BAGONG DARNA JANE DE LEON, INUULAN NG PAPURI AT INTRIGA

(NI RONALD M. RAFER) DAHIL  pinag-uusapan at wala nang makakapigil pa sa pagsikat niya, inuulan na ng intriga ang bagong Darna na si Jane de Leon. Dahil sa simpleng gandang Pinay na Pinay, doon sumentro ang mga mahihilig mang-intriga. Retokada, suplada, feeling sikat kung umasta at iba’t iba pang bashings ang ipinupukol sa kanya. Dedma lang si Jane habang puspusan na ang training niya for Darna. Ang alam lang niya, lumobo nang husto ang IG followers niya. Ang mga fans niya ang sumasagot sa mga bashers niya. Unang-una, walang pinabago si…

Read More

VOTER REGISTRATION SIMULA NA BUKAS

COMELEC12

(NI HARVEY PEREZ) SIMULA na bukas, Agosto 1,  ang panibagong voters registration na ipatutupad ng Commission on Elections (Comelec) . Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang registration ng mga bagong botante ay tatagal ng hanggang dalawang buwan at magtatapos  sa Setyembre 30. Hinikayat ni Jimenez ang mga bagong botante na samantalahin ang  ipinatupad na registration na magsisimula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado at maging araw ng holiday. Balak din ng Comelec na magdaos ng satellite registration sa mga malls, ngunit iaanunsiyo pa lamang umano nila kung saan…

Read More

ANOMALYA SA PCSO, PHILHEALTH IIMBESTIGAHAN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) NAGPAHAYAG ng kahandaan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na magpatawag ng Senate investigation sa sinasabing anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth). Ayon sa senador, nais nitong papanagutin ang sinumang opisyales ng nasabing mga ahensya na nagmalabis sa tungkulin at pagkaitan ng tulong ang mga mahihirap. “Kung ano po ’yung interes ng tao, interes ng Pilipino, ’yun po ang mangunguna. Managot ang dapat managot,” sabi pa nito. Una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa operasyon ng PCSO gaming noong Hulyo 26…

Read More

ILOILO MAYOR KULONG SA GRAFT

ombudsman1

(NI ANNIE PINEDA) HINATULAN ng pagkakakulong ng Sandiganbayan ang isang alkalde matapos mapatunayang guilty sa dalawang bilang ng kasong graft sa Iloilo City. Si Dingle, Iloilo Mayor Rufino Palabrica, ay nakitaan ng sapat na basehan nang sampahan ng graft ng Office of the Ombudsman. Batay sa desisyong ipinalabas ng Sandiganbayan Special Sixth Division, napatunayan na guilty si Palabrica sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 3 (h) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Nahatulan si Palabrica ng anim hanggang walong taon sa bawat bilang ng kaso…

Read More

MAYWEATHER VS PACQUIAO: REMATCH, MAY TSANSA

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) NAGBABAGO na ba ng isip si Floyd Mayweather hinggil sa pakiki-rematch kay Manny Pacquiao? Pinanood ni Mayweather ang laban ng alagang si Gervonta Davis sa Baltimore noong Sabado ng gabi, kung saan dinemolis nito ang kasagupang si Ricardo Nunez. Tinanong ang 42-anyos na si Mayweather ng ring announcer kung may plano ba siyang muling lumaban. Sagot niya: “We don’t know … only time will tell.” Ang nasabing tugon ni Mayweather ay nangangahulugan lamang na hindi pa niya tuluyang isinasara ang pintuan para sa…

Read More

NO GARAGE, NO CAR BILL INIHAIN SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA) SA oras na maipatupad, hindi na maaring bumili at magparehistro ng sasakyan kung walang paparadahan. Isinusulong sa House Bill 2091 o Proof of Parking Space Act  ni Batangas Rep. Raneo Abu na dapat may mapapag-parkingan muna ang mga may-ari bago ito bumili ng sasakyan. Ang panukala umano ang tutugon para mabawasan ang matinding trapiko dahil na rin sa ginagawang parking lot ang mga secondary roads at mga bangketa, Sa ilalim ng panukala, hihingan ng pruweba ang isang indibidwal na meron itong garahe para sa bibilhing sasakyan. Hindi…

Read More

HAZARD PAY SA COURT OFFICIALS ISINUSULONG

hazard pay33

(NI NOEL ABUEL) MAGANDANG balita para sa mga taong gobyerno sa justice sector ang isinusulong sa Senado na pagbibigay ng hazard pay habang ginagawa ang trabaho ng mga ito. Ayon kay Senador Leila de Lima, inihain nito ang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng hazard pay ang mga nasa hudikatura na nahaharap sa life-threatening dangers dahil sa pagtupad sa tungkulin, kabilang ang paghawak sa kaso ng isang kriminal at napupunta sa lugar na may kaguluhan. Nakasaad sa Senate Bill SB No. 624 o ang “Hazard Pay for Justice Sector Officials…

Read More

30-DAY PATERNITY LEAVE ISINUSULONG SA KAMARA

paternity44

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ang mga tatay ng isang buwan na bakasyon sa kanilang trabaho kapag nangangak ang kanilang asawa. Ito ang maximum days ng paternity leave ng 4 na panukalang batas na ihinain ng 9 na mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang bigyan ng sapat na panahon ang mga tatay na alagaan ang kanilang asawa’t anak. Sa panukalang batas na iniakda nina Quezon City Rep. Alfred Vargas, Bulacan Rep.. Jose Antonio Sy-Alvarado at Diwa party-list Rep. Michael Edgar Aglipay, nais ng mga ito na gawing 15-araw ang paternity…

Read More

‘LOTTO, STL OPERATORS KAYANG MABUHAY KAHIT TIGIL-OPERASYON’

panelo55

(NI BETH JULIAN) INAMIN ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na walang magagawang hakbang ang pamahalaan para sa mga kawani ng lotto outlet at STL operations na nawalan ng trabaho dahil sa pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon nito. Sa press briefing sa Malacanang, ikinatwiran ni Panelo na kaya namang maka-survive ng mga Filipino sa tuwing may ganitong inaasahang sitwasyon. Hindi dapat i-under estimate, ayon kay Panelo, ang kakayahan ng mga Filipino dahil nagagawan ito ng paraan sa tuwina para mairaos ang buhay. Naniniwala si Panelo na hindi naman…

Read More