BAR TOPNOTCHER ‘KAPALIT’ NI DIOKNO SA DBM

janet1

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bar topnotcher na si Budget Undersecretary Janet Abuel bilang acting secretary ng Department of Budget and Management (DBM). Si Abuel ay pansamantalang uupo sa pwesto na binakante ni Secretary Benjamin Diokno matapos itong italagang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kapalit ng namayapang si BSP Governor Nestor Espenilla. Sinabi ni Diokno na si Abuel ay nagtapos ng Master of Public Administration sa Lee Kwan Yu University sa Singapore at Master of Laws sa University of Sydney sa Australia. 491

Read More

BONG BINATO NG BOTTLED WATER SA PENAGBENGA

bong

(NI KC GUERRERO) MARAMING ganap sa Baguio City last weekend dahil Panagbenga Festival 2019. Napakalaki ng balitang binato raw ng bote ng mineral water si Bong Revilla habang pumaparada noong Sabado sa mga lansangan ng City of Pines. Ang iba pang mga kandidato na namataan namin ay sina Lito Lapid, at Bong Go. Sa unang araw ng flower festival ay mayroong street dancing competition. Second day naman ay ginanap ang contest ng floats. Send ko sa ‘yo My fave editor BenThought ang video ko na tinitilian ng fans si Bong…

Read More

SA PAG-ALIS NI GMA: GIRIAN SA SPEAKERSHIP UMPISA NA

SGMA-6

(Ni BERNARD TAGUINOD) HINDI pa man nagsisimula ang local campaign, nagpopormahan na ang ilang kilalang political leaders para sa speakership sa 18th Congress kapalit ng graduating na si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Naglabas ng kalatas ang National Unity Party (NUP) kung saan ineendorso ng partido si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano kung walang ieendorsong speakership si Davao City Mayor Sara Duterte. Ayon sa chair ng NUP na si Ronaldo Puno, naniniwala sila na si Cayetano ang bagay sa nasabing posisyon dahil tulad ni Arroyo, kaya…

Read More

CRISTINE REYES PERFECT ASSASSIN NGA BA SA ‘MARIA’?

cristine1

(NI JONATHAN ANG) Malayo sa karaniwang sexy roles na ginagampanan ni Cristine Reyes ang kanyang femme fatale character sa action film na Maria. Kuwento ito ni Lily, dating cartel assassin na nag-quit sa illegal na trabahong ‘yon para magbagong buhay sa bago niyang pangalang Maria, pero hindi pa rin tinantanan ng cartel na nagawa pang kidnapin ang kanyang asawa’t anak – enough reason para sumambulat ang samu’t saring badass fighting scenes sa pelikula! Directed by Pedring Lopez and under Viva Entertainment, Maria hits theaters on March 27. Alamin kung epektibong…

Read More

MAGPAKATOTOO KA NA KASI, ARNELL IGNACIO!

(NI RONNIE CARRASCO III) THE latest Duterte appointee to have resigned from his post ay si Arnell Ignacio bilang isa sa mga high-ranking officials ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Dati nang pinamunuan ni Arnell ang may kinalaman sa community services development sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bago napunta sa ahensiyang tumutugon sa mga problema ng ating mga OFWs. Wala rin siyang halos iniwan kay Mocha Uson na noong una’y ipinuwesto sa MTRCB at kalauna’y ginawang Asec ng Presidential Communications Operations Office  (PCOO). Kapwa nagbitiw sina Mocha at…

Read More

DENR NAKAALERTO SA FOREST FIRE

forest12

(NI CHRISTIAN  DALE) NAKA-ALERTO ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa posibilidad ng forest fires sa gitna ng El Niño phenomenon sa bansa. Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na ipinag-utos na niya sa 16 na executive director ng DENR Regional Offices na magsagawa ng malawakang pagsusuri sa mga gubat upang maiwasan ang wild fires at grass fires. Bukod dito, pinatututukan rin ni Cimatu ang kabundukan at ang ilang mga lugar na sumailalim sa rehabilitasyon ng enhanced national greening program. Magugunitang, bumili ang DENR ng forest fighting equipment…

Read More

CESSNA PLANE BUMAGSAK SA NUEVA ECIJA, 2 SUGATAN

cessna12

(NI KIKO CUETO)   BUMAGSAK sa Barangay Homestead, Talavera sa probinsya ng Nueva Ecija Lunes ng umaga ang isang 2-seater Cessna plane. Sa imbestigasyon ng pulis, problema sa makina ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano. Hindi naman nagtamo ng anumang malubhang sugat ang sakay na dalawang pasahero. Dinala ang mga ito sa Talavera General Hospital. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.     538

Read More

P1.13-B GAGASTUSIN NG PNP LABAN SA DROGA

(NI NICK ECHEVARRIA) NAKAHANDANG  gumastos ng P1.13 bilyon ang Philippine National Police (PNP) para palakasin ang pagbabantay laban sa mga sindikato na patuloy na nagpapasok ng mga droga sa bansa  sa pamamagitan ng mga baybayin. Sinabi ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac, gagamitin ang nabanggit na halaga sa pagbili ng mga  karagdagang patrol boats at helicopter sa ilalim ng capability enhancement program ng PNP para sa epektibong pagpapatrulya sa 36,000 miles coastline ng bansa. Nabatid din mula kay Banac na  inaprubahan na  ng PNP bids and awards committee ang pagbili…

Read More

PULSE ASIA:  9 sa 10 PINOY KONTRA SA PAGYOYOSI SA PUBLIKO

yosi22

(NI JEDI PIA REYES) MAYORYA o 9 sa 10 Filipino sa buong bansa ang nais na maipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Batay ito sa resulta ng isinagawang survey ng Pulse Asia nuong Enero 16 hanggang 31 ng kasalukuyang taon sa 1,800 respondents at commissioned ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD). Ayon sa Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia, 91 porsyento ng mga tinanong ay naniniwalang dapat na ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar habang apat na porsyento ang tutol. Lumabas din sa survey…

Read More