SOLONS: HINAY-HINAY SA DENGVAXIA

dengue55

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAGHIHINAY ng ilang mambabatas sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit sa dengvaxia sa gitna ng dumaraming kaso ng dengue sa iba’t ibang panig ng bansa. Ginawa nina Anakalusugan Rep. Mike Denfensor at Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, ang nasabing panawagan kasunod ng mga ulat na bukas umano si Duterte na muling gamitin ang dengvaxia upang makontrol ang pagdami ng nagkakasakit ng dengue. “Ang appeal ko kay Presidente, huwag ireconsider ang paggamit ulit ng dengvaxia baka maulit ang mga bagay sa nakaraan na hindi natin…

Read More

ENDO BILL POSIBLENG MAIBASURA MULI

endo66

(NI NOEL ABUEL) MABABALEWALA at posibleng muling ma-veto ang panukalang Security of Tenure Bill or Endo bill kung walang nakikitang suporta na ipinakikita si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagsasabing hindi na ito magtataka kung sa pangalawang pagkakataon ay maibasura lamang ang nasabing panukala ay dapat nang huwag nang ipagpilitan pa itong ipasa sa Kamara at sa Senado. “We should secure Malacanang’s commitment that a new version of endo bill will not be vetoed. It will be a futile exercise to revive…

Read More

GRUPO NG MGA GURO DISMAYADO SA DEPED

(NI BERNARD TAGUINOD) MISTULANG lalong sumama ang loob ng mga guro sa Department of Education (DepEd) dahil bukod sa habang nagkukuripot ang ahensya sa hinihingi nilang dagdag sahod ay nabukong nagsasayang ang mga ito ng pondo. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) na kinakatawan ni Rep. France Castro sa Kamara, habang sinasabi ng DepEd na walang pera para sa dagdag na pondo ay nabuko ang bilyung-bilyong piso na ayaw gastusin at nasasayang pera ng bayan. Ginawa ng grupo ni Castro ang pahayag matapos lumabas sa report ng Commission on Audit…

Read More

POLITIKONG EPAL SA DENGVAXIA SINUPALPAL  

pia44

(NI NOEL ABUEL) “LET’s listen to the experts.” Ito ang panawagan ni Senador Pia S. Cayetano sa ilang kapwa nito pulitiko sa panukalang muling paggamit sa dengvaxia vaccine kasunod ng deklasyon ng Department of Health (DoH) na dengue epidemic sa buong bansa. Sinabi pa ng mambabatas na sang-ayon ito sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging payo ng mga local health experts bago ikonsidera ang posibleng paggamit sa nasabing bakuna. “This is a technical and scientific matter that should be left to the health experts. The President already said…

Read More

PINOY SA NAIROBI PINAG-IINGAT SA EBOLA OUTBREAK

nairobi44

(NI ROSE PULGAR) PATULOY na minomonitor ng ilang ahensya ng gobyerno, partikular na ang Department of Foriegn Affairs (DFA), kaugnay sa outbreak ng Ebola Virus Disease sa Democratic Republic of Congo. Ayon sa DFA, ang World Health Organization ay nagdeklara na ng “EVD as a Public Health Emergency of International Concern” (PHEIC), at inirekominda ang implementasyon na heightened health measures sa DRC. Kung saan nanatiling apektado ang rehiyon ng nasabing bansa. Dahil dito, pinayuhan ng Philippine Embassy sa Nairobi, na may jurisdiction sa Democratic Republic of Congo DRC, ang Filipino…

Read More

PAGLOBO NG 2020 BUDGET PARA SA DU30 PROJECTS –SOLON

congress duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD) MALAKI ang kinalaman ng Build-Build-Build program ng Duterte administration sa paglobo ng 2020 national budget na nakatakdang ibigay ng Malacanang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa susunod na mga araw. Ito ang nabatid kay House deputy speaker Johnny Pimentel kung saan ginarantiya ang mabilis na pagpapatibay sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.2 trillion. Mas mataas ito ng mahigit kumulang sa P500 Billion kumpara sa P3.757 Trillion na pondo ng national government ngayong 2019. “Yes, the significant increase is warranted considering that the administration will continue…

Read More

DEPED AAKSIYON SA P136-M NAKAIMBAK NA LIBRO

deped25

(NI KIKO CUETO) NANGAKO ang Department of Education (DepEd) na muli nitong bubusisiin ang kanilang panuntunan, pagdating sa procurement ng mga school materials. Ito ay kasunod na rin ng pagbubunyag ng Commission on Audit (COA) sa kanilang report, na aabot sa mahigit P136 milyong halaga ng mga instructional materials ang nasasayang, nakaimbak at hindi nagagamit sa warehouses. Sinasabing ito ay buffer stock para sa taong 2014-2017. Sinabi sa report na sa 4 milyong textbooks at teacher manuals, nakapagpamigay lang ang DepEd ng 652, 842 na kopya. Nahati ito sa 230,…

Read More

21 PATAY SA DENGUE SA DAVAO REGION

dengue56

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY–Umabot na sa 21 ang bilang ng mga namatay sa may 4,345 na kaso ng dengue sa Davao Region base sa huling talaan ng Department of Health (DoH) na ipinalabas noong Agosto 5. Sa isinagawang press conference nitong Huwebes, sinabi ni Health Assistant Secretary Abdullah B. Dumama na sa Davao City pa lamang, ay nasa 11 na ang namatay at sinundan ito ng anim sa Davao del Norte, at tag-iisa ang namatay sa mga probinsya ng Compostela Valley, Davao del Sur, Davao Occidental, at Davao Oriental. Sa…

Read More

1,700 PAMILYA APEKTADO NG BAGYONG HANNA, HABAGAT

(NI AMIHAN SABILLO) PUMALO na sa mahigit 17,000 pamilya o katumbas ng 69,000 indibidwal mula sa 3 rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng Bagyong Hanna at hanging habagat, sakop ang Region 1, Region 3 at MIMAROPA. Sa inilabas na ulat ng NDRRMC, karamihan sa mga pamilyang apektado ay lumikas na sa matataas na lugar habang mahigit 100 na pamilya o katumbas ng mahigit 400 indibidwal naman ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers. Aabot sa mahigit 400 mga lugar ang binaha dulot ng masamang panahon. Maliban sa Region 1,…

Read More