(NI DAHLIA SACAPANO) DALAWANG warehouse sa San Simon, Pampanga ang iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Customs Port of Clark matapos makitaan ng makinarya na gumagawa ng sigarilyo. Walong imported na cigarette-making machine ang nakita ng mga autoridad sa loob ng warehouse na ito. Sa pangunguna ni Enforcement Security Service (ESS) Director Felimon Yogi Ruiz at kinatawan ng Port of Clark tinungo nila ang Global Aseana Business Park at San Simon Industrial Park, San Simon Pampanga kasama ang dalawang letter of authority na may lagda ni Commisioner Rey Guerrero para magsagawa ng paunang imbestigasyon. Bago pa…
Read MoreAuthor: Jet
BABAENG POLICE RECRUIT PARARAMIHIN
(NI ABBY MENDOZA) KUNG dati ay 10% lamang sa police force ang mga babae,ngayon ay 20% na. Ito ay matapos aprubahan ng House committee on public order and safety ang House Bill 8689 na inakda ni Surigao del Sur Rep Johnny Pimentel na naglalayong gawing 20 percent na ang slots para sa mga bagong babaeng recruits sa Philippine National Police. Sa oras na maging batas ay aamyendahan nito ang may 21 taon nang Philippine National Police (PNP) Reform Law na nagtatakda na 10% lamang ang dapat na ilaan na slots…
Read MoreREHAB NG MANILA BAY SIMULA NA SA LINGGO
(PHOTO BY KIER CRUZ) SISIMULAN na sa Enero 27 ang rehabilitasyon sa Manila Bay na uumpisahan sa sabay-sabay na clean up drive at mangrove planting sa anim na ilog na nakapaligid sa Manila Bay, ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu. Isasahawa ang mangrove planting sa sa Marine Tree Park sa Navotas City,habang magsasagawa naman ng cleanup activities sa Bakawan Warriors sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA),cleanup activity naman ang isasagawa sa ilog ng Talaba Dos,Bacoor,Cavite, habang habang maglilinis naman ang DENR sa ilog ng Obando, Bulacan-Obando-Meycauayan River…
Read MoreSGMA: MY AGENDA IS THE PRESIDENT’S AGENDA
(NI BERNARD TAGUINOD) INAMIN ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na siya mismo ang nangunguna sa pagpapatibay sa panukalang ibaba ang criminal responsibility ng mga batang nagkakasala sa batas sa 9- anyos dahil priority agenda ito ni Pangulong Rodrigo Duterte. “The President wants it,” ani Arroyo sa ambush interview kaya kailangang una siyang sumuporta sa House Bill 8858 o ibaba sa 9 anyos criminal responsibility mula sa kasalukuyang 15 anyos. Magugunita na personal na binantayan ni Arroyo ang pagdinig ng House committee on justice na pinamumunuan ni Oriental Mindoro Rep.…
Read MoreRELUYA AMBUSH TATAPUSIN NG 2 LINGGO
(NI JG TUMBADO) INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde si Police Regional Office 7 Director Chief Supt. Debold Sinas, na resolbahin nito sa loob ng dalawang linggo ang pananambang kay San Fernando, Cebu Mayor Lakambini “neneth” Reluya. Sinabi ni Sinas na tinanggap nito ang hamon ni Albayalde at sinigurong tutupad ito sa iniatas na deadline. Direktang ini-utos ng chief pnp sa local police sa Talisay ang agarang paglutas sa kaso ng tangkang pagpatay kay Reluya at kung mabibigo ay hindi magdadalawang isip na tanggalin ang…
Read MoreGUNMAN NI BATOCABE ETSAPUWERA SA REWARD
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI kasama sa makikinabang sa reward money ang mga bumaril at pumatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at ng kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz. Inihayag ito ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez matapos i-turn-over ang P8 million sa P13 million mula sa mga kongresista, kay Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde Miyerkoles ng hapon. “Hindi kasama ang bumaril kay Congressman sa bibigyan ng reward money,” ani Benitez na ang tinutukoy ay ang umaming bumaril at nakapatay kay Batocabe na si…
Read MoreKOKO, TRILLANES IDINEPENSA ANG SOBRANG GINASTOS
(NI NOEL ABUEL) IPINAGTANGGOL ng dalawang senador ang naging paggastos ng mga ito noong nakalipas na taong 2017 na inilabas ng Commission on Audit (CoA). Pinaninindigan nina Senador Koko Pimentel at Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na walang masama sa kanilang naging paggastos noong 2017. Tugon ito ng dalawang senador makaraang lumabas sa report ng CoA na sila ang top 2 biggest spender sa Senado. Sinabi pa ni Pimentel na hindi na nakakagulat ang ulat dahil nang mga panahon na iyon ay ito pa ang naupong Senate President. Ipinaliwanag nito na…
Read MoreMAYOR BALDO ISINUGOD SA OSPITAL
ISINUGOD sa ospital ilang oras matapos arestuhin si Daraga Mayor Carlwyn Baldo. Si Baldo na kinasuhan ng illegal possession of firearms ay nakaranas ng hyperventilation habang nasa loob ng selda. Tumaas ang blood pressure nito Martes ng gabi. Sinasabing may asthma rin ang alkalde. Isasailalim si Baldo sa inquest proceedings Miyerkoles ngunit sinabi ng mga pulis na hindi tiyak kung makakaalis ng ospital ang mayor. Si Baldo ang itinuturong pangunahing suspect sa pananambang at pagpatay kay AKO Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe noong December. Sinalakay ang bahay ng alkalde noong…
Read MoreEX-SPEAKER ALVAREZ PINAKAMAGASTOS
(NI BERNARD TAGUINOD) NANGUNA si dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa top-10 solon na pinakamagastos noong 2017 base sa published report ng Commission on Audit (COA). Habang isinusulat ito ay hindi pa nagsasalita ang mga mambabatas lalo na si Alvarez na nakaubos ng P43.7 million mula Enero hanggang Disyembre 2017 at top-House spender sa Kapulungan. Sa nasabing halaga, P30.4 million dito ay ginamit ni Alvarez sa “contractual consultants” habang ang natitirang P13.3 million ay ginamit sa basic salaries ng kaniyang mga staff,…
Read More