PSL ALL-FILPINO CONFERENCE CROWN: IKAKAHON NG CARGO MOVERS

ISANG panalo pa at kampeon na ang F2 Logistics. Ito’y matapos talunin sa Game One ng best-of-three series ang Cignal HD Spikers sa isang pahirapang laban, 25-22, 26-24, 18-25, 17-25, 15-8, sa 2019 PSL All-Filipino Conference Finals, Sabado sa SMART Araneta Coliseum. “Wala akong inexpect na madaling laban. Nag-expect talaga kami ng ‘di madaling laban,” lahad ni F2 Logistics head coach Ramil De Jesus. “Nire-remind ko lang sila, ‘Forget the first set to the fourth set’. Kagandahan lang, sa amin napunta yung breaks.” Sa Martes, sa Mall of Asia Arena…

Read More

PAG-AMYENDA SA GCTA LAW IGINIIT

bucor55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGBABALA si Senate Majority Leader Migz Zubiri na wala nang tetestigo laban sa mga sangkot sa heinous crimes tulad ng pagpatay, drug trafficking, kidnap for ransom at iba pang karumal-dumal na krimen kung hindi mababago ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Ipinaliwanag ni Zubiri na kung hahayaang maagang makalaya ang isang preso na convicted sa heinous crime dahil sa pagbabait-baitan sa kulungan ay magkakaroon na ito ng pagkakataon na makaganti sa mga tumestigo laban sa kanya. At kung mangyayari ito, tiyak na matatakot na ang iba na…

Read More

PDU30, MISUARI NAGPULONG MULI SA DAVAO

misuari44

(NI BETH JULIAN) IPINANGAKO ni Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari na tutulong siya sa pagpapanatili ng katahimikan sa rehiyon ng Mindanao. Ito ang ibinunyag ni Senator Bong Go matapos ang muling pagpupulong sa ikaapat na pagkakataon ni Misuari kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend sa Malacanang. Sinabi ni Go na sentro ng pagpupulong ng Pangulo at ni Misuari ang  inilalatag na kapayapaan sa Mindanao kung saan nangako ang huli na makikipagtulungan. Hindi pa natatapos ang nasabing pulong na napagkasunduan na magkaroon pa ng follow-up meeting kasama ang panel…

Read More

P19-B HINIHINGI NG DOH SA PAGBILI NG GAMOT SA 2020

duque33

(NI BERNARD TAGUINOD) BABANTAYAN  na ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Department of Health (DOH) sa pagbili at pagdeliver ng gamot sa mga public hospital matapos matuklasan na humihingi ang departamento ng P19.1 billion na pondo para pambili ng gamot sa susunod na taon. Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil hindi katanggap-tanggap aniya na umaabot sa P18.449 billion na binili ng DOH mula 2015 hanggang 2018 ang hindi pa naibibigay sa mga public health care facilities base sa report ng Commission on Audit (COA).…

Read More

MAGSASAKANG BIKTIMA NI ‘INENG’ PAUUTANGIN NG DAR

dar55

(NI DAHLIA S. ANIN) BIBIGYAN ng gobyerno ng tulong pinansyal na aabot sa P25,000 ang mga magsasaka sa Ilocos Norte na naapektuhan ng bagyong ‘Ineng’. Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, magtutungo siya sa naturang probinsya upang personal na makita ang pinsala na iniwan ng bagyo. Sabi ni Dar, maaaring makautang ng P25,000 ang mga magsasaka ng walang tubo sa loob ng 3 taon. “Sure loan assistance na P25,000, zero interest, payable in 3 years,” ani Dar. Isinailalim sa state of calamity ang probinsya, matapos ang walang tigil na pag-ulan…

Read More

PDU30 PAGOD; NO SHOW SA NAT’L HEROES DAY EVENT

duterte33

(NI BETH JULIAN) DAHIL hindi gaanong maganda ang pakiramdam, hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng National Heroes Day Lunes ng umaga sa Libingan ng mga Bayani. Pero pagkatapos makapagpahinga ng ilang oras ay tumulak ang Pangulo sa Calbayog City  base sa pagkumpirma ni Senator Bong Go. Ayon kay Go, bibisita ang Pangulo sa mga naiwang kaanak ng dalawang sundalo na namatay sa engkwentro nitong nakaraang Biyernes sa Calbayog. Ang dalawang sundalo na sina 2nd Lt. Geroe Jade Nicor at Coporal Joel Canico na kapwa kasapi ng 43rd…

Read More

SOLON NANGHIHINAYANG SA P38-B GAGASTUSIN SA ROTC

rotc12

(NI BERNARD TAGUINOD) NANGHIHINAYANG ang isang militanteng mambabatas sa P38 bilyon na gagastusin ng taumbayan sa Reserved Officer Training Corps (ROTC) na gustong ibalik ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, napakalaking gastos ito imbes na gamitin para pondohan ang iba pang programang pang-edukasyon ng mga kabataan. “P38 billion can be used to restore the nearly 21 billion budget cut from the Department of Education’s 2020 fund for new school personnel, books, and equipment. It can also be used to supplement the budget…

Read More

GILAS PILIPINAS: ROUGH ROAD TO CHINA

gilas33

SPECIAL FEATURE (NI JOSEPH BONIFACIO)   SA hinaba-haba man ng prusisyon, sa China din ang tuloy. Iyan ang destinasyon ng Gilas Pilipinas na isang linggo na lamang ay sasalang na sa pinakamalaking tanghalan ng basketball sa buong mundo – ang 2019 FIBA World Cup na nakatakda sa Foshan, China mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15. Subalit hindi makinis, madali at swabe ang naging daan ng Gilas Pilipinas – bagkus – lubak-lubak, matarik at mahabang ruta ang kanilang binagtas. Upang makapasok sa World Cup, sumalang sa FIBA World Cup Asian Qualifiers…

Read More

REHABILITASYON NG MGA RILES, SAGOT SA MATINDING TRAFFIC

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senador Sonny Angara ang pagpapalawak at rehabilitasyon ng railways systems upang malunasan ang matinding pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila. Nangako rin ang chairman ng Senate Committee on Finance na maghahanap ng mga paraan upang masuportahan ang mga programa ng Department of Transportation (DOTr), hindi lamang ang mga long-term, kundi maging short at medium term para sa commuters, motorists at sa buong ekonomiya. Sinabi ni Angara na maraming oras ang nasasayang sa mahabang pila ng mga commuter sa MRT at mga bus sa pagpasok sa…

Read More