PAGDAMI NG FOREIGN VESSELS BUBUSISIIN NG AFP

chinese fishing vessels12

(NI BETH JULIAN) IPINASA ng Malacanang sa AFP Western Command ang responsibilidad na imbestigahan ang muling pagdami umano ng mga foreign fishing vessels sa mga baybaying dagat ng bansa. Kasunod ito ng report ng grupong Karagatang Patrol na nagsasabing mula 2012 dumami na ang commercial fishing vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat busisiin ng Western Command ang report na ito. Sinabing base sa monitoring ng Karagatan Patrol, gamit ang visible interest imaging radio meter switch ay patuloy na namamataan sa mga baybaying…

Read More

EX-MAYOR JOSEPH ESTRADA KAKASUHAN NG DILG

erap33

(NI JESSE KABEL) KAKASUHAN ng Department of Interior and Local Government si dating Manila mayor Joseph Estrada. Ito ang inihayag ngayong Biyernes ng pamunuan ng DILG oras na mapatunayan nilang nilabag ng natalong re-electionist mayor Joseph Estrada ang DILG circular. Sa ginanap na pulong balitaan, inihayag ni   DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa kabiguan umano ng kampo ni Estrada na magsagawa ng official turnover ng mga dokumento sa kasalukuyang adminsitrasyoion ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso . Mariing inihayag ni Malaya na responsibilidad ng dating…

Read More

CHINESE WORKERS DAPAT MAGBAYAD NG BUWIS – RECTO

chinese123

(NI ESTONG REYES) INIHAYAG ni Senate President Protempore Ralph Recto  na suportado ng Senado ang plano ng pamahalaan na tugisin ang libu-libong Chinese workers na hindi nagbabayad ng buwis. Sa pahayag, sinabi ni Recto na dapat walang “great wall” na magbibigay proteksiyon  sa mga Chinese workers sa pagbabayad ng income tax na kinita dito sa Pilipinas. Aniya, kailangan ang ultimatum ng finance department sa Chinese employees at employers sa sundin ang batas sa pagbubuwis ng bansa na isang tamang pamamaraan upang maitaas ang kita dahil kailangan munang mangolekta ang pamahalaan…

Read More

LADY SOLON IRITADO SA ‘SH*T HAPPENS’ NI BATO

bato33

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI naitago ng isang babaing mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkairita kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pahayag ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagkamatay ng isang tatlong taong gulang na bata sa anti-drug operation ng mga pulis sa Rizal. Unang sinabi ni Dela Rosa ang mga katagang “shit happens” sa police operations  sa  gitna ng giyera kontra illegal na droga bagay na hindi pinaglagpas ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro. “Ang ekspresyong ” shit happens ” ay  kataga ng mga taong…

Read More

INFLATION RATE KAHIT BUMABA, ‘DI FEEL NG PINOY

inflation12

(NI ABBY MENDOZA) PARA sa Makabayan Bloc, hindi makatotohanan ang pagbaba ng inflation rate sa 2.7% ngayong Hunyo mula sa 3.2% noong Mayo. Ayon kay Bayan Muna Reps. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite, bagama’t ipinagmamalaki na bumaba ang inflation ay  hindi naman ito nararamdaman ng mga Filipino, anila, inflation lang ang bumaba ngunit hindi ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Sa halip pa nga na bumaba ay nagtataasan pa ang presyo ng gatas, kape, karne, gulay at iba pang pangangailangan gayundin ang presyo ng petrolyo. Iginiit ng mga…

Read More

DUTERTE COALITION BINUBUO SA KAMARA

paolo duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD) BINUBUO ng panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Duterte Coalition” sa gitna ng umiinit na agawan sa upuan ng speaker sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong 18th Congress. Sa isang joint statement ng Hugpong ng Pagbabago at Hugpong sa Tawong Lungsod na pinangunahan ni Davao City Rep. Paolo Duterte, inihayag ng mga ito ang pagbuo ng isang koalisyon sa Kamara na tinawag nilang “Duterte Coalition”. “As members of the House of Representatives, Hugpong ng Pagbabago and Hugpong sa Tawong Lungsod hope to unite the House. We have…

Read More

IMPRENTA NG PEKENG TAX STAMPS SINALAKAY

nbi bir12

(NI GUILLERMO OCTAVIO) AABOT sa P245 milyon ang nawawala sa kaban ng pamahalaan kada taon dahil sa mga huwad na tax stamps na ginagawa ng isang imprentang sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lungsod ng Malabon. Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ang naturang halaga ay batay sa presyo ng tax stamp na  P35 bawat isa, walong oras kada araw at limang araw kada linggong operasyon ng nasabing imprenta. Bukod sa pekeng tax stamps ay gumagagawa rin ng mga huwad na labels…

Read More

OFWs NA MAY HIV ‘DI MAAWAT SA PAGDAMI

aids

(NI BERNARD TAGUINOD) TILA hindi maawat ang pagdami ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nahahawa sa kinatatakutang Human Immunodeficiency Virus (HIV), sa kabila ng matinding paalala sa mga ito na mag-ingat habang nasa ibang bansa. Ito ay matapos umabot sa 78 OFWs ang nahawa o nagkaroon ng HIV noong Abril base sa datos na inilabas ng ACTS-OFW Coalition of Organizations kaya umaabot na sa 347 ang nagkaroon ng sakit ng mga bagong bayani simula noong Enero 2019. Base sa nasabing grupo na pinamumunuan ni dating congressman Aniceto Bertiz III, kabilang ang…

Read More

GILAS PILIPINAS U19, LUHAAN SA GREECE

gilas100

(NI JOSEPH BONIFACIO) LUHAAN ang Gilas Pilipinas youth squad nang kaldagin ng Serbia, 87-60 at tuluyan nang napatalsik sa kontensyon ng 2019 FIBA U19 World Cup kahapon sa Heraklion, Greece. Ranked no. 30 sa mundo, pumalag pa sa umpisa ng laro ang Nationals, 22-18 laban sa world no. 4 Serbia, subalit nagpakawala ng mabigat na 17-1 birada ang Serbians upang biglaang ibaon sa 39-19 ang iskor at hindi na nilingon pa ang mga Pinoy. Umabot pa sa 29 puntos ang kalamangan ng European powerhouse tungo sa malaking 27-puntos na panalo.…

Read More