ADUANA SA BATANGAS, PINURI NI GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO SA RECORD-BREAKING COLLECTION

PINURI ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang Bureau of Customs (BOC)-Port of Batangas, sa pangunguna ni District Collector Carmelita “Mimel” Talusan, dahil sa naitalang pinakamataas na buwanang koleksiyon nito at patuloy na pagsisikap na gawing mas episyente ang proseso ng aduana para sa mga negosyo.

Ipinahayag ni Santos-Recto ang pagkilala sa isinagawang courtesy call ni Talusan, kung saan tinalakay ang mahalagang papel ng Port of Batangas sa pagsuporta sa kalakalan at paglago ng ekonomiya ng lalawigan.

Kasunod ito ng makasaysayang koleksiyon ng tanggapan noong Setyembre 2026 na umabot sa P24.540 bilyon, mas mataas ng P1.898 bilyon o 8.38 porsiyento sa target nitong P22.642 bilyon.

Ito na ang pinakamataas na buwanang koleksiyon sa kasaysayan ng Port of Batangas, na lumampas sa dati nitong record na P24.208 bilyon na naitala noong Hulyo 2026.

“The Provincial Government of Batangas commends the Bureau of Customs–Port of Batangas for its outstanding revenue performance and continuing efforts to promote ease of doing business.

Efficient and transparent customs operations are essential in supporting our business community, facilitating legitimate trade, and sustaining Batangas’ economic growth,” pahayag ni Santos-Recto.

Sa naturang pagbisita, inilahad ni Talusan ang mga repormang ipinatutupad sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, na nakatuon sa integridad, pananagutan, modernisasyon, episyenteng operasyon, transparency at pagpapahusay ng serbisyo publiko.

“Our historic September collection reflects the dedication of our personnel and the cooperation of our stakeholders. Under Commissioner Ariel F. Nepomuceno’s leadership, we remain committed to strengthening revenue collection, facilitating legitimate trade, and promoting ease of doing business while upholding integrity, accountability, and efficient public service,” pahayag ni Talusan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng koordinasyon sa Provincial Government of Batangas upang masuportahan ang paglago ng ekonomiya ng lalawigan.

Ayon kay Talusan, ipinakikita ng courtesy visit ang kahalagahan ng pagtutulungan ng BOC at pamahalaang panlalawigan sa pagsusulong ng mabuting pamamahala, pagpapadali ng kalakalan at paglikha ng kapaligirang paborable sa mga negosyo.

Dagdag pa niya, mananatiling nakatuon ang BOC-Port of Batangas sa mga pangunahing tungkulin nitong pangongolekta ng kita, pagpapadali ng kalakalan at pagbabantay sa mga hangganan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang koleksiyon ng pamahalaan at pagbutihin ang episyente at transparent na serbisyo publiko.

(JESSE RUIZ)

69

Related posts

Leave a Comment