(NI KIKO CUETO) POSIBLENG lumaya na sa loob ng dalawang buwan ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez, ayon kay Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon. “Maaaring makakasama siya (Sanchez) sa more or less 11,000 na mga person deprived of liberty (PDL) na makalalabas in the next 2 months,” sabi ni Faeldon sa panayam sa DZMM. Ipinaliwanag naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mapalalabas si Sanchez dahil na rin sa isang bagong batas na nagpapabilis sa jail time ng isang preso kung mabait…
Read MoreAuthor: Jet
SERVICE TRAINING PROGRAM SA KOLEHIYO, PINABUBUSISI
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Win Gatchalian na suriin ng Senado ang implementasyon ng National Service Training Program (NSTP), partikular ang Reserve Officers’ Training Course (ROTC)na bahagi nito. Sa gitna ito ng patuloy na pagbaba ng mga graduate ng ROTC na magboluntaryo sa Ready Reserve. Sa Senate Resolution No. 97, sinabi ni Gatchalian na kailangan ang isang komprehensibong pagsusuri sa NSTP law, lalo na sa ROTC component, upang masukat kung gaano ito kaepektibo at makapagbalangkas ng panukalang batas o mga amyenda sa kasalukuyang batas upang mapalakas ang Reserve Force ng…
Read MorePABAHAY SA YOLANDA VICTIMS 70% NANG TAPOS
(NI BETH JULIAN) HALOS makukumpleto na ang pabahay para sa mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda sa Region 6. Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Kiko Nograles kung saan ibinalita nitong nasa 70 percent nang tapos ang pabahay sa Region 6 at 30 percent na lamang ang hindi pa natatapos. “Sa aming record, 70% na sa buong Region 6 ang completed na, kaya mga 30% na lang ang hindi pa tapos. May ilang munisipyo na may problema pa, pero tiniyak naman ng National Housing Authority (NHA) na hindi sila magpapabaya at…
Read MorePAGBABALIK NG NUTRIBUN APRUB SA DEPED
(NI MAC CABREROS) PABOR ang Department of Education (DepEd) sa hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na pagpapakain sa mga bata ng masustansyang tinapay na nutribun. Ayon sa DepEd, sang-ayon sila sa anumang feeding program na makatutulong sa kalusugan at edukasyon ng mga bata. “Mahalaga na malakas ang katawan ng mga bata para makapag-aral ng maayos,” pahayag DepEd. Binanggit na hindi natututo ang isang bata kapag kumakalam ang tiyan at mahina ang katawan dahil sa malnutrisyon. Batid din ito ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro kaya kanilang isinulong ang pamimigay…
Read MoreVAPE ISINAMA SA DAGDAG-BUWIS, ALAK, PASADO NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) TILA wala nang urungan ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga nakakalasing na inumin matapos pagtibayin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukalang batas. Sa botong 184 yes vote, 3 ang no vote at isang abstention, pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 1026 na magtataas ng buwis sa mga lahat ng alak sa bansa. Tanging ang bersyon na lamang ng Senado ang hinihintay para tuluyang maging batas ang panukalang ito at maipatupad sa susunod na taon o sa 2020 kung saan…
Read MoreAPL.DE.AP MAGPAPASIGLA SA SEA GAMES
(NI JEAN MALANUM) ANG sikat na Fil-American singer na si apl.de.ap ang magpe-perform sa opening at closing ceremonies ng 30th Southeast Asian Games. Sa opisyal na signing ceremony kahapon sa House of Representative, inihayag ni House Speaker at Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) chair Alan Peter Cayetano ang pagkuha sa serbisyo ni apl.de.ap para sa biennial meet. Allan Pineda Lindo sa tunay na buhay, si apl.de.ap ay ipinanganak sa Barangay Sapang Bato sa Angeles City at miyembro ng Grammy Award-winning hip-hop group na Black Eyed Peas. Unang magtatanghal si…
Read MoreCARPIO, LEONEN TUMANGGI SA NOMINASYON BILANG SC CJ
(NI HARVEY PEREZ) KAPWA tumanggi sina Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio at Court Associate Justice Marvic Leonen sa awtomatikong nominasyon sa Judicial Bar Council (JBC) bilang susunod na Supreme Court Chief Justice kapalit ng magreretiro na si SC Chief Justice Lucas Bersamin. Nabatid na si Bersamin ay nakatakdang magretiro sa Oktubre 18 pagsapit niya ng 70-anyos mandatory retirement. Wala naman partikular na dahilan na sinabi si Leonen sa kanyang pagtanggi sa nominasyon. Gayunman,sinabi niya na ang kanyang desisyon ay “the right thing to do for myself, this Court,…
Read MoreNUMBER CODING SCHEME SUSPENDIDO NGAYON
(NI ROSE PULGAR) INIANUNSIYO kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ngayong araw ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila. Base sa traffic advisory ng MMDA, sinuspinde ang pagpapatupad ng UVVRP bilang paggunita ng ika -36 na kamatayan ni dating Senador Benigno Aquino Sr. Ibig sabihin, dahil sa suspensiyon, malayang makabibiyahe ang mga sasakyan anuman ang nasa hulihang digit ng kanilang plaka sa lahat ng pangunahin lasangan sa Metro Manila. Bukod sa anunsiyo ng MMDA, nag-abiso rin ang pamahalaang…
Read MorePH NASA LISTAHAN NG TAIWAN SA ASF
(NI ROSE PULGAR) DAHIL kabilang ang Pilipinas na nasa listahan sa high-risk areas ng African swine fever (ASF) sa bansang Taiwan, simula nitong Lunes, ang lahat ng Pinoy na magtutungo sa nabanggit na bansa na may hand carry baggage ay mahigpit na isasailalim sa inspection. Kahapon ay inianunsiyo ng Central Emergency Operation Center na mayroon aniyang ilang unreported cases ng ASF, na na-detect sa area ng Bulacan at Rizal. Dahil dito, ang Pilipinas ay inilagay sa listahan ng Taiwan na high-risk areas ng ASF. Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ang…
Read More