IKAAPAT NA YUGTO NG TAX REFORM OK SA HOUSE PANEL

(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa House Committee on Appropriations ang 4th Package ng Comprehensive Tax Reform Program(CTRP). Isang pagdinig lang ang ginawa ng komite sa pag-apruba sa House Bill 304 o Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act of 2019 alinsund sa House Rule 10 Section 48 na nagtatakda na isang hearing lamang ang kailangan ng komite para pagtibayin ang isang panukala na una nang pumasa noong 17th Congress. Ayon kay Committee chair Rep. Joey Salceda aabot sa P4.2 Billion ang kikitain ng gobyerno sa nasabing tax reform package…

Read More

AFP UMAMIN: DEPENSA SA PINAG-AAGAWANG TERITORYO, MAHINA

lorenzana55

(NI BERNARD TAGUINOD) INAMIN ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na limitado ang kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga dayuhang nanghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas. Ginawa ni Lorenzana ang pag-amin sa pagdining sa sa  Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pondo ng DND sa susunod na taon na magkakahalaga ng P188.65 billion nitong Martes. “Currently, very small capability to react to this intrusions, territorial seas, very vast and only few equipment,” ani Lorenzana nang tanungin ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kung may kapabilidad…

Read More

CARGO MOVERS, KAMPEON!

(PHOTOS BY MJ ROMERO) HINDI pumayag ang F2 Logistics na umabot pa ng Game Three ang serye. Kaya naman, makaraan ang five-setter Game One win noong Sabado, siniguro ng Cargo Movers na tatapusin nila ang Game Two sa mas maikling sagupaan, nang talunin sa straight set ang Cignal HD Spikers, 25-14, 25-16, 25-19, upang ibulsa ang 2019 PSL All-Filipino Conference Finals, kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Humugot ng lakas mula kay playmaker Kim Fajardo, nagsanib-puwersa sina Kim Kianna Dy, Kalei Mau at Majoy Baron na sinamanala…

Read More

BAWAL ANG PLASTIK!

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa masamang epekto sa kalikasan, nais ng isang bagitong mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagbawal na ang paggamit ng mga plastic bottle sa Batasan Pambansa Complex. Sa House Resolution (HR) 261 na iniakda ni OFW Family party-list Rep. Bobby Pacquiao, dapat manguna ang mga mambabatas sa kampanya na huwag nang gumamit ng mga plastic bottle na nakakasira sa kalikasan. Si Rep. Pacquiao at kapatid ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao na tulad ng senador ay isang boksingero bago pinasok ang mundo ng pulitika.…

Read More

BONG PUMALAG SA BALAK NA PAGLAHOK NI DE LIMA SA SENATE SESSION

(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINAWAG na double standard ni Senador Bong Revilla ang resolusyon nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na nagsusulong na payagan si Senador Leila de Lima na makalahok sa sesyon sa pamamagitan ng teleconferencing mula sa Kampo Crame. “The double standards and sense of entitlement of some people are frankly quite disheartening,” saad ni Revilla. Iginiit ng senador na  noong siya ay nakulong dahil sa tinawag nitong politically motivated charges, ilang grupo ang nag-iingay upang hindi siya makasali sa Senate proceedings na kinabibilangan anya…

Read More

DRILON SA DOLE: TRUST FUND NG OFW, ‘WAG PAG-INTERESAN

OFWS44

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANGAKO si Senate Minority Leader Franklin Drilon na haharangin ang anumang pagtatangkang gamitin sa katiwalian ang P19 billion Overseas Filipino workers’ trust fund. Sa pagdinig ng Senate Committee on Labor and Employment kaugnay sa panukalang pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers, nagtataka si Drilon kung bakit nagpalit ng posisyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa panukala. Ipinaalala ni Drilon na noong 17th Congress, tutol ang DOLE sa pagtatag ng hiwalay na Department of OFWs. “Does the plan to create a separate Department of Overseas…

Read More

DAYUHAN NA MAGNENEGOSYO SA BANSA LULUWAGAN

(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa joint committee hearing ng House Committees on Economic Affairs at Trade and Industry ang House Bill 300 na aamyenda sa RA 7042  o Foreign Investment Act (FIA) of 1991. Sa ilalim ng panukala ay niluluwagan ang mga restrictions sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa Pilipinas. Sa oras na maisabatas ay ibababa sa 15 mula sa 50 ang minimum employment requirement ng direct local hires sa mga small at medium domestic enterprises na itinatag ng mga foreign investors gayundin ay maari nang makapagbukas ng negosyo…

Read More

6 LALAWIGAN NASA SIGNAL NO. 2, SA BAGYONG ‘JENNY’

(NI ABBY MENDOZA) NAPANATILI ng bagyong ‘Jenny’ ang taglay nitong lakas habang papalapit sa Aurora Province kung saan inaasahan itong magla-landfall. Anim na lugar sa Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No 2 habang 23 ang nasa ilalim ng storm signal No 2. Nasa ilalim ng Signal no 2 ang Isabela, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao at Mountain Province. Habang Signal No 1 naman ang umiiral sa Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal,…

Read More

KANIN-BABOY IPINAGBABAWAL NA NG DAR SA ALAGANG BABOY

(NI ALAIN ALEJ) HINIMOK ng Kagawaran ng Agrikultura ang mga nag-aalaga ng baboy na huwag nang pakainin ng ‘swill’ o kanin-baboy ang kanilang mga alaga dahil maaari umano itong pagmulan ng microorganisms na pinagmumulan ng sakit, kasunod ng mga napabalitang pagdami ng mga namamatay na baboy sa mga backyard farms. Nakasaad ito sa inisyu ni Agriculture Secretary William D. Dar na DA Administrative Order (AO) No. 4, na nag-aatas sa lahat ng Provincial and Municipality/City Veterinary and Agricultural Offices sa buong bansa na mahigpit na ipatupad ang food safety measures…

Read More