(NI NICK ECHEVARRIA) DUMAAN sa maingat na deliberasyon at beripikasyon ang ilalabas na narco list ng Pangulong Rodrigo Duterte at hindi ibinatay lamang sa mga sabi-sabi. Ito ang ipinahayag ni Philippine National Police spokesperson P/Col. Bernard Banac na aniya’y pinaghirapan at pinagtulung-tulungang ipunin ng mga personnel ng PNP, PDEA, DILG, DDB at iba pang mga source. Nangako naman ang PNP na tutulong sa paghahain ng mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga personalidad na makakasama sa listahan sa sandaling maisapubliko ang narco list.…
Read MoreAuthor: Jet
SANGKOT SA DRUGS MONEY TUTUGISIN NG PDEA-AMLC
(NI FRED SALCEDO) PALALAWIGIN ng dalawang ahensya ang pagtugis sa mga sindikato ng iligal na droga sa bansa makaraang lagdaan ng Anti Money Laundering Council (AMLC) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang kasunduan na inaasahang sasawata sa aktibidad ng mga sindikato ng droga Lumagda sa naturang kasunduan sina PDEA Director General Aaron N Aquino at AMLC Executive Director Atty. Mel Georgie B. Racela na pormal na nilagdaan ang kasunduan Martes ng umaga sa PDEA National headquarters sa QC. “Under the agreement both parties have expressed their desire to promote…
Read MoreKASONG GRAFT VS REP. ARTHUR YAP TULOY
(Ni JEDI PIA REYES) PINAGTIBAY ng Sandiganbayan ang pagsasampa ng mga kasong katiwalian laban kay House Deputy Speaker Arthur Yap kaugnay sa umano’y maanomalyang pag-apruba ng car loan plans ng mga board of trustees ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) noong 2008 hanggang 2009. Sa ipinalabas na resolusyon ng 6th Division ng anti-graft court, ibinasura nito ang mosyon ni Yap na nagpapadismiss sa mga kaso kasabay ng pag-uutos na maipagpatuloy ang paglilitis sa dalawang counts ng graft laban sa kongresista. Hindi rin kinatigan ng Sandiganbayan ang katulad na apela ni dating…
Read More22 PROBINSIYA MAKARARANAS NG TAGTUYOT — PAGASA
(NI JEDI PIA REYES) IBINABALA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mararanasang matinding tag-init sa 10 hanggang mahigit 20 probinsiya sa bansa na epekto ng El Nino phenomenon. Masasabing umiiral ang tagtuyot kung limang magkakasunod na buwan na mayroong 21 hanggang 60 porsyentong bawas sa normal na dami ng pag-ulan o hindi bababa sa 60-porsyentong walang pag-ulan sa loob ng tatlong buwan. Tinukoy ni PAGASA climate monitoring chief Analiza Solis, nakararanas ngayon ng tagtuyot simula noong Pebrero ang Ilocos Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao…
Read MorePOLITIKO SA GRAD RITES PWEDE, PERO…
(NI KEVIN COLLANTES) HINDI ipinagbabawal ng Department of Education (DepEd), ngunit ‘highly discouraged’ naman ang pag-iimbita ng mga kandidato sa graduation rites ng mga mag-aaral ngayong School Year 2018-2019.Ito ang ginawang paglilinaw ng DepEd sa isang kalatas, kasunod na rin ng nauna nitong kautusan na bawal gawing political forum ang end-of-school-year (EOSY) ceremonies sa mga paaralan, gaya ng moving up at graduation rites. Ayon sa DepEd, hindi nila inirerekomenda ang pag-iimbita ng mga kandidato sa graduation ng mga mag-aaral dahil maaari itong ma-misinterpret ng mga tao bilang pag-endorso ng kandidato…
Read More‘PAGBABA NG INFLATION RATE NUMERO LANG’
(NI BERNARD TAGUINOD) NUMERO lang ang bumaba na inflation rate dahil ramdam na ramdam pa rin ng mamamayan ang magtaas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo publiko. Reaksyon ito ng mga militanteng mambabatas matapos maitala ang 3.9% na inflation rate noong Pebrero o bahagyang pagbaba ng .1% mula sa 3.8% na nairekord noong Enero 2019. Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro, walang dapat ipagmalaki ang gobyerno sa 3.8% na inflation rate dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga gasolina, bigas, gulay, karne, pamasahe at maging…
Read MoreMANILA WATER CUSTOMERS PINAG-IIPON NG TUBIG
(NI KIKO CUETO) NANAWAGAN ang Manila Water sa mga customer nila na maapektuhan ng paghina ng tubig simula alas-6:00 ng umaga ng Miyerkoles. Ayon sa Manila Water ito ay bahagi ng kanilang ipatutupad na water supply contingency plan para sa posibleng epekto ng El Niño phenomenon na inaasahan ng PAGASA na makakaapekto sa iba ibang lugar sa bansa mula ngayong buwan hanggang Hunyo. “In light of PAGASA’s recent El Niño advisory and its threat to Metro Manila’s domestic water supply, Manila Water will be implementing operational adjustments that may affect…
Read MoreBAGONG POSISYON NI DIOKNO SA BSP IKINADISMAYA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING ng isang mambabatas na pagtatakip sa kanyang atraso ang pag-aappoint ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno bilang bagong Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Lunes ng gabi ay itinalaga ni Duterte si Diokno bilang BSP Governor kapalit ng namayapang si BSP Governor Ernesto Espenilla subalit hindi nagustuhan ito ng kanilang kritiko sa Kamara. “Pres. Duterte continues his abominable practice of shielding his appointees from public accountability by recycling them to other posts,” pahayag ni ACT Teachers party-list Rep.…
Read More‘FIXED’ SAHOD NG BUS DRIVER, KONDUKTOR SIMULA SA MARSO 9
SIMULA sa Marso 9, ipatutupad na ang “fixed rate” na sahod para sa mga bus driver at konduktor, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, Martes ng umaga. Noong nakaraang taon ay kinatigan ng Korte Suprema ang kautusan ng Department of Labor and Employment at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na gawing “part-fixed-part-performance-based” ang pagpapasahod sa mga driver at konduktor ng bus. Sa ilalim ng kautusan, makatatanggap ang bus drivers ng mga benepisyong tinatamasa ng regular employees tulad ng retirement package at PhilHealth at social security coverage, ani Bello.…
Read More