap siya ng plane ticket mula kay Alejo…

Read More

WELLMED BINABAYARAN NG PHILHEALTH KAHIT SUSPENDIDO

(NI LILY REYES) PATULOY na binabayaran ng Philippine Insurance Corporation (Philhealth) ang umano’y obligasyon sa kontrobersiyal na Wellmed Dialysis Center sa kabila ng maanomalyang paniningil ng mga ito gamit ang mga pekeng pirma ng mga pasyente. Sa panayam, tiniyak din ni Ex-General Ricardo ‘Dick’ Morales, bagong presidente ng Philippine Insurance Corporation (PhilHealth), na babayaran ang mga ospital na akredito ng Department of Health (DOH) gayundin ang pagpapatuloy ng operasyon ng government insurance agency. Ayon kay  Morales, aabot sa  P129 bilyon ang nakalaang pondo ng PhilHealth sa loob ng 10 taon kung saan mababayaran…

Read More

VILLAR KINASTIGO; KALAKARAN SA NFA ‘DI ALAM

(NI BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Senador  Cynthia Villar matapos pag-initan nito ang apat na milyong sako ng bigas na hindi umano inilalabas ng National Food Authority (NFA). Ayon sa mambabatas, inalisan ni Villar ng poder ang NFA bilang regulatory body at hindi na rin pinagbebenta ang mga ito ng bigas subalit ngayon ay nagtataka ang mga ito na walang magawa ang ahensya sa mataas na presyo pa rin ng bigas. “The very essence of the law is to get rid of NFA, as the…

Read More

4 CHINESE NA PINALAYA, BABANTAYAN NG PNP  

bi44

(NI JG TUMBADO) PATULOY pa rin babantayan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang aktibidad ng apat na Chinese national sa loob ng jail facility ng Bureau of Immigration (BI) sa kontrobersyal at kuwestyunable nilang pagkakalaya mula sa National Bilibid Prison dahil sa ilalim ng RA 10592 o mas kilala sa tawag na Good Conduct Time Allowance (GCTA). Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief General Oscar Albayalde kaugnay sa pagkakalaya nina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, at Wu Hing Sum, bigtime shabu traders na pawang convicted…

Read More

2 PINOY SEAMAN PATAY SA GANG WAR SA MEXICO

(NI ROSE PULGAR) NASAWI ang dalawang Pinoy seafarers matapos madamay ang mga ito sa gang war sa isang bar sa Mexico nitong Martes. Pansamantalang hindi muna pinangalanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga biktima. Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Mexico, naganap ang insidente nitong Agosto 27 sa Port of Coatzacoalcos, Veracruz, Mexico. Base sa ulat ni Philippine Ambassador to Mexico Demetrio R. Tuazon sa DFA, nagkaroon umano ng riot sa pagitan ng magkaribal na gang. Dahil sa gang war ay nadamay ang dalawang Pinoy seafarers  na naroon…

Read More