(NI BERNARD TAGUINOD) MAKIKIALAM na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa problema ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naging dahilan ng kanilang strike noong Lunes. Sa House Resolution (HR) No. 43 ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa Kamara, inaatasan ng mga ito ang House committee on transportation na busisiin ang problema ng TNVS sa LTFRB partikular na ang pahirapang pagpapareshistro ng mga ito. Ayon sa nasabing grupo ng mga mambabatas, kailangang makialam na ang mga mambabatas sa problema ng…
Read MoreAuthor: Jet
LEBEL NG TUBIG SA ANGAT, SADSAD NA NAMAN
(NI DAHLIA S. ANIN) PATULOY ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, ayon sa weather bureau. Sinabi ng Pagasa na sa kanilang tala kaninang umaga, bumaba ito sa 160.58 mula sa 161.01 noong Lunes. Matatandaan na bahagyang tumaas noong nakaraang Linggo ang tubig sa Dam dahil sa dalang ulan ng Habagat. Nagpapatupad na ng rotational water interruption ang Maynilad at Manila Water, upang mapagkasya muna sa kanilang mga kustomer ang mababang suplay ng tubig. Ayon kay National Water Resources Board Jeric Sevilla, maibabalik lang umano sa normal ang…
Read MoreTUMITINDING KARERA SA LAST 4 QUARTERFINAL SLOTS
(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO) INAASAHANG mas magiging exciting ang mga labanan sa ongoing PBA Commissioner’s Cup dahil matinding karera para sa huling apat na quarterfinal berths. Nakasiguro na ng twice-to-beat advantage ang TNT KaTropa at NorthPort Batang Pier, habang ang Blackwater Elite at Barangay Ginebra San Miguel ay nakakuha na ng quarterfinal slots matapos ding magsipanalo. Ang TNT ay may kartadang 9-1 dahil sa seven-game winning streak, kabilang ang 115-97 panalo laban sa Blackwater kamakalawa sa Smart Araneta Coliseum. Nasa pangalawang pwesto ang NorthPort sa record na 8-2,…
Read MoreNEW INTERNAL CLEANSING PROGRAM NG PNP IPINATUPAD
(NI NICK ECHEVARRIA) INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang “New Internal Cleansing Progam” nito sa isang restorative approach na magpapatino sa mga pasaway na pulis , Martes ng umaga. Nakatuon ito sa mahigit 13,000 mga pulis na nakasuhan na ng PNP simula 2016 na pwede pang mabago ang buhay, partikular yaong mga nag-viral sa social media na hahatiin sa isang “squad concept” na may 6-8 miyembro na kabibilangan ng mga religious sector, stakeholder at pamilya ng mga ito. Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, kakaiba ito sa…
Read MoreGLUTA NA HINDI APRUB SA FDA IKINABAHALA NG SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) NABABAHALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos mapaulat na may mga gluta o pampapaputi ang hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA). “Many gluta products not approved by FDA?,” manghang pahayag ni Quezon City Rep. Alfred Vargas matapos kumpirmahin ng FDA na may mga nag-aalok umano ng injectable glutathione at Vitamin C product na hindi nila aprubado. Dahil dito, hiniling ni Vargas sa FDA, kasama na ang ibang ahensya ng gobyerno na magtulungan upang masupil ang mga ganitong uri ng mga produkto na…
Read MoreKASO NI KRIS VS NICKO, IBINASURA NG KORTE
SA labang Kris Aquino vs Nicko Falcis, ang score ngayon ay Nicko 4, Kris 1. October 2018 nang mag-file ng pitong qualified theft cases amounting to P1.2 million si Kris laban kay Nicko sa pitong siyudad sa Metro Manila: Mandaluyong, Makati, Taguig, Quezon City, Manila, Pasig at San Juan. Ibinasura na ang kaso ni Kris sa Pasig, Makati at Taguig. Pero sa Taguig, kinasuhan si Nicko ng estafa at fraudulent use of access device. Noong Linggo, nakakuha ng kopya ang ANCX ng resolution ng Manila prosecutor na nagdi-dismiss ng kaso…
Read MoreDU30 MAS OK MASANGKOT SA EJK KAYSA CORRUPTION
(NI BETH JULIAN) MAS nanaisin pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na maakusahan sa isyu ng extra judicial killings kaysa masangkot sa kurapsyon. Ito ang bahagi ng talumpati ni Duterte sa oathtaking ng mga bagong appointed na government officials sa Malacanang. “Walang problema sa akin, kasuhan o isangkot ako sa isyu ng EJK, ang ayaw ko isangkot ako sa corruption,” sabi ng Pangulo. Ang reaksyon ng Pangulo ay bilang tugon sa panawagan ng Amnesty International sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang anti-drug war campaign ni Duterte sa…
Read MoreCORRUPT SA BoC UUBUSIN NI DU30
(NI BETH JULIAN) “UUBUSIN ko ang corrupt.” Ito ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oathtaking ng bagong government appointees sa Malacanang, Lunes ng gabi kung saan inianunsyo niyang apat na opisyal ng Customs ang nakalinya niyang sisibakin dahil sa alegasyon ng kurapsyon. Ayon sa Pangulo, asahan na ngayong linggong ito ay kanya nang ipag-uutos ang pagsibak ng mga ito sa puwesto. Aminado ang Pangulo na dismayado siya sa nagpapatuloy na kurapsiyon sa gobyerno sa kabila ng banta na ihinto na ito. “Hindi pa mahinto itong corruption. Kasasabi…
Read MoreIKATLONG SUNOD NA PANALO, IBUBULSA NG FOTON
(NI JEAN MALANUM) LARO NGAYON: (BACOOR STRIKE GYM) 4:15 P.M. – GENERIKA-AYALA VS PETRON 7:00 P.M. – FOTON VS CIGNAL SUSUNDAN ng Foton ang back-to-back win nito sa pagharap sa hamon ng Cignal sa pagpapatuloy ng aksyon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference, ngayon sa Bacoor Strike gym sa Bacoor City. Alas-7:00 ng gabi ang laro, kung saan target ng Tornadoes ang ikaaapat na panalo para manatiling kabilang sa grupo ng koponan sa itaas ng standings. Una rito, sa alas-4:15 ng hapon ay magtatapat ang Petron at Generika-Ayala para sa…
Read More