(NI VIRGI T. ROMANO) TINALO ng Pilipinas ang Kazakhstan, 93-75 para makakuha ng slot sa FIBA World Cup kagabi sa Republican Velodrome Saryarka sa Astana, Kazakhstan. Dahil sa panalo, sa pangunguna ni naturalized player Andray Blatche, may 41 points, sasabak ang Gilas Pilipinas sa World Cup na lalaruin sa China sa Agosto. 542
Read MoreAuthor: Jet
INDIE ACTOR KRISTOFFER KING, PUMANAW SA EDAD NA 36
(NI MELL T. NAVARRO) HANGGANG sa tinitipa namin ang column naming ito (Linggo nang umaga, Feb. 24) ay labis pa rin kaming hindi makapaniwala sa mabilis na mga pangyayari – ang nakagugulat na pagpanaw ni Kristoffer King, isang mahusay na aktor. Hindi kami ganoon ka-close kay King (tawag sa kanya ng co-workers sa industriya), pero simple at mabait siyang tao. Nag-message agad sa amin si Bheng Canon, isang common friend, na naisugod si Kristoffer sa ICU ng Adventist Medical Center Manila, Sabado nang umaga (Feb. 23). Huminto raw nang five minutes…
Read MoreMATTEO NAGTARAY; SI MOMMY DIVINE ANG PINATAMAAN?
(NI LOURDES FABIAN) NA-PUZZLE ang mga tagahanga ng Pop Star Diva na si Sarah Geronimo sa pinakabagong tweet ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli na: “It’s your life. Take control of it. PERIOD.” Although hindi diretsong tinukoy ng aktor, netizens were quick to speculate na patungkol kay Sarah ito. It is no secret to the public that Sarah was raised by a mother who really cares a lot in everything she does. The actress-singer’s mom, Mommy Divine Geronimo, has always been visibly protective of her daughter. Duda ng marami ay baka napuno na si…
Read MoreOWWA, CCP BINIGYAN NG ‘NOTICE OF VIOLATION’ NG LLDA
(NI DAVE MEDINA) SARILING ahensya ng pamahalaan ang dalawa sa pinakahuling nilabasan ng notice of violation sa pagdudumi sa Manila Bay ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) kamakailan. Magkasama sa listahan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) headquarters building malapit sa kanto ng F. B. Harrison Street at Gil Puyat Avenue at ang Main-Annex Building ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na parehong nasasakupan ng Pasay City ilang daang metro ang layo sa bukana ng Manila Bay. Sa impormasyong nakuha mula sa LLDA, 10 establisimyento at naunang dalawa ang binigyan ng notice…
Read MoreIMBESTIGASYON SA CUSTOMS FIRE IPINALALANTAD
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO JACOB REYES) KAILANGANG busisiin umano ng husto ang naganap na sunog sa Bureau of Custom (BOC) noong Sabado ng gabi na nagtagal ng 10 oras upang hindi lumaki ang hinala ng taumbayan na mayroong pinagtatakpan. Ginawa ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang nasabing pahayag matapos matupok ng apoy ang ilang bahagi ng gusali ng BOC sa Port Area sa Lungsod ng Maynila. “Dapat busisiin yan ng maigi para hindi maghinala ang taongbayan,” ani Evardone. Ayon sa mambabatas, dahil kontrobersya ang BOC, hindi maiwasan aniya na mag-isip…
Read MoreLALAKI SA PAGPUSLIT NG GRANADA SA MRT KINASUHAN NA
(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY ARCHIE POYAWAN) TINIYAK ng Department of Transportation (DOTr) na hindi nila ipagwawalambahala lamang ang pagkaka-aresto sa isang lalaki na nahuling nagtatangkang magpuslit ng granada sa loob ng Cubao Station ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Sabado ng gabi. Ayon sa DOTr, na pinamumunuan ni Transportation Secretary Arthur Tugade, seryoso nilang tutugunan ang isyu. Magpapatupad umano sila ng mas mahigpit na seguridad sa mga istasyon ng kanilang tren upang matiyak na walang makakalusot na mga pampasabog at mga ipinagbabawal na bagay, na maaaring magdulot ng…
Read MoreIKA-2 TAON NI DE LIMA SA PIITAN GINUNITA NG KAALYADO
(NI BERNARD TAGUINOD) GINUNITA ng kanyang mga kasamahan sa oposisyon ang ikalawang taon ni Sen. Leila de Lima sa loob ng kulungan dahill sa mga kasong may kaugnayan umano sa ilegal drug trade na itinatanggi naman ng senador at mga kasamahan nito. Magugunita na inimbestigahan ng Kamara sa ilalim ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang umano’y koneksyon diumano ni De Lima sa mga drug lord sa New Bilibid Prison (NBP). Kasunod nito ay kinasuhan na ng Department of Justice (DOJ) sa Muntinlupa Regional Trial Court si De Lima at…
Read MoreGOV’T FEE SA FIRST TIME JOBSEEKER ILILIBRE NA
(NI BERNARD TAGUINOD) PIRMA na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang at libre na ang mga first-time job seekers sa mga bayad ang mga ito sa pagkuha ng mga dokumento sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na gagamitin nila sa pag-aapply ng trabaho. Bago nag-adjourn ang Kongreso noong Pebrero 8, niratipikahan na ng Kamara ang House BIll 172 at Senate Bill 1629 o “First Time Jobseekers Assistance Act” at hinihintay na lang ang lagda ni Duterte para maipatupad na ito. Sa sandaling maging batas ang panukala, hindi na sisingilin ang mga…
Read MoreHIGIT 6K BATA NAPABAKUNAHAN NA NG RED CROSS
(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Philippine Red Cross (PRC) na umaabot na sa mahigit 6,000 bata ang napagkalooban nila ng bakuna laban sa tigdas, sa ilalim ng kanilang inilunsad na vaccination drive. Ayon sa PRC, na pinamumunuan ni Chairman at Senador Richard Gordon, layunin ng kanilang vaccination drive na mabigyan ng proteksiyon ang mga kabataan laban sa tigdas, lalo na at mataas pa rin ang banta ng sakit, kasunod na rin ng deklarasyon ng outbreak sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, kabilang ang Metro Manila. Simula aniya nang ilunsad nila ang…
Read More