(NI BOY ABUNDA) MAGKAKALABAN sa Metro Manila Film Festival 2019 ngayong Kapaskuhan ang Culion na pinagbibidahan ni Iza Calzado at Mindanao na pinagbibidahan naman ni Judy Ann Santos. Malapit na magkaibigan ang dalawang aktres kaya masaya raw si Iza para kay Juday sa pagkapanalo nito bilang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival kamakailan para sa naturang pelikula. “Ever since Culion was voted to part of the MMFF, but first I would like to say that I’m very, very happy for Juday. I sent her a message the moment I…
Read MoreAuthor: Jet
NAGPAKALAT NG FAKE NEWS SA SEA GAMES PINATAWAD NA PERO …
(NI BERNARD TAGUINOD) PINATAWAD na ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga nasa likod ng paninira sa hosting sa Southeast Asian Games (SEAG) subalit para umano sa interes ng bansa, kailangang panagutin ang mga ito. Ginawa ni Cayetano ang pahayag kasunod ng anunsyo ng Office of the Ombudsman na iimbestigahan ang mga reklamo sa paghohost ng bansa sa 30th SEAG, ang pangunahing organizer ay ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), kung saan siya ang chair. “As we are ready to meet all these accusations, I am also issuing fair…
Read MoreFDA NAGBABALA VS PAG-INOM NG SLIMMING TEA
(NI GUILLERMO OCTAVIO) NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) ng Department of Health laban sa pagbili at pagkonsumo ng isang brand ng tsaang umano’y pampapayat at iba pang produktong hindi rehistrado at hindi dumaan sa kanilang pagsusuri. Pinayuhan ng FDA ang madla na huwag gumamit ng Delicious Herbal Formula Ultra Slim Tea-Cran-Raspberry Herbal Tea, Solgar Ester-C Plus 1000 mg Vitamin Dietary Supplement, Good Day Chocolate Energy Supplement Candy Coated Pieces Dietary Supplement at Yum Earth Gummy Bears. Ayon sa FDA, ang mga nasabing produkto ay hindi sumailalim sa kanilang…
Read MoreLGUs KINALAMPAG VS BUSINESS PERMIT NG POGO
(NI NOEL ABUEL) UMAASA si Senador Joel Villanueva na tutularan ng iba pang local government units (LGUs) ang desisyon ng lungsod ng Makati na itigil ang pagbibigay ng business permit sa mga Philippine Offshore Gaming Corporation (POGO) service provider. “We hope that other POGO hotspots in Metro Manila and other areas take heed of this significant step of Makati City and implement a similar ban until we clearly see the benefits of this growing sector,” panawagan pa ng senador sa mga alkalde ng Metro Manila at sa iba pang LGUs sa buong…
Read More2nd KARATE GOLD HINABLOT NI JAMIE LIM
(NI ANN ENCARNACION) NAGING magandang buena-mano para sa Philippine team ang gold medal win ni Junna Tsukii’s sa women’s -50kg kumite kamakalawa, nang sundan ito ng isa pang panalo ni Jamie Lim kahapon sa World Trade Center, Pasay City. Kinolekta ni Lim ang ikalawang ginto ng koponan matapos talunin si Ceyco Zefanya ng Indonesia, 2-1, sa SEA Games Karatedo +61kg Kumite finals. Nauna rito ay tinalo muna ng Pinay si Audrey Japyus ng Malaysia, 7-2, sa quarterfinal at pagkatapos ay isinunod si Thao Thi Bui ng Vietnam, 5-1, sa semis…
Read MoreGINTO ITINAKAS NG PINOY BATTERS
(NI VT ROMANO) SA nakalipas na tatlong edisyon ng SEA Games (2013, 2015 at 2017), walang baseball event na isinama sa kalendaryo nito. Kaya naman nang isama ito sa listahan ng mga event para sa 30th edition, siniguro ng Philippine men’s team na mabigyan ng magandang regalo ang mga Pinoy. Inangkin ng mga Pinoy batters ang gold medal matapos pulbusin ang Thailand, 15-2 kamakalawa sa The Villages sa Clark, Pampanga. Umiskor ang national players ng nine runs sa unang tatlong innings, tungo sa ikatlong ginto sa apat na pagsalang sa…
Read MorePRESYO NG BILIHIN PINABABANTAYAN SA DTI, DA
(NI NOEL ABUEL) IPINATITIYAK ni Senado Sherwin Gatchalian sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na bantayang mabuti ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado ngayong buwan. Sinabi ni Gatchalian na dapat tiyakin ng mga ahensya ng pamahalaan na nababantayan ng mga ito ang presyo ng mga pangunahing bilihin para maiwasan ang mga mananamantala at para mas maging masaya ang Kapaskuhan ng mga mamimili. Dagdag pa ng senador na maliban pa sa panahon ng Kapaskuhan ay may dalang epekto rin sa presyo ng pangunahing bilihin ang…
Read MoreKASUNDUAN NG MAYNILAD, MANILA WATER HANGGANG 2037 HAHARANGIN
(NI NOEL ABUEL) NAGKAKAISA ang mga senador na isantabi ang pinasok na concessionaire agreement ng pamahalaan sa Maynilad at Manila Water hanggang 2037. Ayon kina Senador Aquilino Pimentel, Senador Bong Go at Senador Francis Tolentino kailangang pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang kontrata sa nasabing dalawang water concessionaires dahil sa natuklasang kuwestiyunableng nilalaman ng kontrata. “Ang original lifetime ng contract ay 2022, sa gitna nu’n nag-agree na i-extend from 2022 to 2037. Pero para sa akin ‘yung agreement to extend ay hindi pa effective kasi nga hindi pa naman nagi-expire. Sa akin…
Read MoreBAWAS-PRESYO
(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa bukas ng umaga, (Disyembre 10). Epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga na magpapatupad ang Phoenix Petroleum Philippines ng P0.10 sentimong kada litro ang kaltas sa presyo ng diesel at P0.30 naman kada litro ng gasolina. Habang ang Petro Gazz, PTT Philippines at Seaoil ay magpapatupad naman ng P0.10 kada litro sa diesel at P0.40 sentimos sa gasoline. Nagbawas din ang Pilipinas Shell at Petron Corporation ng P0.40 sentimos kada litro sa presyo ng…
Read More