KONSTRUKSIYON NG LRT 1 TULOY NA SA ABRIL

lrt12

(NI DAVE MEDINA) NAISAAYOS na ang mga isyu sa right-of-way (ROW) kaya tuluy na tuloy na ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) extension project na magsisimula sa Baclaran, Paranaque City patungo ng  Bacoor, Cavite simula sa Abril. Sa panayam kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan, tiniyak ng opisyal na naayos na nila ang ilang isyu na naging hadlang sa pagpapatuloy ng LRT Line 1 extension project. “Ito pong Abril na ito, sa wakas mauumpisahan na po natin ‘yung tinatawag nating actual works doon po…

Read More

ARJO TO MAINE: ‘MY REASON FOR BEING’

arjo1

(NI RK VILLACORTA) SA WAKAS, para sa mga nakakaintindi sa sitwasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza, malamang, tulad ko, happy rin sila dahil tinapos na rin ni Maine ang dati’y walang kumpirmasyon na estado nila ng aktor. Last Saturday, sa birthday salubong para kay Maine na isinagawa sa isang yate, nag-cruise sila sa Manila Bay. Kasama ng mag-sweetheart ang mga kaibigan at pamilya ng celebrant. “Warm up” lang ‘ika nga ang salubong na naganap, dahil the following day, Saturday, on Maine’s birthday mismo (March 3) ay ang aga ng dalawa…

Read More

EFFIGY NG ‘MOMO’ SINUNOG NG PULIS, ESTUDYANTE

momo1

(NI KIKO CUETO) PINANGUNAHAN ng mga pulis at estudyante sa Butuan ang pagsusunog ng isang effigy ng ‘Momo’ para palakasin ang loob ng mga kabataan at ipamulat na huwag sumakay sa ganitong online na pakulo na nagreresulta sa viral suicide scare. Ginawa ang panununog sa effigy sa flag raising ceremony sa Libertad Elementary School, Butuan City sa Caraga region. “Hindi siya totoo at hindi dapat katakutan ng mga bata, kaya sinunog yan sa harapan nila at mismong ang mga estudyante ang sumunog, para ipakita na sila ang nasa upperhand na…

Read More

PINAGAANG NA SISTEMA SA SSS LOAN NG PENSIYONADO

sss22

MAGANDANG balita sa mga pensiyonado ng Social Security System (SSS). Maging ang bagong retirado – kahit isang buwan pa lamang nakatatanggap ng pensiyon – ay maaaring makautang sa pension loan program ng ahensya. Inihayag ni SSS president at chief executive Emmanuel Dooc na mas pinadali na ngayon ang pagpapautang para sa mahigit 1.2 milyong pensiyonado. Dati-rati ay kailangang anim na buwan nang tumatanggap ng pensiyon sa SSS ang pensiyonado bago ito pumasok sa SSS pension loan subalit ngayon ay ibinaba na lamang ito sa isang buwan. Dinagdagan din ang mga…

Read More

‘CLOUD SEEDING’ PANTAPAT NG DA SA EL NIñO

EL1

KORONADAL CITY – Minomonitor ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang mga lugar na apektado ng El Niño sa bansa. Sinabi ni Zaldy Boloron, chief of operations ng DA-Regional Office 12, bumuo na ng technical team ang DA para matukoy ang mga palayan sa rehiyon na apektado ng labis na tagtuyot. Sakaling maberipika ang mga apektadong lugar, agad magsasagawa ng cloud seeding upang maibsan ang tagtuyot. Sa ngayon, nanawagan ang opisyal sa mga magsasaka na makipagtulungan din sa DA para maiwasan ang pagkasayang ng mga itatanim na palay ngayong panahon…

Read More

KRIS AQUINO GAGANAP NA NANAY NI TONY LABRUSCA

kris aquino tony labrusca

KASAMA si Kris Aquino sa isang upcoming project kung saan kasama rin si Tony Labrusca. Ito ang ibinalita ni Kris mismo sa kanyang Instagram account. Gaganap daw ang Queen of All Media bilang nanay ng kontrobersyal na aktor sa naturang proyekto. Ang photo ay ang “one scene” ng aktres kasama si Labrusca. Ang Instagram post ay may caption na: “I was impressed with you in ‘La Luna Sangre.’” Ang tinutukoy niya ay ang dating ABS-CBN series starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. “But you made it effortless for me to portray your mother…

Read More

CURFEW SA BISPERAS NG HALALAN HILING NG ELECTION WATCHDOG

ppcrv22

(NI HARVEY PEREZ) PINAG-AARALAN ng  Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV),accredited elections watch dog na irekomenda sa Commission on Elections (Comelec) ang pagkakaroon ng curfew para mapigilan ang mga vote buying ng mga kandidatong may pera sa mga botante. Ayon kay Maribel Buenaobra , Executive director ng PPCRV sa ginanap na lingguhang Balitaan sa Tinapayan, ito ang nakikita nilang paraan  para mapigilan ang lider ng mga kandidato na makapag deliver ng pera sa mga bahay kapalit ng kanilang mga boto. Duda umano si Buenaobra na lumikha ng batas laban…

Read More

‘CHINESE WORKERS BANTA SA MGA BAGONG GRADUATE’

grad23

(NI BERNARD TAGUINOD) LALONG mawawalan ng pagkakataon ang mga bagong graduates ngayong taon na magkaroon ng trabaho dahil sa pagdagsa ng mga illegal Chinese workers sa Pilipinas. Ito ang kinatatakutan ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago dahil noong 2018 aniya ay halos kalahati sa mga fresh graduates ang hindi nakahanap na trabaho kaya ang pagdagsa ng mga Chinese workers ay lalong magpapahirap sa mga magtatapos ngayong taon. Hindi nagbigay ng eksaktong datos ang tanggapan ni Elago kung ilan ang magtatapos sa senior high school at kolehiyo noong 2018 subalit kung…

Read More

BOARD SECRETARY PATAY SA AMBUSH

crime22

(NI JG TUMBADO) PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng tatlong armadong lalaki ang provincial board secretary sa bayan ng Maramag, Bukidnon Linggo ng ng umaga. Nakilala ang biktima na si Roland Lacson, 45, residente ng purok 3B, Sitio Magsaysay, Barangay Kuya sa nabanggit na bayan. Lumalabas sa ulat ng Maramag Municipal police, patungo sana sa bayan ang biktima kasama ang kanyang ama at pamangkin sakay ng kotse nang bigla itong harangin ng isang kulay puting Toyota Fortuner na walang plaka at sunud- sunod itong pinaputukan ng tatlong hindi pa matukoy na…

Read More