(NI BETH JULIAN) IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Durerte na mahalaga sa kanya ang resulta ng satisfaction rating sa mga survey. Sa pinakahuling resulta ng SWS survey, pumalo sa +68 o very good ang net satisfaction rating ng Pangulo para sa ikalawang quarter ng taon pero patuloy na binibigyan diin ng Pangulo na mas mahalaga pa rin para sa kanya na magampanan ang kanyang tungkulin. Higit na ikinatutuwa ng Pangulo na nakikitang kontento sa kanyang trabaho ang publiko pero kung hindi naman ay tuloy pa rin ang kanyang trabaho nang husto…
Read MoreAuthor: Jet
DAYALOGO SA ANTI, PRO-DU30 IKAKASA NG NCRPO
(NI LILY REYES) MAKIKIPAG-DAYALOGO sa Hulyo 22 ang kapulisan sa Metro Manila sa mga grupong magsasagawa ng protesta sa Ika- 4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay NCRPO Director Major Gen. Guillermo Eleazar, ang nasabing dayalogo ay bahagi ng paghahanda sa seguridad ng mga anti at pro-Duterte para maisaayos ang mga lugar kung saan isasagawa ang programa. Layunin ng mga tauhan ng NCRPO na marinig ang magkabilang grupo para mapaghandaan ang mga protesta at mabigyan din sila ng seguridad. Ayon pa rin kay…
Read MoreHIWALAY NA? KC TINAWAG ANG SARILING ‘SINGLE LADY’
MARAMING nagtanong at tumaas ang kilay dahil sa Instagram post ng actress-model na si KC Concepcion kamakalawa. Sa post kasi ay tinawag ni KC ang sarili niya na “single lady.” Ang larawang pinost niya ay ang kanyang brunch (breakfast and lunch) habang nagpapagaling mula sa trangkaso. “These are the times we single ladies probably wish we had someone by our side at home,” sabi niya sa naturang post. Nagsimula ang usapan tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang French boyfriend na si Pierre Plassart noong Mayo pa, nang mapansin ng netizens…
Read MorePANELO SA AMNESTY INT’L: WAG PURO DADA, KASUHAN N’YO!
(NI BETH JULIAN) HINAMON ng Malacanang ang Amnesty International na magsampa ng kaso laban sa alegasyon nito na pang-aabuso umano ng ilang pulis sa anti-drug operation. Ginawa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pahayag matapos sabihin ng Amnesty International na patuloy na nilalabag ng mga pulis ang karapatan pantao. Ayon kay Panelo, ang problema sa grupong ito ay panay lang ang pagpuna sa mga opisyal at tauhan ng PNP pero wala naman nagsasampa ng kaso. Katwiran ni Panelo, walang mailabas na tamang basehan ang mga ito at ebidensya kaya puro…
Read More5-TAON SA HALAL NA LOCAL OFFICIALS TARGET SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) PALALAWIGIN ang termino ng mga congressmen at mga local officials ng apat hanggang limang taon mula sa kasalukuyang tatlong taon upang mabawasan umano ang pamumulitika sa bansa. Ito ang unang target ni Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano sa inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte na maunang maging House Speaker sa term-sharing nila ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco. “Tingin ko kung bakit panay pulitika tayo, maigsi masyado ang three-year term so kung papayagan tayo ng taongbayan, dapat four or five years,” ani Cayetano sa isang panayam. Dahil dito, maghahain…
Read MoreIPINANUKALA: EDAD NG SENIOR CITIZENS IBABABA SA 56-ANYOS
(NI NOEL ABUEL) MAGANDANG balita sa mga nagkakaedad. Isinusulong sa Senado ang panukalang pagpapababa ng edad ng senior citizens sa 56-anyos mula sa kasalukuyang 60-anyos. Inihain ni Senador Ramon “Bong” Revilla ang tatlong batas para sa senior citizens kabilang ang “Centenarians Act of 2019”, ang pagpapababa ng edad ng senior citizens sa 56 mula 60; at ang pagpapatayo ng Elderly Care and Nursing Complex sa iba’t ibang lugar sa bansa upang may pasilidad na tutugon sa pangangalaga sa mga senior citizens. Sa ilalim ng “Centenarians Act of 2019,” hahatiin sa…
Read MoreKAYA NAGPASAKLOLO; RESSA KAWAWA SA AKIN – PANELO
(NI BETH JULIAN) LUMALABAS kasi siyang kaawa-awa kapag nagkaroon kami ng debate. Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa pagkuha ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa kay International Human Rights lawyer Atty. Amal Clooney para maging bahagi ng kanyang legal team sa kinakaharap na kasong tax evasion at cyber libel. Sinabi ni Panelo na posibleng nabola ni Ressa ang abogadong asawa ng Holywood actor na si George Clooney at na-misinform ito kaya napaniwala na inaapi ng Pilipinas si Ressa. Gayunpaman, matapang na tinugon ni Panelo ang nasabing…
Read MoreRIFLE PARTS, MAGAZINES, AMMO NASAKOTE NG CUSTOMS
(NI FROILAN MORALLOSPHOTO BY DANILO BACOLOD) NASAKOTE ng mga taga Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga rifle parts, ammunitions, magazines at mga pistols sa isang warehouse sa Pasay City, Martes ng umaga. Ayon sa pahayag ni Bureau of Customs-NAIA District Collector Mimel Talusan, ang 35 piraso ng rifle parts ay ilegal na pinarating sa bansa galing Hong Kong . Nadiskubre ng mga tauhan ni Talusan ang mga ilegal na kargamento sa loob ng bodega ng DHL, at idineklarang mga general merchandize, habang ang Glock pistol, 8 Heckler at Koch…
Read MoreJACLYN JOSE MAGDIDIREK NA RIN BA?
(NI JONATHAN ANG) SIMULA nang madiskubre siya nung 1984 at lumabas sa pelikulang Chikas, mantakin n’yong naka-35 years na pala sa showbiz itong si Jaclyn Jose! Sa pagtuntong niya sa edad na 55 (birthday niya noong March 16), marami na siyang iba’t ibang roles na nagampanan, “pero nandoon pa rin ang drive ko to get more meaty roles on TV and the movies,” ‘ika ng award-winning actress. Marami siyang natutunan mula sa mahuhusay na direktor na nakatrabaho niya ever since. Sumagi ba sa kanyang isipan na subukan ang magdirek? “It’s…
Read More