CEO TUMANGAY NG P200-M NG INVESTORS, TINUTUGIS

scam12

(NI JG TUMBADO) NAGLUNSAD ng malawakang pagtugis ang Davao Del Norte Police laban sa isang Chief Executive Officer (CEO) at sa isa nitong tauhan na umanoy nagbulsa ng P200 milyon ng kanilang mamumuhunan. Pinaniniwalaang nagtatago ngayon sa isang lugar sa bahagi ng Metro Manila ang suspek na si Kenneth Naz Nagaz, CEO, at Rogie Sabando, operations manager ng QuestLink Digital Marketing Services na nakabase sa Davao Del Norte. Ayon kay Police Captain Anjanette Tirador, tagapagsalita ng Davao Del Norte Provincial Police Office (DDNPPO), humingi na ng tulong sa pulisya ang…

Read More

REMITTANCE CHARGES NG OFWs IPINABABABA SA MGA BANKO 

OFWS

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong tumitiba nang husto sa mga overseas Filipino workers (OFWs), ito ay ang mga banko dahil tinataya ng isang mambabatas na kikita ang mga ito ng $3.2 Bill o P166.4 Billion ngayong taon sa pamamagitan ng remittance charges. Ito ang dahilan kaya nais ng isang mambabatas sa Kamara na bawasan ng kalahati ang 10.90% na sinisingil ng mga banko sa mga OFWs sa halaga ng kanilang ipinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Ayon kay ACT OFW party-list Rep. John Bertiz, tinatayang aabot sa…

Read More

A TALE OF TWO REAL-LIFE SUPERDUPERWOMEN

nanet12

(RONNIE CARRASCO III) UNA, parehong ginampanan ng aktres ang papel bilang Darna: Nanette in 1991 under Viva Films; Angel in GMA’s TV series in 2005. Ikalawa, alam n’yo bang isinasabuhay nina Nanette at Angel ang pagiging bayani sa mga nangangailangan ng ayuda? Bilang founder ng kanyang Generation Hope, Inc. since 2014, nag-donate recently si Nanette ng walong silid-aralan para sa mga mag-aaral sa Marawi City. Isa ang edukasyon sa mga adbokasiya ng kanyang organisasyon, bukod sa mga proyektong nakalaan para sa mga magsasaka. Samantala, wala mang kinabibilangang NGO si Angel…

Read More

SY PINALAYA NA NG NBI

wellmed12

PINALAYA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang co-owner ng dialysis center sa Quezon City matapos ang anim na araw na pagkadetine sa naturang ahensiya. Una nang inaresto si Bryan Sy, co-owner ng WellMed Dialysis Center, dahil sa pagkakasangkot nito sa ‘ghost claims’ ng mga pasyente sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Linggo ng alas-10:30 ng umaga ay nakalabas na ng ahensiya si Sy, ayon sa abogadong si Rowell Ilagan. Noong Sabado ay nakapagpiyansa na ang kampo ni Sy ng P72,000 para sa pansamantala nitong paglaya. Gayunman, hindi pa…

Read More

MARIAN RIVERA: MULA MUMURAHING CHARADE HANGGANG LUXURY CARS

marian12

(NI PETER LEDESMA) NANG  ma-discover ni Mr. Tony Tuviera si Marian Rivera sa isang beauty product commercial, hindi agad nag-bloom ang career nito. Pero napansin si Marian ng televiewers sa sunud-sunod na pinagbidahang afternoon series sa Tape Incorporated na si Ruel Bayani ang madalas na director. And alam niyo bang dahil sa hindi kalakihang talent fee ay sa maliit lang na condo nakatira si Marian at ‘yung kotseng minamaneho niya ay Charade na mas mura pa sa Kia Pride na pag-aari ng former manager na si Popoy Caritativo. Pero dahil…

Read More

JOINT MILITARY PATROL SA WEST PHL SEA IPAUUBAYA SA DND

west phl sea12

(NI BETH JULIAN) IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa Department of National Defense (DND) ang rekomendasyon na magkaroon ng joint military patrol sa West Philippine Sea. Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng mungkahi ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na magsama-sama ang mga awtoridad ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at iba pang claimants para hindi na maulit ang vessel collision sa Recto Bank sa WPS. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, mas alam ng Defense Department kung ano ang mabuting hakbang para rito. Nanindigan din si Panelo na hindi isusuko…

Read More

PRESYO NG GASOLINA TATAAS

oil price hike12

(NI ROSE G. PULGAR) MATAPOS ang tatlong linggong sunud- sunod na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo, may nakaambang pagtaas naman sa presyo sa susunod na linggo. Sa pagtataya ng mga oil companies, tinatayang may dagdag sa gasoline na P0.30 hanggang P0.40 kada litro, sa diesel P0.10 hanggang P0.20 naman habang sa kerosene ay posibleng may dagdag na P0.20 hanggang P0.30 kada litro. Sinabi ng traders, tumaas ang presyo ng imported na petrolyo sa world market. Tuwing araw ng Martes na ipinatutupad ng mga kompanya ng langis sa presyo…

Read More

SHARON, SEN. KIKO PINAYUHAN SI FRANKIE SA BIKINI PHOTOS

frankie12

NAG-POST kamakailan si Frankie Pangilinan, 18, anak ni Megastar Sharon Cuneta at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, sa social media ng kanyang mga photos na naka-bikini. Kuha ang mga ito sa Boracay Island, kung saan nag-celebrate ang dalaga matapos nitong mag-graduate mula sa high school recently. Ang isa sa mga unang nag-comment ay ang ina niyang si Sharon. “Don’t show too much my Baba! Hahaha! But lookin’ good my baby! Miss you. I love you so much!” Si Sen. Kiko naman ay nag-guest sa “Magandang Buhay” noong Biyernes kasama si Frankie…

Read More

SA PAGPILI NG HOUSE SPEAKER: KONTING PANAHON PA – DU30

duterte123

(NI BETH JULIAN) KAUNTING panahon pa ang itatagal bago maglabas ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang magiging House Speaker. Ito ay matapos itugon ng Pangulo kay Senador Manny Pacquiao nang tanungin ito kung sino sa mga kandidato ang magiging common candidate ng partido. Ayon naman kay Senator elect Bong Go, base sa kanilang pag- uusap ng Pangulo, isa sa mga isasaalang-alang sa pagpili ng kandidato ay ang makatutulong sa partido. Kabilang sa mga kandidato sa puwesto ay sina Marinduque Congressman Lord Allan Velasco, Pampanga Congressman Aurelio Gonzales…

Read More