UMAASA si Senate President Vicente Sotto III na maipapasa bago matapos ang Enero 2019 ang P3.7T budget ng national government. Ito ay makaraan ang ilang delay sa diskusyon sa plenaryo. Sa panayam, sinabi ni Sotto na nagbakasyon na ang Kongreso noong Dec 14 nang hindi naaprubahan ang panukala, ngunit umaasa na sa pagbubukas ng Kongreso sa Jan 14 ay agad itong tatalakayin. Tiniyak ni Sotto na isa ito sa mga prayoridad ng Kongreso at pagkatapos ay ang pag-amyenda bago isalang sa bicameral committee. “Alam naman ng Presidente na magkakakaroon ng…
Read MoreAuthor: Jet
PNP HANDA KAHIT CEASEFIRE SA CPP-NPA
MANANATILING alisto ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa kabila ng pagdedeklara ng unilaterial ceasefire ng New People’s Army (NPA) para sa Kapaskuhan, ayon kay Chief Director General Oscar Albayalde. Sinabi ni Albayalde na magpapatuloy ang kanilang internal security operations at law enforcement operation kahit pa nagdeklara ng tigil-putukan ang NPA. Hindi pa naman umano nakakakita ng movements ng mga rebeldeng grupo ang kapulisyan ngunit nakaalerto sila sa nalalapit na anibersaryo ng NPA. Una nang inihayag ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa kanilang websire ang pansamantalang unilateral…
Read MoreFAELDON, JR., KINASUHAN NA SA OPERASYON NG DRUG DEN
KAHIT negatibo sa drug test, kinasuhan pa rin ang anak ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon dahil sa pagmamantine at operasyon umano ng drug den. Nakakulong pa rin si Faeldon, Jr. dahil sa paglabag sa section 6 (Maintenance of a Den) ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165, ayon kay Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, Bicol police spokesperson. Si Faeldon, Jr. ay kasamang dinampot ng mga pulis sa isinagawang drug raid sa tinutuluyang bahay kasama ang lima katao kabilang ang tatay ng kanyang girlfriend.…
Read MoreBATANG LANSANGAN, PULUBI TARGET NG DSWD
PLANO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na iligtas ang mga batang lansangan at mga pulubing naglipana sa Metro Manila sa panahon ng Kapaskuhan. Makikipag-coordinate ang DSWD sa mga local government upang linisin ang kalsada sa mga pulubi kasama na ang mga katutubong lumuluwas ng Maynila para mamasko, ayon kay spokesperson Glenda Relova. Tiniyak ng ahensiya na ligtas at may pansamantalang matutuluyan ang mga ito sa kanilang center. Bibigyan ang mga ito ng komprehensibong pagsusuri kasama na ang checkup, pagkain at pamimigay ng hygiene kits. Ang mga maililigtas…
Read More1,000 PULIS IKAKALAT SA SIMBANG GABI
AABOT sa 8,000 pulis ang ikakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Kapaskuhan. Sinabi ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar na 7,823 pulis ang itatalaga sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila upang bantayan ang mga tao sa Christmas rush. Sa panayan, sinabi ni Eleazar na magsisimula ang pagpapakalat ng mga pulisya sa simula ng Simbang Gabi kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga Katoliko sa simbahan para sa siyam na araw na misa. Aabot agad sa 1,000 pulis ang ikakalat sa…
Read MoreFAELDON KAMPANTE SA NEGATIVE RESULT NG ANAK
KAMPANTE at inaasahan na ni Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Nicanor Faeldon na lalabas na negatibo sa paggamit ng droga ang inarestong anak na si Faeldon Jr matapos mahuli sa drug raid sa Naga City. Hindi na umano nagtataka si Faeldon kung maging negatibo sa droga ang anak dahil ni manigarilyo umano ay hindi bisyo ng batang Faeldon. Sa kabila nito, nanindigan ang BuCor chief na hindi siya makikialam sa galaw ng imbestigasyon at hahayaang gumulong ang hustisya. Si Faeldon Jr. kasama ang iba pa ay inaresto sa loob ng…
Read MoreFIESTA SA TURNOVER NG BALANGIGA BELLS
MASISIGLANG musika at mistulang malaking piyesta ang isinalubong ng mga residente ng Balangiga, Eastern Samar sa paghahanda ng turnover ceremony nito ngayon. Hindi magkamayaw ang mga tao sa tuwa sa pagkakabalik ng makasaysayang kampana na nawalay sa kanilang bayan ng 117 taon. Nasa sentro ang tatlong kampanang nakapatong sa pulang tela habang sa paligid nito ay umiikot ang banda na umaga pa lamang nagpapatugtog na ng masasayang awitin. Galing ng Amerika, dumating sa bansa ang kampana noong Martes. Ang makasaysayang Balangiga bells ay kinuha ng mga sundalong Amerikano noong 1901…
Read More1K PINOY KAILANGAN SA ISRAEL
PINAGHAHANDA ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga Pilipino na gustong magtrabaho sa mga hotel sa Israel dahil mahigit 1,000 ang job offering sa nasabing bansa. Ayon kay DoLE Secretary Sylvestre Bello III, sigurado ang alok na ito dahil nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng DoLE at Israeli Tourism Ministry. Patuloy na lumalakas ang industriya ng turismo sa Israel kung saan ang gusto ng kanilang pamahalaan ay mga Pilipino ang maging empleyado nila dahil marunong itong mag-Ingles at napakahusay magsilbi at magtrabaho. Nagpaalala lamang si Bello na…
Read More6 PATAY SA GUMUHONG BAHAY
PINANINIWALAANG ang paglambot ng lupang kinatitirikan ng bahay sa gilid ng creek sa Sitio Bathala, Bgy. Bahay Toro, Quezon City ang dahilan ng pagguho kung saan anim katao ang kumpirmadong namatay. Sinabi ni Mike Marasigan ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management office na walo ang natabunan ng gumuhong bahay sa gilid ng Culiat River. Nadala pa sa ospital ang dalawang biktima subalit ang anim na nasawi ay naipit at nalunod sa ilog. Kinilala ang mga nasawi na sina Nilo Manguso, 46; Ryan Rigueros, 31; Benito Añora, 45; Jun Gabin;…
Read More