PINOY EDAD 85 SA CASH GIFT IPINANUKALA SA KONGRESO

pinoy

(NI BERNARD TAGUINOD) AAMYENDAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Centernarians Act upang mapakinabangan ng mga matatanda ang P100,000 na cash gift na ibinibigay sa mga Filipino kapag umabot ang mga ito sa edad 100. Kahapon ay sinimulan ng Technical Working Group (TWG) para pag-isahin ang mga panukalang batas na naglalayong ibigay ng maaga sa mga matatanda ang cash gift upang mapakinabangan na nila ito habang sila’y nabubuhay. Sa ilalim ng Republic Act (RA) 10868 o mas kilala sa Centenarians Act of 2016 ay tanging ang mga Filipino na umaabot…

Read More

KAMARA TAGUMPAY SA ROAD USER’S TAX

andaya

NAKUHA  ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kanilang kagustuhang buwagin nang tuluyan ang Road Board na siyang namamahala sa bilyong-bilyong binabayaran ng mga may-ari ng mga sasakyan taon-taon. “It is a victory for  transparency too,” pahayag ni House majority leader Rolando Andaya Jr., matapos ang kanilang Bicameral conference meeting hinggil sa panukalang buwagin ang Road Board. Ayon kay Andaya, nagkasundo sila ng mga kinatawan ng Senado sa Bicameral conference na tuluyang buwagin ang Road Board na siyang namamahala sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) o mas kilala sa Road…

Read More

WALANG PINSALA SA 5.9 LINDOL SA DAVAO ORIENTAL

davao

WALANG naitalang pinsalang dulot ng 5.9 lindol na tumama sa Davao Oriental Miyerkoles ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) said. Naramdaman ang lindol bandang alas-4:03 ng madaling araw may 127 kilometro  sa southeast ng Governor Generoso town. Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 114 kilometers at sinasabing aftershock pa ng magnitude 7.2 earthquake na tumama sa Davao Oriental noong December 29. Naramdaman naman ang Intensity 4 Davao City at San Josefa, Agusan del Sur. Intensity 3 sa…

Read More

LOCAL FARMERS UMAARAY SA OVER SUPPLY NG IMPORTED NA MANOK

chicken

OVER SUPPLY ng manok ang sinasabing dahilan para malugi ang mga local farmers at negosyante kung saan bumabaha sa merkado ng mga imported na baboy at manok na magsimulang dumating sa bansa noong nakaraang taon. Kasabay nito, hiniling ng mga local farmers na pansamantalang itigil ang importasyon ng manok dahil lubhang apektado ang kanilang estado. Sinabi ni Gregorio San Diego, chairman ng United Broiler Raisers Assocation, napipilitan umano silang ibenta ang bagong katay nilang manok sa murang halaga para lamang makasabay sa sobra-sobrang supply ng manok. Mas malaki din umano…

Read More

13 BAYAN SA ILOILO NASA ELECTION HOTSPOTS

iloilo

LABING-TATLONG bayan sa Iloilo ang mahigpit na tinututukan ngayon ng Philippine National Police matapos ideklarang nasa election watchlist area ng Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Supt. Bonifacio Ancajas, deputy provincial director for operations ng Iloilo PNP, ito ay bunga ng mga election related violence kung saan maraming karahasan na ang sumiklab hindi pa man nagsisimula ang pormal na election campaign period. Kabilang sa mga nasa listahan ang: Maasin, New Lucena, Lambunao; San Enrique, Dingle, Anilao, Bingawan, Ajuy, Sara, Lemery, San Dionisio, Concepcion at Estancia. Kaugnay nito, nagbabala si Ancajas sa…

Read More

TAKEOVER NG CHINA SA HANJIN IKINABAHALA

hanjin

(NI BERNARD TAGUINOD) LALONG malalagay sa panganib ang seguridad ng Pilipinas sa China kapag pinayagan ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte na itake-over ng Chinese company ang nabangkaroteng kumpanya ng Hanjin. Ito ang ibinabala ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano matapos makarating sa kanyang kaalaman na mayroong dalawang Chinese shipbuilding firms ang interesado sa Hanjin. Magugunita na nagdeklara ang Hanjin Philippine ng bankruptcy kaya nagkukumahog ang mga bangkong pinagkakautangan ng nasabing kumpanya at agad na nagkainteres umano dito ang dalawang Chinese company. “Hanjin is the largest Philippine shipyard which is…

Read More

CATRIONA PAPUPURIHAN SA SENADO

cat

(NI KC GUERRERO) SA resolusyon na isumite sa Senado noong Lunes, Jan. 14,  pinuri si  Miss Universe 2018 Catriona Elisa Magnayon Gray sa pagbigay ng “great honor, glory and recognition” sa bansang Pilipinas at sa mga mamamayang Filipino. Ang resolusyon ay inendorso  sa sesyon noong nagpatuloy ang  sesyon pagkatapos ng mahabang bakasyon para sa Kapaskuhan at Bagong Taon. Pinuri ni Senate President Vicente Sotto III, sa Senate Resolution 975, ang pagkapanalo ni  Gray at dinaig ang 93 pang mga kandidata sa timpalak kagandahan na  ginanap noong nakaraang December 17, 2018…

Read More

TRILLANES NASA DAVAO VS KASO NI PAOLO

tril

LUMAPAG na sa Davao si Senador Antonio Trillanes IV para sa arraignment ng kasyong isinampa nina presidential son Paolo Duterte at Atty Manases Carpio. Noong December ay nagpalabas si Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng Davao City Regional Trial Court Branch 54 ng apat na warrant of arrest laban kay Trillanes na inaasahang magpipiyansa sa mga inihaing demanda. Alas-5:00 kaninang umaga dumating si Trillanes sa teritoryo ng mga Duterte at matapos nito, sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Paolo na asahan umano ang  ‘tomato throwing’ event ngayong araw. 545

Read More

EBIDENSIYA INILABAS, MANUGANG NI DIOKNO MADIDIIN SA PLUNDER

ben

(NI BERNARD TAGUINOD) KUMPIYANSA  si House Majority leader Rolando Andaya na malakas ang plunder case na posibleng isampa sa mga opisyales ng Aremar Construction na pag-aari ng mga in-laws ni Department of Budget and Management (DBM) matapos ‘ilaglag” ang mga ito ng mga lehitimong kontraktor. Sa press conference kahapon, sinabi ni Andaya na hawak na niya ang ebidensya na magdidiin sa Aremar Construction  kung saan ang isa sa mga incorporator ay ang manugang ni Diokno na si Romeo “Jojo” Sicat Jr..sa posibleng pagsasampa ng plunder case dahil P70 milyon umano…

Read More