(NI NOEL ABUEL) PUMASA na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang palawigin ang validity ng lisensya sa pagkakaroon ng baril at bala mula sa dalawang taon ay magiging 5-taon. Sa botong 20-0, ipinasa ng mga senador ang Senate Bill No. 1155, na nag-aamiyenda sa Republic Act No. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na nagpapalawig sa renewal ng firearm registration mula apat na taon hanggang limang taon. Sa ilalim ng nasabing panukala, ang pagpaparehistro ng mga baril ay gagawin kada 5-taon. “Failure to renew the registration of…
Read MoreAuthor: Jet
CAYETANO GAME SA OMBUDSMAN INVESTIGATION
(NI BERNARD TAGUINOD) GAME si Philippine Southeast Asian Games Organizing Commission (Phisgoc) chairman House Speaker Alan Peter Cayetano sa ikinakasang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa hosting ng Phisgoc sa SEA Games. “Two weeks ago, when the SEA Games was under attack by groups out to discredit the government with fake news reports of unpreparedness and corruption, I already announced that we not only welcome, but are ourselves calling for an investigation by the proper agencies at the right time to clear the air about these unfounded allegations,” ani Cayetano.…
Read MorePINAGLARUAN SI GAZINI?
(NI LOLIT SOLIS) NALOLOKA ako. Miss Universe ang pinag-uusapan ng mga bakla. Mukhang tanggap naman agad ang ‘di pagkapanalo ng kandidata nating si Gazini Ganados sa katatapos lang na Miss Universe 2019. Ang ikinadismaya lang ng karamihan ay ang pagkakamali nang pagtawag ng winner sa Best in National Costume na napanalunan ni Miss Malaysia. Napalinaw nang pagkatawag ng host na si Steve Harvey na si Miss Philippines ang wagi at ang litrato pa niyang naka-eagle inspired costume na likha ni Cary Santiago ang ipinakita. Pero ang katabi niyang winner ay…
Read MoreNIGHT DIFFERENTIAL PAY SA GOV’T WORKERS, OK NA SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) LUSOT na sa Senado ang panukala para sa pagbibigay ng night shift differential pay sa mga empleyado ng pamahalaan na obligadong magtrabaho nang lagpas sa regular working hours. Sa botong 20-0, inaprubahan sa 3rd and final reading ang Senate Bill 643 o ang panukalang pagbibigay ng night shift differential sa mga empleyado ng pamahalaan na naseserbisyo sa bayan. Batay sa Labor Code of the Philippines, ang night differential pay ay hindi hihigit sa 10% ng regular wage sa bawat oras ng mga empleyado na pumapasok sa pagitan…
Read More11.8 DEGREES NA LAMIG NAITALA SA BAGUIO CITY
(NI ABBY MENDOZA) UMABOT SA 11.8 degree celsius ang temperatura sa Baguio City, nitong Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa alas 6:00 ng umaga naitala ang mababang temperature. Asahan pa na sa mga susunod na araw hanggang papalapit ang araw ng kapaskuhan ay lalamig pa ang klima. Ang peak ng cold weather sa Baguio ay inaasahan pagsapit ng buwan ng Enero hanggang Pebrero. Matatandaan na noong Enero 28 naitala ang 9.8 degree habang Enero. 18, 1961 naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio…
Read MorePAG-AMYENDA SA CUSTOM MODERNIZATION ACT HINILING SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) PINAAAMYENDAHAN ng isang kongresista ang Custom Modernization and Tariff Act (CMTA) upang magkaroon ng mandatory inspection sa mga cargo sa mga containers bago umalis sa kanilang port of origin. Sa pagdinig ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, iginiit ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na kailangang amyendahan ang Section 440 ng CMTA dahil ito ang isa sa mga nakikita nitong dahilan kung bakit patuloy ang smuggling activities. “Smuggling continues unabated and as a result, hundreds of billions of pesos…
Read MorePALASYO KAY GAZINI: ALL THE BEST!
(NI CHRISTIAN DALE) “ALL the best” sa hinaharap para kay Miss Philippines Gazini Ganados. Ito ang mensahe ng Malakanyang sa naging pambato ng bansa sa katatapos na Miss Universe 2019 bagama’t nasilat na masungkit ang korona. Sa kalatas na ipinadala ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, sinabi nitong naipakita ni Ganados sa buong mundo ang ganda at talento ng isang Filipina. Isang bagay aniya ito na dapat ipagmalaki ng ating mga kababayan. Ang partisipasyon ni Ganados, ani Panelo, sa nabanggit na prestihiyosong patimpalak ay dagdag na karanasan ng ating pambato ngayong…
Read MoreMARIS: FEELING KO ISA NA RIN AKONG BEAUTY QUEEN!
(NI BOY ABUNDA) SA pangalawang pagkakataon ay makakatrabaho ni Maris Racal si Joel Lamangan para sa digital series na Beauty Queens. Masayang-masaya ang aktres nang malaman na personal siyang pinili ng beteranong direktor para sa naturang proyekto. “No’ng nalaman ko na ni-request niya talaga ako na maging part ako dito, parang coming from him, okay na ‘yon sa akin. Very happy ako and very thankful for the trust. I’ll make sure na gagalingan ko dito sa iWant series para kunin niya ulit ako,” nakangiting pahayag ni Maris. Unang nakatrabaho ng…
Read MoreTAKE-OVER NG VILLAR SA WATER SERVICE SA METRO TINUTULAN SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) TINUTULAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa sa kumpanya ng mga Villar ang water service sa Metro Manila na hawak ngayon ng Manila Water at Maynilad dahil tiyak na lalong mapipiga umano ang mga consumers. “Nationalization of water services ang solusyon dito, hindi transfer of control to his crony, not Villarization,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat itake-over ng mga Villar ang water service sa Metro Manila. Ang PrimeWater Infrastructure Corp., ay pag-aari ng kumpanya ng…
Read More